=26=

1 0 0
                                    

Napakunot ang noo ko ng makita ko si Miya na kasama ang head ng finance sa coffee shop. Ilang araw ko na s'yang sinusundan simula ng mawala ng selpon n'ya.

Pinicturan ko ang dalawa at uminom ng kape. Tiningnan ko ng masama ang kape.

Mas masarap ang kape ni Sariah!

"Ang sama naman ng lasa," Umiling ako.

Maya-maya ay natapos na rin ang 'date' ng dalawa. Pumunta sila sa condo ni Miya kaya mas lalo akong naalarma.

Anong gagawin nila doon?

Tinawagan ko si Mike, may mga kakilala s'ya na marunong magkabit ng cctv, nagsneak-in ang mga iyon sa kwarto ni Miya at nagkabit ng mga hidden cameras at mics.

Ginamit ko ang hagdanan para hindi nila ako mahalata. Pumasok ako sa kwarto na unit na kaharap ng kay Miya.

"Buti hindi ka nahuli," Sabi sa'kin ni Mike.

Dito nila sinet-up ang screen kaya makikita namin kung ano ang mangyayari sa loob.

Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating rin ang dalawa.

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Miya.

"Maghintay lang muna tayo. Mas makabubuti kung sa condo ko muna tayo tutuloy. Hindi dito ligtas," Ani Ramon.

'Ramon' ang palayaw ni kumag. Hindi ko nga alam kung saan iyon nanggaling, eh.

"Hindi pwede! Mag-aalala si mama sa akin. Alam mo naman iyon.." Sabi ni Miya.

"Tss! Paano kapag sinugod ka rito ni Santos?! Kailangang sumama ka sa'kin!!" Giit ni Ramon.

"Ano ba, Ramon?! Ano bang ikinatatakot mo? Hindi naman ako magsasalita, eh!" Galit na sigaw ni Miya.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Kaya mo bang panagutan 'yang sinabi mo? Baka kapag binigyan ka ni Santos ng limang daan ay ilaglag mo na ako kaagad!"

"Bahala ka nga d'yan! Basta, hindi ako sasama sayo!" Umastang aalis na si Miya pero agad s'yang hinablot ni Ramon.

"Sasama ka sa'kin! Aalis na tayo, NGAYON NA!!"

"Na-nasasaktan ako..! Bitawan mo a-ako-- AHHHHHH!!!"

"Allen, 'wag," Kinuha kaagad ni Mike ang braso ko.

Itinapon ni Ramon si Miya sa sofa at itinali nito ang mga kamay nito.

Naiinis ako.. naiinis ako sa sarili ko! Dahil wala akong nagagawa kundi ang panoorin sila!

Nang kumalma na si Miya ay isinama na s'ya ni Ramon. Agad silang sinundan ni Mike.

Ako naman ay bumalik na sa opisina, walang dapat makahalata o makaalam na parati kaming wala ni Mike sa opisina.

"Sorry po, ma'am. Bawal po talaga kayong pumasok kung wala po kayong appointment."

Napalingon ako sa likuran ko. May isang babae na nagmamakaawa sa isang empleyado namin.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko.

"Eh, kasi, sir--"

"Sir! Ka-kailangan ko pong m-makita si.. Ramon.. nagta-trabaho po s'ya dito, diba?"

Kumunot ang noo ko at tumango. "You must be Ms. Gomez."

"She has an appointment with me," Bumaling ako sa empleyado.

Tumango naman ito at umalis na. Pinapasok ko ang babae na naguguluhan pa.

"S-sir.. hindi po ako si Ms. Gomez. A-ako po si.. Masie, n-nobya po ako ni.. Ramon."

Not My Type (Dream Team Series#2)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant