Chapter 17

152 56 178
                                    

Athena's POV

Nagising ako na nasa isang hindi pamilyar na silid. Luminga linga ako at napagtantong nasa condo parin pala ako ni Jecho. Pero nasan kaya siya?

Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kusina. Nakita ko naman siyang nagluluto. Naramdaman ko na naman ang paglundag ng puso ko pagkakita sakanya. This is really not right. I shouldn't feel this way.

"Gising ka na pala. Halika kain ka muna," he said pero wala na akong balak magtagal pa dito. This is not right lalo ikakasal na siya.

"No. Sa bahay na ako kakain. Aalis na ako," I said. Nakitaan ko naman siya ng saglit na kalungkutan sa mukha niya pero naglaho din yun at napalitan ng malamig na aura.

"Okay then. Do you want me to bring you home?"

"Thanks but no thanks. I can handle myself," bawi ko sakanya at tumalikod na. Nasa may pintuan na ako nang may maalala. Marahan kong piniling ang ulo ko para lingunin siya. "Before I forgot, remember don't drink too much if you can't handle yourself. You're such a mess," sabi ko at nagtuluy-tuloy na sa labas.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ewan ko pero lagi nalang ganito ang reaksiyon ng puso ko pag nasa malapit siya. I know dapat ko ng ibasura anuman ang nararamdaman ko for him. This is just a puppy love I guess kaya madali pang mawala. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko.
--------------------------------

Three weeks had passed at unti-unti nakong nasasanay sa bago kong buhay. I am now the current CEO of our company. The last three weeks had been a hell-out busy weeks for me dahil sa training na pinagdaanan ko. Dagdag pa ang mga school modules ko na ginagawa. Madalas ako na andito sa opisina dito sa 39th floor ng kumpanya namin because of the many things I have to take care of.

"Ma'am here is your coffee," my assistant Ashlie said.

"Just put it down, thanks," I said nang di tumitingin sakanya. Kailangan ko kasing pag aralan ang mga susunod na projects ng kumpanya. Madami kasing mga long term projects na di pa natatapos hanggang ngayon. Isa na ito yung bagong product ng kumpanya na Three-minute love perfume. I want to finish it as soon as possible para di ako mapahiya sa board. I know they don't still trust me fully.

"By the way Ma'am your Mom called. She said she will be coming by today." Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko. Nawalan na din pala ako ng time for my Mom. Dahil sa sobrang busy ay di na halos ako umuuwi sa bahay. May condo na din kasi ako malapit dito sa kumpanya kaya di na ako nakakauwi.

"Okay. Thanks. You may go," I smiled at my assistant saka nag unat. Bahagya kong tinignan ang itsura ko sa salamin malapit sa upuan ko. Grabe, parang nakalimutan ko na din kung anong itsura ko dahil di na ako nakakatingin sa salamin.

Maya-maya lang ay kumatok na naman si Ashlie sa pintuan ko. "Ma'am nandito na po si Ma'am Keithlyn."

"Papasukin mo," sabi ko nalang saka sumandal sa upuan ko. Nakita ko naman amg pagpasok ni Mama sa loob. Napangiti naman ako dahil miss ko siya. Tumayo ako para salubungin siya.

"Ma, it's been so long," sabi ko at niyakap siya. Niyakap naman din niya ako ng mahigpit.

"I missed you princess. Kumusta ka dito? Di ka naman ba nahihirapan?" bahagya siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. "Ang payat mo na."

"I'm okay Ma. Saka para naman sa kumpanya ito. And Dad is helping me naman," I said saka pinaupo siya sa sofa. Naging close na din naman kami ni Papa kahit papaano though pure business lang ang pinag uusapan namin pag nagkikita.

"Speaking of your Dad, kilala ko na kung sino ang babae niya," she said suddenly. So, all this time she is investigating about it huh? Kumakawala na kaya siya sa fans club ng GOMBURZA?

She's my PoserWhere stories live. Discover now