Chapter 33

99 35 83
                                    

Athena's POV

I am currently sitting here at my office dito sa company. Madami akong kailangang tapusing trabaho. Mabuti nalang at naintindihan ni Papa ang sitwasyon ko kaya siya na ang nagtapos ng ibang gagawin ko.

I was busy signing papers ng biglang may pumasok sa opisina ko. Ayoko pa naman ngayon ang maistorbo. "I am busy can you please---" nagulat ako ng pag angat ko ng mukha ay si Jecho ang nabungaran ko. "Why are you here?"

"Let's talk." He said in a serious tone. I sighed saka tumango. "Sit down."

Umupo naman siya sa kaharap na upuan. "Anong sinabi mo sa daddy ko?" kapagkuan ay tanong niya.

Tinignan ko din siya ng seryoso. "Tinatanong mo pa ba ako? Syempre sinabi ko na---"

"So you told him about what happened to us? You really planned this huh? You planned to destroy me all along!" sigaw niya sakin. Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya.

"Ganun na ba kababa ang tingin mo sakin Jecho? Wala ka na bang ni katiting na tiwala sakin? Sa tingin mo ba kaya kit---"

"What made you think that I trust you?" natahimik naman ako sa sinabi niya. "Mula nung mawala ang alaala ko sayo you didn't do anything you promised. Para lang guluhin ako, you manipulated me, lied to me even fed me with medicine. Ngayon pamilya ko naman ang ginugulo mo. Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kita?!"

Umiling ako sa harap niya. "Pero di kita niloko. Para nga di ka masira nagpanggap pa akong masamang tao sa harap ng daddy mo. Wala akong sinabi kahit na ano sakanya! Bakit ka ba nagagalit sakin without even asking me clearly!"

"Stop acting. Plano mo to noon pa. You wanted to destroy me. Alam mo ba na 'pag nalaman ng board na nakipag relasyon ako sa rival company they will kick me out? Di mo alam kung gano ko kahirap inayos ang issue natin noon Athena. Di mo alam. Now I know  what kind of person you are."

"What do you mean?"

"You are a great pretender. Manloloko," he said at naglakad na palayo.

"Teka! Jecho!" hinabol ko siya at pinigilan ang braso niya. "I told you I didn't betray you! You can't misunderstand me!"

"Let go," he said at marahas na tinanggal ang kamay ko sa braso niya saka naglakad palayo.

Naiwan naman akong tulala. Kinagat ko ang ibabang labi ko. So yun pala talaga ang tingin niya sakin? Tumungo ako at binuhos nalang ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
---------

Jecho's POV

Naglakad ako papasok sa opisina ko at hinanap si Mr. Han. "Inform the chairman, I'm going to meet him. " I said. Diretso ang lakad ko papunta sa opisina niya.

"Oh, nandito ka pala. Have a seat," usal niya ng makita ako.

"No need dad. Gusto ko lang itanong sayo ang isang bagay. Aalis din ako pag nalaman ko na."

Tumingin naman siya sakin. "Go ahead."

"Kung may gusto kang malaman tungkol sakin bat di ka nalang dumiretso sakin dad. Bat pa kailangan mong puntahan si Athena?"

"Ano bang gusto mong itanong. Just go straight to the point," he said firmly.

"Ano ba ang gusto mong malaman? Bakit ka nakipagkita kay Athena Dad?!"

"You should ask yourself son. Bakit ka nagmadaling kausapin ako pagkatapos mong malamang nag usap kami ni Athena?"

"Dad ayoko lang pinagsususpetsahan mo ako!"

"So you thought she will betray you? Natatakot ka na pag nagkausap kami may sasabihin siya kontra sayo?"

Nagpameywang ako saka kinagat ang ibabang labi. I was frustrated. "Dad!"

She's my PoserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon