Chapter 30

138 40 100
                                    

Jecho's POV

Nagising ako na parang may kamay na humahaplos sa dibdib ko. Nagmulat ako at tinignan ang kamay na humahaplos dito. Saka sa babaeng natutulog at nakayakap pa sakin. Bigla naman akong napatayo nang marealize kung sino ito. "Oy! Athena! Gumising ka diyan!"

She groaned pero di nagmulat. "Mmm.... Ayoko pang gumising. Ayoko pang pumasok sa trabaho. Ayoko. Ayoko."

Napabuga ako ng hangin at marahan na kinuha ang jacket ko na nakayakap sa katawan niya kaya napamulat siya. "Sabihin mo nga sakin anong nangyari satin kagabi ha?"

Tumayo siya at nag inat. Pupungas pungas pa ang mga mata niya. "Masyado nang gabi nun. Ano pa bang mangyayari na sinasabi mo? Syempre natulog lang tayo. Sumandal ka sa balikat ko kaya ngayon ay sumasakit na. Psh," aniya na minamasahe pa ang balikat niya.

"As far as I remember pinainom mo ako ng gamot kagabi diba?!" At isang gamot na ganun pa talaga? Pasalamat siya na nasa tamang katinuan pa ako para hindi magpadala sa epekto ng gamot na yun.

"Gosh. Gosh. Gosh. Walang epekto yung gamot. Masungit parin siya sakin." May binubulong bulong siya pero di ko na naririnig. Kapagkuan ay tumingin siya sakin ng masama. "Kasalanan ko ba kung weak ka? Nilagnat ka nga magdamag duh? At saka nakakatakot ka kaya nun. Parang may gagawin kang masama sakin," at niyakap pa ang sarili niya.

"And what do you think will I do to you huh?!"

Sasagot pa sana siya nung pumasok na ang guard na kausap namin kahapon. Mukhang nagulat naman siya pagkakita samin.

"Eh? Nandito pa kayo?"

"Ginulo kaya ako nang bakulaw na yan kagabi kaya di ako nakaalis!" reklamo ni Athena. At talagang ako pa ang nanggugulo ha?"

"Sino bang nagpainom sakin ng gamot ha? Ako ba? Ako? At bat ako ang sinisisi mo?"

"E bat hindi ha?!"

"Ok. Stop!" sigaw ng guard para awatin kami. "Di ko talaga maintindihan ang mga magkasintahan ngayong mga panahon, oo."

Nagkatinginan naman kaming dalawa saka matalim na tinignan ang guard. "Shut up! Sinong magkasintahan?!" sabay naming sigaw na dalawa at tumingin sa magkabilang direksiyon.

"Pwede na ba kaming umalis ngayon?" tanong ko sa guard

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Pwede na ba kaming umalis ngayon?" tanong ko sa guard.

"Naku, pasensiya na nakalimutan kong nandito pa kayo kagabi. Bat kasi di niyo ako tinawag---"

Di ko na siya pinatapos at dali dali na akong tumalikod. Sakto namang nakita ko ang paparating na sasakyan ko na dinadrive ni Mr. Han. Sumakay ako sa likod.

"Sir, may problema po tayo," aniya pagkaupo ko. Pinakita niya ang isang interview sa tv. Kumunot na naman ang noo ko. "Let's go to her company."
-------------

Athena's POV

Tumatakbo ako ng matulin para habulin si Jecho. Mabuti at di pa siya nakaalis. Kumatok ako sa likod ng bintana ng kotse niya. Mabuti at binuksan niya ito.

She's my PoserWhere stories live. Discover now