Chapter 6

184 65 230
                                    

Jecho's POV

"We are spending 3 hours already pero hanggang ngayon di mo parin gets ang lesson na to?!" Nagagalit na talaga ako sa babaeng kaharap ko ngayon. Kanina ko pa ine explain sakanya ang tamang procedure at formula na kailangan sa problem na sino solve namin pero hindi parin niya nakukuha ng tama. Ewan ko kung talagang di niya alam o binubwisit lang talaga niya ako.

Pabagsak niyang binaba ang ballpen niya saka sinandal ang ulo niya sa upuan. Andito kasi kami sa study table niya at kasalukuyan ko siyang tinuturuan sa basic Trigo.

"Ang hirap naman niyan kasi! Di ko naman kailangan kasi ng Trigonometry sa buhay ko! Sino ba kasing umimbento niyan? Bwisit ang sakit na ng ulo ko!!" reklamo niya na hinilot hilot ang ulo niya.

I sighed in exasperation. "Look, sobrang basic lang neto. Kahit elementary alam ito. How come di mo to maintindihan?" mahinahon ko paring sabi. Di ko naman siya madadaan sa init ng ulo kasi alam ko malala ang saltik niya baka sipain na naman ako.

"Alam ko yan! Di ako bobo! Ano tingin mo sakin ah?!" angil niya saka kinuha na naman ang ballpen at nagsimulang magsagot.

"Ikaw nagsabing bobo ka, di ako," pabiro kong sabi at humalikipkip. Tinignan lang niya ako ng masama saka nagsimulang magsagot.

Pinanood ko lang siya habang nagsasagot. Kumukunot pa ang noo niya sa sobrang seryoso. Kapagkua'y tumingin siya sakin ng seryoso.

"Pag ba nasagot ko to pwede bang ano? Ahh..." inihilig niya ang ulo niya na pawang nag iisip ng sasabihin saka tumingin ulit sakin. Tahimik naman akong nag aantay ng sasabihin niya. Kabaliwan na naman siguro. "P-pwede bang pa...FS?" sabi niya na as she smiled awkwardly at me.

FS? What's that? Naisip ko. "Anong FS ba yang sinasabi mo?" I eyed her with curious look.

"FS. Fansign. Di mo ba alam yun? Duh, you're so old na ba talaga at di ka nakakasunod sa trend? Psh," aniya na nag roll eyes pa. "Aww," sabi niya pagkatapos ko siyang kaltutan.

"It's not about being old. It's just that I'm more interested in other more important things rather than those immature trends that you're saying," sabi ko. Di ko inakala na makakausap ko siya as nice as now. I guess I'm getting one step up to my goal. "And what? Fansign? Don't tell me you're my fan now?" tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi.

"Gago," mura niya at binato ako ng libro. Heck. Pinukol ko siya ng masamang tingin saka pinulot ang librong binato niya sakin. "Taas ng tingin mo sa sarili mo ah? It's just that... I need it. Pumayag ka nalang nga! Basta pag nasagot ko to bigyan moko FS," inirapan pa niya ako saka niya hinarap muli ang sinasagot niya.

Umiling-iling nalang ako habang pinapanood siya. Di ko naman maiwasang mapatitig sa mukha niya. Kung titignan siya napakaamo ng mukha niya pero kabaliktaran nun ang ugali niya. Boyish siya magdala pero di parin maikakaila ang angkin niyang ganda. Malas nga lang dahil parte lang siya ng plano namin. She's a Chua and she's an enemy.

"O ayan na," pabalang niyang binigay sakin ang notebook na pinagsagutan niya na para bang confident na confident siya na tama ang sagot niya. "Basta yung usapan natin ah? I need your FS," sabi pa niya saka kinalikot ang phone niya.

Kinuha ko ang notebook na sinagutan niya at napataas ang kilay ko ng mapagtantong tama ang sagot niya. Alam naman pala niya pinahirapan pako mag explain ng paulit ulit ng tatlong oras. Ibang klase talaga ang saltik ng babaeng to.

Imbis na magalit, nangingiti nalang ako sa di malamang dahilan. She's just... Interesting?
____________________

Athena's POV

O ano ka ngayon? Ha! Sa tingin mo talaga bobo ako ah! Sabi ko naman kasi sainyo, di ako bobo. Nahihirapan ako sa Math kasi yan ang subject na nakakapagpatamad sakin. Oo, tinatamad akong mag analyse at tinatamad akong mag compute. Feel niyo bako? A basta!

She's my PoserNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ