=16=

4 0 0
                                    

"Miss!"

Lumingon ako at nakita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa'kin.

"Yes?" I asked politely.

"We-we met yesterday. At the party," Humihingal pa rin s'ya dahil sa pagtakbo.

"Parang naaalala kita," Sabi ko.

Ngumiti s'ya at inayos ang buhok n'ya. Damn, bakit ang gwapo ng isang 'to?

"I was wondering if I could get your phone num--"

"Teka.. aren't you Aya's fiancèe?" Kunot-noong tanong ko.

Kumunot din ang noo n'ya. I can't be wrong!

Teka lang, sis. Lasing ka kagabi, remember? Paano mo masisiguradong s'ya 'yun? My brain interrupted me.

"That's my older brother, Patrick," Tumawa s'ya at ngumuso sa likuran ko.

Lumingon ako at napaawang ang bibig ng makita ko si Aya at ang fiancée n'ya na magka-holding hands.

Awkward akong tumingin kay kuya pogi, ilang beses ba akong dapat mapahiya ngayong taon?

"Uhm..."

Nakakahiya talaga!

"I'm Paul, sorry for the late introduction," He chuckled.

"S-sariah," Nauutal na sabi ko.

"So.." Tumikhim s'ya.

"Woi, Sariah, tara na! Mawawala na ang bisa ng sunblock ko!" Sigaw ni Paula.

"W-wait lang!"

Alanganin akong ngumiti kay Paul, sayang naman at hindi na kami makakapagusap pa. He seems like a nice guy.

"Tawag ka na ng kaibigan mo, we'll catch up later," Sabi n'ya at ngumiti sa'kin.

"Okay, see you around!" Kumaway ako sa kanya bago pumunta kanila Paula.

"Kaaga-aga, lumalandi ka na agad," Umirap si Paula.

"'Yaan mo na 'yan, Sariah, bitter lang 'yan, eh," Hinatak ako ni Czarina.

"Sinong bitter? Ha?!" Binato ni Paula ang lipstick n'ya sa ulo ni Czarina.

"How you like that!" Tumakbo ng mabilis si Czarina habang hawak ang likod ng ulo n'ya.

"Come here!" Hinabol s'ya ni Paula.

Nilatag ko na ang mat at basket namin sa buhangin habang naghahabulan sila. Mga isip bata.

Nang mapagod ay umupo na sa tabi ko ang dalawa, nasa malilom kaming parte kaya hindi kami masyadong nasisikatan ng araw.

Nag-apply ulit ng sunblock si Paula bago hinubad ang tshirt at maong shorts n'ya.

"Tara na!" Aya n'ya sa'min at nauna nang lumangoy.

"Sunod ka nalang, ah?" Tinapik ni Czarina ang balikat ko at sumunod kay Paula.

Pinaglaruan ko ang buhangin gamit ang mga paa ko. Dalawang araw palang ang nakakalipas simula ng huli kong makita si Allen, pero parang dalawang taon na ang nakalipas.

Bumuntong hininga ako at tumayo na. Pagkatapos kong tiklupin ang pangitaas ko ay sumali na ako kina Paula na kanina pa nagbabasaan.

"Ayan na ang prinsesa!" Binasa nila kaagad ang ulo ko.

"Hey!" Gulat na sigaw ko.

Biglang may humatak ng paa ko kaya napaupo ako. Wala pang isang minuto ng pumunta ako sa dagat pero basa na agad ang buong katawan ko.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now