Chapter 46

62 25 21
                                    

Third Person POV

Nagda drive si Angelo papunta sa kung saan nang mag ring ang phone niya. His mom has been calling him kanina pa. Di niya sana sasagutin yun ngunit napilitin siya kasi ikatlong beses na itong nagriring.

"Yes, Mrs. Wang?" sagot niya. Nasanay na siyang tawagin siyang ganun. Di naman din nagrereklamo ang mon niya dahil alam niyang lambing lang niya iyon sakanya. "Your son is in a bad mood now you know. Please keep it short."

"Nasan ka ba?" sagot ng ina niya na hindi mapakali sa loob ng bahay nila. "Bakit di ka umuwi ng magdamag?"

"Nanood ako ng midnight movie Mom," sagot ng binata habang patuloy na binabagtas ang daan. "The prince and the princess lived happily ever after," he said na ang tinutukoy ay sina Jecho at Athena. Nanatili namang tahimik ang ina sa kabilang linya habang nagtataka sa kung anong sinasabi ng anak. "The knight and the bad guy also lived happily ever after."

"What are you talking about Angelo? Umuwi ka na ngayon din. Kailangan nating mag usap," sabi ng kanyang ina. "Alam mo ba na nag desisyon na ang board sa pagpapalis kay Jecho?" Napatigil naman si Angelo sa narinig.

"Mom, pano nangyari yun? Tell me more about it," sagot niya. Di niya gusto ang nangyayari. Jecho is the only one who deserves that position.

"Uwi ka na. I will talk to you then," sabi ng mama niya at pinatay na ang tawag. Nagmadali naman ang binata na mag drive papunta sa bahay nila.

Sa kabilang dako naman,  buhat buhat naman ni Jecho si Athena na inuwi sa condo niya.

"Welcome ba---Athena? Anong nangyari sakanya?" alalang tanong ni Keiry ng makita ang kaibigang buhat buhat ni Jecho.

"Pwede ka bang maghanda ng pagkain para kay Athena? Kailangan niyang kumain," sabi ni Jecho kaya tumango ang dalaga.

Dinala naman ni Jecho si Athena sa kwarto niya at maingat na binaba sa kama. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at umupo ito sa tabi niya.

"Pwede ka ng umuwi Jecho. Okay na ako ngayon," sabi ni Athena sa binata.

"Kailangan mo pang kumain okay? Para lumakas ka agad. Kukuha ako ng pagkain mo," sagot ni Jecho sakanya.

Tumango naman ang dalaga kaya lumabas na si Jecho sa kwarto niya. Sinubukan naman ni Athena na igalaw ang paa niya. Naigagalaw na niya ito ngunit nanginginig parin. Dinial niya ang papa niya.

"Pa, anong nangyayari sakin? Di ko na halos mailakad ang paa ko," naiiyak na sambit niya sa ama.

"Kailangan mo nang pumuntang US anak para sa shot mo. Nawalan na ng bisa ang una mong shot kaya bumalik na ang sakit ng paa mo. Pasensya na anak ha?  Gustuhin man naming umuwi ngayon di namin magawa kasi overloaded ang planes ngayon," his dad is sighing kaya umiling naman ang dalaga kahit di siya nakikita ng ama.

"Okay lang dad. P-pero kailangan kong makalakad Pa kahit ilang araw lang. Kahit...ilang araw lang Pa please? Anong gagawin ko?" di na napigilan ni Athena ang napaluha.

His dad heaves a deep sigh. "May gamot sa aparador mo. Nilagay yun ng mom mo doon. Pwede mo yung inumin para bumalik ang lakas ng paa mo. Pero one time ka lang dapat uminom nun. That can stimulate your muscles for a week. Then after one week magpapa schedule na tayo ng shot mo," sabi ng dad niya.

"Athena! Papasok na ako ha?" narinig niyang sigaw ni Jecho mula sa labas kaya binaba niya agad ang tawag at nahiga ng mabuti.

"P-pasok ka na!" sabi ng babae kaya pumasok ang lalake na may dalang pagkain. Nginitian niya ang lalake at pinilit na makaupo.

"Halika, kain ka na," ani Jecho at nilapag ang mga pagkain. He started feeding her na nakapagpangiti naman sa babae. Naalala niya noon siya ang nagsubo ng pagkain kay Jecho, ngayon naman ay siya na ang sumusubo sakanya. "Good girl," usal pa ng lalake ng maubos ni Athena ang pagkaing sinusubo niya. Bahagya pa niyang pinunasan ang gilid ng labi ng babae na nakapagpangiti na naman sakanya.

She's my PoserOù les histoires vivent. Découvrez maintenant