=Author's Note & Prolouge=

21 0 0
                                    

Hello! Welcome to the Book 2 of Dream Team Series, Not My Type!

*Claps by myself*

Okay, titigil na ako sa kaka-english. Charr.

Thank you sa mga nagbasa ng Book 1! Love ya'll!♡

All of the names, places, organizations, etc. are fictional.

This story is still under editing. There may be some typos and wrong grammars.

Plagiarism is a CRIME. Please don't post my work on any other websites.

Some of the pictures that I may use are not mine. Credits to the owners of those.

Criticism is always WELCOME. But, please use nice words, not only to me but, also to your fellow readers as well.

WARNING: This story contains curse words, mature topics, etc.

Have fun reading my story!♡

-peachygurl507

~*~

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Ay, potek.

Dali-dali akong nagbihis. Paktay tayo kay mother dear nyan.

"Mom? I'm on my way," Bungad ko ng sagutin ni mommy ang tawag.

"Okay, sweetie. Have fun! Take care! Ako na bahala sa daddy mo," Binulong n'ya 'yung huling linya.

Napatawa ako. Gan'to parati ang umaga ko. Inayos ko ang suot ko bago lumabas ng kotse.

Happy Cafè

Tss. Hindi naman happy 'yung boss nila. Napailing ako.

Pagkapasok ko ay naamoy ko na ang mga tinapay at kape. Namit!

"Gosh!"

Napaiwas kaagad ako. Ano ba 'yan!

Basa na ang pantalon ko. Tiningnan ko ng masama ang babae. Inirapan n'ya lang ako bago inutusan ang mga empleyado n'ya na linisin ang natapon na kape.

"Hoy, miss. Pang-ilang beses mo na akong natatapunan ng kape, ah? Porket lang may-ari ka nitong coffe shop na 'to, hindi ka man lang nagso-sorry!" Inis na sabi ko.

"Why should I?! Huh?! Kasalanan mo rin naman, eh," Umirap s'ya ulit bago umalis.

Huminga ako ng malalim. Kaaga-aga, mainit ang ulo ng babaeng 'yun! Nahahawa tuloy ako.

"Sorry for being late," Umupo ako sa harap ng babae.

Ano ngang pangalan nito? Jenna? Jen? Janna? Jina?

Parati akong sine-set up ni mom sa blind date. Pumapayag ako para matakasan ang trabaho ko sa kompanya. May dalawa akong sekretarya na gumagawa ng mga dapat kong gawin. Ang ginagawa ko lang ay pumirma at umattend ng mga meeting.

Spoiled na kung spoiled, ayaw ko namang magtrabaho sa kompanya.

"It's okay, Allen," Sagot nung babae.

"Ahem! Bayaran mo 'yung kape na natapon," Binigyan ako ng plastik na ngiti nung may-ari.

"Ba't ako?!" Inis na tanong ko.

"Kasi sabi ko," Tinaasan nya ako ng kilay.

Napamasahe ako sa sintido ko. Nilabas ko ang wallet ko para matapos na ito.

"Oh. Sana ngayon na ang huli nating pagkikita. Tutal, lilipat na ako ng condo," Padabog kong nilapag ang bayad ko.

"Talaga!" Masungit na sabi nito at umalis.



I guess I was wrong.







♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now