=21=

4 0 0
                                    

WARNING!: MATURE CONTENT




"Psst, sunget, back out nalang kaya ako? Naiihi ako sa kaba, eh!"

Inis akong tiningnan ng girlfriend ko, "Get a grip, Allen!"

"Iihhhhhh!!!" Niyugyog ko ang braso n'ya.

"Argh! Sapak you want?!"

"Eto na, mananahimik na, init ng ulo..." Pinaglaruan ko ang maliit na unan ni Sariah.

"Let's go."

Nagmamadali akong tumayo at sinundan si Sariah. Dire-diretso lang ang lakad n'ya kahit kanina ko pa sinisigaw ang pangalan n'ya.

Tumigil lang s'ya sa paglalakad ng marating na namin ang kotse n'ya.

"Wala na ba talagang ibang way? Pwede namang online nalang diba? U-uso naman 'yon ngayo--"

"Allen. Mananahimik ka ba o ibabato ko sayo 'tong heels ko?"

Lumunok ako at pumasok kaagad sa driver's seat. Nagulat ako ng hinila n'ya ako papalabas at s'ya ang sumakay sa driver's seat.

"Ako na ang magda-drive. Baka maihian mo pa 'tong upuan ko," Malamig ang tono ng pananalita n'ya.

Tumango ako ng mabilis at sumakay sa shutgon seat.

Kalahating oras kaming byumahe papunta sa bahay nila Sariah.

Pinark ni Sariah sa labas ng bahay nila ang kotse n'ya. Mukhang wala s'yang planong magtagal dito.

May tinawagan s'ya sa phone n'ya at agad bumukas ang pintuan. Isang dalaga ang nagbukas ng gate.

"Welcome back, ate. Nasa loob na sila tita," Bati ng dalagita.

"This is Kailyeen, my cousin."

"Hello po! Pwede n'yo po akong tawaging 'Kail'," Inabot n'ya sa'kin ang kamay n'ya.

"I'm Allen, your cousin's.. b-boyfriend," Ninenerbyos na sabi ko.

Kinamayan ko s'ya at sabay sabay kaming pumasok.

"Mae! Welcome back, anak," Niyakap s'ya ng isang babae.

"Thanks, mom. This is--"

"Allen! Oh, I've heard so much about you. Vonne told me na.. you guys are dating," Kinikilig na sabi ng nanay ni Sariah.

"Mom!"

Tumawa lang ako ng mahina. Nakakahiya, ano kayang pinagsasasabi ni mom?

"Mae."

Tumaas ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Jusko, ayoko pa pong mamatay!

"Dad."

Medyo nagtaka ako dahil parang masyado silang 'pormal' sa isa't-isa. Nagbow si Sariah kaya nagbow din ako.

Naging jelly ata mga tuhod ko. Napressure ako dahil nakatitig sa'kin ang ama ni Sariah.

"Can you give us some privacy? I'd like to talk to Mr. Santos," Puno ng otoridad ang boses nito.

"O-of course! I-I made some pasta so.. punta nalang kayo sa dining area," Ngumiti sa akin ang nanay ni Sariah at hinatak ang anak n'ya.

Lumunok ako. Nanuyo bigla ang labi at lalamunan ko.

Umupo ang tatay ni Sariah sa pinamamalaking couch at umupo naman ako sa couch na kaharap nito.

Nakangisi lang ito habang pinagmamasdan ako.

"Allen Vance Santos. I'll get straight to the point. I'm not the type of person that beats around the bush."

Wew, english!

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now