Chapter 21

135 45 144
                                    

Athena's POV

"Come in. Pasensya na kayo mejo magulo ang bahay," sabi ng perfumer. Oo nakita na namin ang bahay niya at dahil sa may bagyo nga, dito na namin balak magpalipas ng gabi. "May isa lang kaming guestroom," sabi pa niya at tumingin sakin. "Miss kung gusto mo doon ka nalang sa tabi ng anak kong babae matulog."

Umiling ako at tumingin kay Jecho saka nag iba ng tingin. "I'm sleeping with them," I said na kinalaki ng mata ni Angelo at pinanliitan naman ako ng mata ni Jecho. Bakit? Ayoko ngang matulog kasama ang taong di ko kilala noh? Mas mabuting sila nalang kasama ko matulog kesa sa ibang tao.

Nauna akong pumasok sa kwarto. May tatlong nakalatag na magkakatabing mattress. Pumunta ako sa gitna at dun nahiga. Nakita ko naman si Jecho na pumasok na sa kwarto. Naalala ko na naman ang paghalik na ginawa niya sakin kanina. Uminit naman bigla ang pisngi ko saka nahihiyang ngumiti sakanya. "M-matutulog ka na?" I asked ngunit di niya ako sinagot. Lumapit siya sakin at sinipa ako papunta doon sa ikatlong mattress at humiga siya sa gitna. "Ouch ano bang ginagawa mo?!"

"Diyan ka," sabi pa niya at nilagay ang kamay sa ilalim ng ulo niya saka pumikit. Ano bang problema ng isang to? Psh.

Sunod namang pumasok si Angelo at nakita na magkatabi kami ni Jecho. Tumaas ang kilay niya saka pumunta doon sa unang mattress kung saan katabi niya si Jecho. Bale pinapagitnaan namin si Jecho.

Matiwasay naman kaming nakapagpahinga ng magdamag

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Matiwasay naman kaming nakapagpahinga ng magdamag. I am thankful na di ko ginapang si Jecho kagabi kahit na halos matunaw na siya sa pagtitig ko sakanya. Nung time na narealize ko kasing gusto ko siya naisip ko nang I want to try my luck. Alam ko namang mahirap niya akong magustuhan pero alam ko ding may pag asa ako. Di naman niya ako hahalikan kung wala diba? Ok naman na ang pamilya ko. Ok na ang kumpanya.

Yung galit ko sakanya nun nawala na din at napalitan nalang ng paghanga. I realized din kasi na he is a responsible man. Di lang siya gwapo pero may paninindigan din siya. Sa age niyang yan successful na siya at ginagawa niya ang lahat may mapatunayan lang. Kahanga hanga siya kaya siguro mas nadagdagan ang pagkagusto ko sakanya.

I will just try to make him mine. Di man ako tulad ng ibang babae na landakan ang pagsasabi ng nararamdaman sa lalake pero I will do it the Hera Athena's way. Sa paglapit lapit ko sakanya kahit bwisit siya sakin, alam ko darating ang panahon na mapapansin din niya yung nararamdaman ko. Kung hindi man ako magtagumpay e di move on. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, I will not give up without a fight. Saka we are in a modern society naman wherein equal rights are observed. Wala namang mawawala sakin pag sinubukan ko diba?

Kinaumagahan, pagkatapos kong makuha ang opinion ng perfumer ay nagpasiya na kaming umalis. Sa sasakyan ni Angelo ako sumakay kahit na pinagpilitan ni Jecho na sakanya ako sumakay. Bakit nga ba di ako sakanya sumakay? Una, si Angelo ang kasama kong pumunta dito kaya dapat lang na siya din ang maghatid sakin pauwi. Pangalawa, gusto ko lang din siyang pagselosin ng konti noh? Though di ko naman siya nakitaan ng selos kanina. Iritasiyon siguro,oo. Pero ok lang, nagsisimula palang naman ako.

She's my PoserWhere stories live. Discover now