Chapter 7

195 65 242
                                    

Athena's POV

I am walking in a wide flower garden. I don't know where is this place but I am not afraid. Para bang napaka peaceful at safe ng lugar na to.

I walked slowly feeling the fresh breeze of air when suddenly I felt that someone was behind me.

Unti-unti kong binaling ang paningin ko sa likuran ko. Then there I saw a guy wearing a business suit. Di ko aninag ang mukha niya pero I can see his built.

Pilit kong inaaninag ang mukha niya habang unti unti siyang lumalapit sa kinaroroonan ko. Hinawakan niya ang mukha ko at unti unting nilalapit ang mukha niya sakin.

I can't move. Para bang nahipnotismo ako sa klase ng paghawak niya sakin at di ako makapalag.

Malapit nang magdantay ang mga labi namin ng biglang...

"What the fuck!!!" napabalikwas ako nang bangon ng maramdaman ko ang malamig  na tubig na bumasa sa aking mukha. Gigil kong tinignan ang lapastangang nagbuhos ng tubig sakin at halos umusok ang ilong ko ng makita ang hambog na nakahalukipkip habang nakasandal sa dingding malapit sa bintana ko. Nakita ko pa ang tabo na ngayo'y nakapatong sa aking bedside table.

Pabalya akong bumangon at dinuro siya. "How dare you!!! Isusumbong kita kay Mama!!! You will be fired!!!" sigaw ko sakanya pero nginisian nya lang ako.

"Your mom told me to wake you up. But since tulog mantika ka then I resorted to this. Look, effective naman, right?" he grinned saka binato sakin ang One Piece kong towel. "Maligo ka na. I will give you 5 minutes. Late ka na naman," he said saka nagtuluy tuloy sa labas.

"Shit ka!!! Bumalik ka na sa impiyerno diyablo ka!!!" patuloy ko paring sigaw saka padabog na pumuntang banyo. "Bwisit ka. Hayop. Ha! 5 minutes ba ang sabi mo? E di mag antay kang gago ka!"

Tinagalan ko ang pagligo. I spent 1 hour na nagbabad sa tub and I spent another 40 minutes na nagbihis. Naghalungkag pako ng mga girly clothes. I decided to wear girly clothes today at para mas mapatagal pa ang pag aantay ng hambog, I applied make-up. Marunong naman ako mag make up sa sarili ko since nanonood ako ng mga vlogs minsan. Pero yung simple make up lang.

I smiled as I look at myself in the mirror. I am wearing a see-through polo with sando, skirt with leggings under it, flats at simple bangles. I even wore my shades para mas may effect.

I grabbed my shoulder bag saka lumabas ng kwarto. Taas noo akong naglakad papunta sa kusina. Nakita ko naman siyang nakabusangot na nakaupo habang nakatingin sa phone niya. Mukhang kanina pa nga siya nag aantay. Ha! Ano ka ngayon?

Mukhang naramdaman naman niya ang presensiya ko at unti-unting tumingin sakin. Para naman siyang nasamid pagkakita sakin. I grinned inwardly.

I confidently walk towards the table at umupo sa harap niya. "So, am I beautiful Roxas? Ngayon mo sabihing di ako chix," I sexily said saka pinagsalop ang aking mga kamay. Nakita ko naman ang pamumula ng tenga niya. He suddenly became tense.

Tumikhim ito kapagkuan saka tumingin sa ibang direksiyon. "Kumain ka nalang mag isa mo. Nakakawalang gana ka. Antayin kita sa kotse," aniya saka dali daling lumabas ng bahay.

"Pft," I laughed hard at his reaction. Sabi na nga ba't may epekto ako sakanya eh. Boys will be boys parin talaga. Kumain na nga ako mag isa saka lumabas na din ng bahay.

I went inside the car at nakita ko siya na nakahawak sa manibela pero di niya ako tinapunan ng tingin. I just shrugged saka sinuot ang seatbelt ko.

The best part of the ride is that hindi niya ako kinausap hanggang makarating kami sa school. Mabuti yun para di ako mabwisit.

I looked at him pagka park niya sa kotse. I decided to tease him more. Lumapit ako sakanya at sinadya na ilapit ang bibig ko sa tenga niya letting him feel my breath. "Susunduin mo ba 'ko mamaya?" I said and playfully touch his biceps. I heard him gasp. His breathing hitched at naramdaman ko yun.

She's my PoserWhere stories live. Discover now