Chapter 25

119 44 116
                                    

Athena's POV

Pagkauwi ko nakita kong bahagyang nakabukas ang condo ko. Di ko ba siya nasara kanina? Naglakad ako papunta sa loob at natagpuan na nakaupo doon si Angelo na nakahawak pa ng bote ng alak.

"Pano na nakapasok?" takang tanong ko sakanya.

"Andito kanina yung kaibigan mong tomboy. Pinapasok ako. Pero dahil matagal kang wala kaya umalis na siya," aniya naman na nakapagpatango sakin. Alam kasi ni Kei ang passcode ko. Bigla ko naman siyang namiss. Sobrang kailangan ko pa naman ng kaibigan ngayon.

"So, bakit ka nga nandito?" tanong ko at umupo sa harap niya.

"Pumunta ako kanina sa opisina mo at nalaman kong di ka pumasok today. So andito ako para tanungin bakit. Saan ka nanggaling ngayon?"

"What else will I do?" kinuha ko ang isang bote na nakapatong sa mesa at lumagok dito. Naramdaman ko naman ang pagguhit ng init sa lalamunan ko. "Sinubukan kong ipaalala kay Jecho ang lahat. Pero wala parin. Ayaw na niya akong maalala. Ayaw na niya akong makasama," I chuckled painfully. "It's ironic right? Parang kahapon lang nung ok kami. Nung sinabi niyang gusto niya ako. Pero ngayon parang virus na akong kinadidirihan niya. Di ko nga alam kung dapat pa ba akong lumaban o hindi na eh. Kung dapat ko pa ba siyang habulin o dapat na akong sumuko."

Lumagok din siya ng alak saka tumingin sakin. "Hinayaan lang kita sa mga nagdaang araw at talagang pinuntahan mo siya?" Umiling iling siya sakin.

Tumayo ako at lumapit sa may bintana. Binuksan ko ito at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin. "Kinalimutan na niya ako," tumulo na naman ang luha ko sa pag iisip sakanya.

Lumapit naman si Angelo sakin at nilapit ang bote ng alak sakin. "Don't over think. Maybe in the right time maaalala ka din niya."

I clicked my bottle with his at saka tumango. Wala naman akong magagawa kundi umasa eh. Umasa sa tadhana. Umasa sa pangako niya.
-----------------

Jecho's POV

Kasalukuyan akong nasa elevator papunta sa opisina ko kasama si Mr. Han.

"Mr. Han, tell the guards not to let Hera Athena come here anymore." Tumingin siya sakin.

"Why is that Sir?"

Bumukas na ang elevator at lumabas na kami. "Just do what I said and don't ask further questions. And don't mention her to me from now on."

"B-but---"

"I said just do what I say," I said with finality. Napatango nalang siya sakin.

"Who are you talking about?" nakita ko namang nakatayo na pala si Angelo sa labas ng opisina ko.

Hinarap ko naman siya. "Nandito ka pala."

Lumapit siya sakin. "Hinintay talaga kita. Ano ba talagang problema mo? Ano bang ginawa niya sayo at galit na galit ka sakanya?"

"Kailangan ko bang ireport sayo ang lahat ng detalye ng buhay ko?" Naiinis na ako sa mga taong to. Lagi na lang binabanggit ang pangalan ng babaeng yun.

Huminga siya ng malalim. "Kaibigan ko din siya Jecho. Kung nakikita mo lang gano siya nasasaktan ngayon maaawa ka din sakanya. Ganyan ka na ba kawalang puso? Di ka naman ganyan dati ah."

"And I am not you Angelo. Wait...do you like her?

Tumango naman siya. "Yes. I like her. At ayokong nakikita siyang nasasaktan. Ayokong nakikita siyang palaging iniiyakan ang isang taong walang puso."

Tumango tango naman ako. "Then do what you want. Sayong sayo na siya," sabi ko at iniwan na siya. Wala na akong pakialam pa anong gawin nilang dalawa.

She's my PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon