Chapter 12

152 56 202
                                    

Athena's POV

"Omg Ethon!!! Anong nangyari sayo?!" puno ako ng pag aalala na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Malalim ang hininga niya at nakapikit ang mga mata. Buong lakas ko siyang tinayo at kahit sobrang bigat niya pinilit ko siyang iakyat sa kwartong pinagdalhan niya sakin.

Inihiga ko siya sa kama saka patakbong naghanap ng first aid kit. Nang may mahanap ako, patakbo din akong pumasok muli sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kama saka ko sinimulang gamutin ang mga sugat niya.

Bahagya naman siyang gumagalaw pag dumadampi ang alcohol sa mga sugat niya. "Ano bang nangyari sayo ha? Wag mong sabihing gangster ka din? O dikaya miyembro ng mafia?" pagkausap ko sakanya. Diko alam kung naririnig niya ako kasi bahagya namang kumikibot ang mga labi niya.

Tinuloy ko lang ang paggamot sa sugat niya pagkatapos ay pumunta ako sa harap ng cabinet at tumingin ng damit na pwede niyang isuot. May nakita naman akong malaki laking tshirt kaya yun ang kinuha ko.

Lumapit ako sakanya at tinignan ang damit niyang puno ng dugo. "E-ethon," sinundot ko ang tagiliran niya. Walang reaksiyon. "B-bibihisan kita ah? Promise walang malisya to. Trabaho lang walang personalan," sabi ko pero still walang reaksiyon.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagsimulang tanggalin ang tshirt niya. Tinaas ko ang mga kamay niya para matanggal ko ito. Bahagya akong pumipikit para di ko makita ang katawan niya pero sadyang malaswa ang aking mga mata dahil bumaba ang tingin nito sa mga muscles niya sa dibdib hanggang sa abs nito. Binilang ng utak ko kung ilan ito at walo ang nabilang ko. Napalunok ako sa magandang tanawin na aking nakikita.

Halos lumundag naman ako nang bigla siyang gumalaw. Mabuti nalang di siya nagising. Maingat ko namang sinuot sakanya ang tshirt saka maluwag na nakahinga nang maisuot ko ito ng maayos.

"So, saan ako matutulog niyan?" pagkausap ko na naman sa sarili ko. Napagdesisyunan ko na lang na matulog sa ibaba ng kama. Maluwang naman ang kama pero kasi ayoko ngang tumabi sakanya noh? Dalagang Pilipina ako pero alam niyo na minsan marupok din. Haha. Kaya dito nalang ako sa baba baka kung ano pang magawa ko. Malaking temptation pa naman siya.

Naglatag ako ng comforter saka kumuha ng unan. Humiga na nga ako saka bahagya siyang tinignan. Tahimik na itong natutulog. Ano nga kayang nangyari sakanya?
____________________

Jecho's POV

Nagising ako na masakit ang katawan. "Ack..." hinawakan ko ang bewang ko. Saka ko lang napansin ang damit ko. Saka ang mga sugat ko sa braso. Saka ko lang naalala ang nangyari kahapon.

Palabas nako nun sa bahay para tawagan si Michael nang makita ko ang ilang lalakeng pumasok sa compound. Kilala ko ang mga yun dahil minsan ko na silang nakita sa bahay. Mga tauhan yun ni daddy. Di ko alam pano nila kami natunton dito pero isa lang ang nasisiguro ko, pinamamanmanan ni daddy ang mga galaw ko.

Di ko na dapat sila pakialaman tutal wala naman silang ginagawa pero nung makita ko silang tinitignan at kinukuhanan ng picture si Athena na naliligo sa dagat biglang nagdilim ang paningin ko at pinagsusuntok sila. Pero sadyang magaling sila sa pakikipaglaban because they are trained to do so. They are very skilled at di nila ako pinalagpas kahit alam nilang anak ako ng amo nila.

Mabuti na lang at dumating si Angelo kasi nag usap kami na magkikita dito para mag usap kaya umalis sila.

Luminga ako sa paligid at napagtantong nasa silid ako na pinagdalhan ko kay Athena kahapon. Dun ko siya nakita na natutulog sa baba ng kama. So siya pala ang gumamot sa mga sugat ko and even change my clothes huh? I smiled at the thought.

Bumaba ako ng kama at dahan dahan siyang binuhat papunta sa kama. Di naman siya nagising pagkahiga ko sakanya. I decided to cook for breakfast para makakain kami bago umuwi.

She's my PoserWhere stories live. Discover now