Chapter 9

164 61 237
                                    

Athena's POV

Gising na ako pero di parin ako nagmulat. Ang lambot kasi ng nahahawakan kong unan. Nakangiti ako habang hinahawakan yun. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasarap na tulog kaya nanamnamin ko muna. Hinimas himas ko ang malambot na unan ko nang bigla itong gumalaw.

T-teka... Gumalaw? Gumalaw ang unan ko?  Takang nagmulat ako ng mata at unti unti kong nakita ang hinahawakan ko. D-dibdib? Dibdib... Matagal na nagproseso ang isip ko pagkatapos ay napalaki ang mata ko ng marealize ang sitwasyon ko.

"Ahhhhhhh!!!!!!!" napasigaw ako at sa gulat ay nasipa ko ang lapastangan pababa sa kama ko kaya nahulog ito.

"Fuck," I heard him utter. Unti-unti kong sinilip ito sa baba ng kama at nakita siya habang himas himas ang bewang niya.

"A-anong ginagawa mo dito??? Lapastangan!!! Rapist!!!!" sigaw ko pa at tinignan ang katawan ko sa ilalim ng kumot. May damit naman ako.

Bumangon ang hambog at pinukol ako ng masamang tingin. "Anong pinagsasasabi mo diyan? Ikaw kaya 'tong sobra kung makahawak sa dibdib ko. Nananamantala ka," sabi niya at tumayo na habang hawak parin ang bewang.

"Anong hinahawakan ah??? Ang kapal mong hambog ka!!!" sabi ko at binato siya ng unan.  Inilingan niya lang ako saka akmang lalabas na. "T-teka... anong nangyari kahapon? Pano ako nakauwi?" inihilig ko ang ulo ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Bukod kasi sa pag silong ko sa waiting shed nung umulan e wala na akong maalala.

"Wala ka ba talagang naaalala?" sabi niya na nakatingin sakin ng seryoso. Umiling naman ako bilang sagot.

"Wala. Kalimutan mo na yun," sagot niya at nagtuluy tuloy na sa labas.

Ano nga kayang nangyari sakin kahapon? Dahil wala akong maalala ay hinayaan ko na lamang. Bumangon na ako at dumiretso ako sa banyo. Naligo ako saka nagbihis.

Bababa na sana ako nang marinig ko ang pag ring ng phone ko.

"Hello?" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Athena! Kumusta ka? Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" ani Keiry na may himig ng pag aalala.

"Oo. Pero di ko maalala anong nangyari kahapon eh. Di ko alam pano ako nakauwi," sagot ko. Naglalakad na ako ngayon patungong kusina.

I heard her sighed as a relief. "Ang mahalaga nakauwi ka ng maayos. Sorry kasi wala ako ha? Di kita nasamahan."

"Ano ka ba ok lang. Kita na lang tayo mamaya sa school. Bye na," sabi ko at binaba na ang tawag.

Naglakad na ako papuntang hapag. Nakita ko dun si Mama kasama si... Papa. Nakita ko rin si hambog na nakatingin sakin habang naglalakad ako.

"Goodmorning 'nak. Kumusta ang tulog mo?" tanong ni papa pagkalapit ko sa hapag. Umupo ako sa tabi ni Ethon dahil dun nalang ang bakante.

"Ok lang po," sabi ko ng di tumitingin sakanya. Di naman sa ayaw kong nandito siya, pero di ko lang kayang maging komportable sa presensiya niya. Mula kasi nung umalis siya at matagal na di nagpakita di ko na inisip na may ama pako.

Sakanilang dalawa ni mama sakanya ako pinaka close dati. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay. Unlike kay mama, siya lagi niyang tinatanong kung kumusta ako. Kumusta ang school ko. Kumbaga tinuring ko siyang superman ko. Pero umalis siya. Iniwan niya ako. Iniwan niya kami ni mama. Mas pinili niya ang babae niya. Sobrang masakit sakin nun pero di ko pinahalata. Nagpanggap akong ok lang ang lahat.

Kahit gustung gusto kong ipamukha sakanya ngayon ang lahat ng ginawa niya, nanatili akong tahimik.

"Namiss ka ni Papa, anak. Gusto mo bang lumabas kasama ang mama mo bukas? Tutal Sabado naman at wala kang pasok diba?" sabi pa niya kaya napatingin ako sakanya. Panong nagagawa niyang ngumiti ng ganyan na parang walang nangyari? Tumingin ako kay mama na nakangiti rin at inaantay ang sasabihin ko. Grabe, may sweldo kaya ang pagiging martir? Kaya siguro kami mayaman.

She's my PoserOnde histórias criam vida. Descubra agora