Chapter 48

77 25 32
                                    

Third Person POV

"Dude?" Angelo asked nang nakarating sila sa conference room ng kumpanya.

"I called you here because I need to know something," Jecho asked na nakapagpataas ng kilay ni Angelo.

"Ano yun?" nakahalukipkip na sambit ni Angelo sa kaibigan.

"It's about my amnesia. I am thinking how to make Athena happy before something like losing my memory happen again."

Napangisi naman si Angelo sa turan ng kaibigan. "So tinawag mo ako dito para dito?" aniya at umupo siya sa ibabaw ng table.

Umupo naman si Jecho sa isang upuan at humarap sa kaibigan. "Mahal na mahal ko si Athena. But as for her hobbies, I thought you know better than I am. Pwedeng pagkain, perfume---"

Tumingin naman si Angelo sa kaibigan. "Do you think that really matters Jecho? Mahilig siya sa masasarap na pagkain, oo. Mahilig siya sa magagandang lugar. Pero pag magkasama kami ikaw lang ang naiisip niya." Napatingin naman si Jecho sakanya ng seryoso. "Sabi nga sa kasabihan, love is all we need. She should be happy enough, as long as you are around. Kahit ano pa yan basta ikaw kasama niya, magigimg masaya siya."

"Talaga?" sambit naman ni Jecho.

"Kung di yun totoo bat naman ako mag gi give up?" usal niya na nakapagpaangat ng tingin ni Jecho.

"Finally," sabi niya at ngumiti.

"Or what?" sabi naman ni Angelo na tumawa ng bahagya. "Pag ang kaibigan ko di na makaalala, aagawin ko ang asawa niya sakanya?"

"Not a chance," sambit ni Jecho na natawa na din.

"Wag kang mag alala dude. I eexplain ko sakanya. Ayoko namang mapahiya na naman siya," aniya na tinanguan ng kaibigan.

"Okay then. Just call Mr. Han kung meron mang nangyayari sa kumpanya. I know your dad will help you pero may mga bagay na hindi niya alam," nakatinging sambit ni Jecho.

"Sure sure. I got it. Please get well soon dude," sabi ni Angelo at iniwan na siya.
-------
Athena's POV

Lumakad si Athena sa daan papunta sa memory bank ni Jecho. Lumilinga siya sa paligid. She tried to swipe the card na kinuha niya mula sa empleyado kanina pero di nagwo work. Aish pano bato?  Kinakagat niya ang labi nang biglang napadaan si Angelo sa kinaroroonan niya. Di siya nito napansin.

"Angelo!" bahagyang sigaw ko kaya napatingin siya sakin. "Halika dali! Pahiram naman ng card mo," sabi ko na nagpakunot ng noo niya.

"Anong balak mong gawin Athena?" tanong niya sakin. "At saka...diba memory bank to ni Jecho? Anong ginagawa mo dito?"

"Kailangan kong pumasok sa loob. Please Angelo wala na akong oras," sabi ko na pinagsalop ang kamay sa harap niya.

"T-teka...kung gusto mong pumasok kausapin mo muna si Jecho. Kahit naman na substitue ako as president, di parin ako makakapasok sa place niya na wala siyang permission Athena. Ano bang nangyayari sayo ha?" anito.

Napasimangot ako. "Kailangan ko ba talagang sabihin sayo para pumayag ka?"

"Ano ba yun?" hinawakan niya ang balikat ko. "May nangyari ba?"

"Angelo one of these days kailangan ko ng umalis. I... I have this sickness na nagpapamanhid sa katawan ko. I need to have my second shot pero wala yung kasiguraduhan Angelo," niyugyog ko ang braso niya. "I might die there! Angelo ilang araw nalang ang natitira sakin. I need to leave one of these days at di ko alam kung makakabalik pa ako."

Napaawang ang bibig ni Angelo sa sinabi ko. "W-what are you saying? Then..."

"I need to destroy the memory bank. Jecho needs to forget me. May plano na ako sa kung anong gagawin. I just need to...to..." napakagat ako sa labi ko.

She's my PoserWhere stories live. Discover now