Chapter 41

85 28 35
                                    

Jecho's POV

The next days were so busy for me. I reviewed everything that needs to be reviewed. I will prove myself once again.

I am currently inside my office the whole day kasi di ako tinatantanan ng mga reporters. Nandun sila sa labas ng kumpanya buong araw kaya di ako makalabas.

Bigla namang sumakit na naman ang ulo ko. I've been stressing myself dahil sa mga nangyayari kaya di na naman ako nakakainom ng gamot.

"What's wrong?" narinig kong hangos ni Mr. Han dahil sa biglaang tawag ko. "Okay ka lang po ba sir?"

"Get my medicine," I said at tinuro yun sa may table ko.

Mabilis naman siyang tumalima. "Bakit na naman sumasakit yan sir?"

"I've been too busy these days," sabi ko at humihinga ng malalim. "I know you're too busy to do things too. Kaya ayaw kitang istorbohin. But I've had no one to ask kaya tinawagan na kita."

He gave me my medicine with a glass of water. Ininom ko naman agad ito. "Palagi po bang sumasakit ang ulo mo?"

"Yes. Maybe because of the accident. Or because of my amnesia. I don't know anymore. It should be ok in a few days,"I said at sinandal ang ulo sa couch.

"You should have a regular check up to the hospita sir. C'mon I'll drive you there," aniya at tumayo na.

Umiling ako. "I have only one week left. I can't waste any time. Just collect the files for me. Titignan ko nalang sa bahay."

He sighes at kinuha na nga ang mga papeles na pipirmahan ko at kailangang i review. Inalalayan niya ako palabas sa back gate para umiwas sa mga reporters pero nagulat ako ng sinalubong ako ni Athena.

"May mga reporters diyan. Wag kayong dumaan. May alam akong secret way palabas," tumingin siya kay Mr. Han. "Ikaw muna ang humarap sakanila. Ako na ang bahala kay Jecho," aniya at hinila ang kamay ko palabas. Nagpatianod nalang ako hanggang sa makalabas kami. "Are you alright?" she asked me. Hawak ko ang ulo ko pero tumango ako.

"I'm okay. Thank you," I said. Tumawag siya ng taxi.

"Punta ka na sa loob ng sasakyan baka makita ka pa nila. Halika na," she said kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan.
-------

Athena's POV

Dinala ko siya dito sa condo ko dahil alam ko baka pati sa condo niya may nakaabang na reporters dun. Inalalayan ko siyang umupo.

"Ano ang nararamdaman mo? Sumasakit pa ba?" I asked him at tumango siya.

"Dahil siguro to sa stress. Magiging ok din to," sabi niya. "Mas ok na dito muna ako manatili, baka kung ano pang mangyari sakin sa bahay, di kaya?" sabi niya na may nakakaawang mukha. I blink a few times. Kanina nung nasa sasakyan kami ok naman na siya pero ngayon bigla ulit sumakit ulo niya.

"Nasan ba pamilya mo? Napakaseryosong bagay to, wala ba silang pakialam sayo?" nagpameywang kong sambit. Nilagyan ko ng tubig ang baso saka inabot sakanya. "Eto, inom ka muna."

Kinuha niya naman ito at uminom. "Diba andito ka naman? Mas gusto kitang kasama kesa sakanila," he said na nagpapula ng mukha ko.

Tumikhim ako at bahagyang pinaypayan ang sarili. "Sinasabi mo diyan," I said at umupo sa kabilang side.

"Lahat ng tao tinuturing na akong may sakit sa utak. Ganun din ba ang tingin mo sakin?" aniya na tinignan ako.

I tilt my head at umiling. "I think of you once as a cold-blooded person, but I know mahalaga sayo kung anong iniisip ng ibang tao sayo." Huminga ako ng malalim saka ngumiti. "Nawala ang alala mo kaya di mo naaalala ang nangyari sakin nung pinunta moko sa condo mo diba? Nung time na yun plinano kong akitin ka. Pero sabi mo di ko na dapat gawin yun kasi gusto mo na ako nun. Sabi ko nun di ka naman pala ganun kasama kahit na niloko moko nun. Pinaramdam mo sakin na I deserve to be loved." Tumingin ako sakanya. "Kaya ngayon sinasabi ko sayo na you deserve everything that you have. Iniisip ko nun na pano kung malampasan kita? Pano kung mas gagalingan ko pa at matatalo kita? But later on I saw how you work. Napaka dedicated mo sa trabaho. Kaya you deserve your position Jecho," I told him.

She's my PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon