Chapter 45

79 26 29
                                    

Third Person POV

Habang pauwi si Athena papunta sa opisina niya ay nakaramdam siya ng matinding sakit ng paa. Dagdag pa ang namamanhid niyang katawan. Dali dali siyang sumakay sa kotse niya at pinilit na nag drive papuntang condo niya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya kinaya ang sakit ng paa niya kaya tinigil niya ang sasakyan sa gitna ng daan. Sinubukan niyang kunin ang phone sa bulsa pero sa kasamaang palad ay lobat din ito. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at iniisip na kailangan siya ni Jecho ngayon kasi ngayon nila ipepresent ang kanilang product. Hinawakan niya ang paa para sana maibsan ang sakit pero parang hindi na niya kaya. Sinandal niya ang ulo sa headrest ng sasakyan at ipinikit ang mata. "J... Jecho..." usal niya bago nawalan ng ulirat.

Sa kabilang dako, hindi mapakali si Jecho dahil hanggang ngayon ay di pa dumarating si Athena sa office.

"What's wrong?" aniya kay Mr. Han na pinapakontak si Athena.

"Sir, di pa daw po bumabalik si Miss Athena sa condo niya. Pati sa CI wala pa daw siya dun sir," sagot naman niya sakanya. Napabuga si Jecho ng hangin sa pag aalala. "Di rin daw alam ni Miss Keiry kung nasaan siya. I already contacted her parents at di rin daw nila siya nakita. Di ko rin po alam saan siya nagpunta," dagdag na sabi pa niya.

Tinignan naman ni Jecho ang kanyang relo. Malapit ng magsimula ang conference nila.

"Sir, malapit ng magsimula ang press conference. Ang mabuti pa ay mauna ka na muna," sabi ni Mr. Han sa di mapakaling lalake.

"No. She made an appointment to meet me at the office today. Importanteng meeting yun. Imposibleng hindi niya ako sisiputin," sabi naman ng lalake. He knew that Athena will come whatever happens. "Just inform the scientific department and locate her phone right away. I need to know where she is," dagdag niya na tinanguan ni Mr. Han.

Bigla namang dumating ng humahangos si Angelo. "How could Athena disappear?" nag aalalang sambit niya ng malaman na hindi pa dumadatimg hanggang ngayon ang dalaga.

Lumipas pa ang ilang minuto ay wala paring dumadating na Athena sa office. Patuloy parin nilang nilolocate ang phone ni Athena pero dahil sa lobat ang phone ng dalaga nahihirapan silang ilocate ito.

"Anong sabi nila?" sabay na tanong nina Jecho at Angelo habang inaantay si Mr. Han na makipag usap sa Science Department.

"Nakita po siya sa isang CCTV at nakita na naka park ang sasakyan niya sa gitna ng Riverside malapit sa remote factory Sir," sagot ni Mr. Han na binigay ang location ng lugar.

"Anong ginagawa niya dun?" sagot ni Angelo na nagtataka.

"Diko po alam," sagot ni Mr. Han. "We're not clear about her situation now. Di din tayo pwedeng tumawag agad agad ng pulis," aniya at tumingin kay Jecho na nananatiling tahimik na tinitignan ang location ni Athena. "Sir, anong gagawin natin?"

"Hindi siya makakalayo ng ganon. Kahit na gusto niyang magpunta dun, she will contact me first," sagot naman ni Jecho.

"Anong ibig mong sabihin dude?" tanong ni Angelo. "Wag mong sabihing may nangyaring masama sakanya?"

Napatingin naman ang dalawa sa sinabi ni Angelo.

"I'll go find her," kapagkuan ay sambit ni Jecho na nakapagpatayo kay Mr. Han.

"Teka dude!" pigil din ni Angelo sa balikat niya. "Ako nalang ang maghahanap sakanya. Kung idedelay mo ang conference it will all be over."

Umiling iling si Jecho. Malalakas na ang kanyang hininga sa sobrang pag aalala. "No. Malakas ang pakiramdam ko na may nangyari sakanyang masama. Notify the conference delay," aniya kay Mr. Han. "I'll go find her first," sabi na niya at tumakbo na papalabas.

She's my PoserWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu