=31=

1 0 0
                                    

"M-Mike... Mike..."

Hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko masabi ang buong pangalan ng kaibigan ko sa nurse.

"Allen."

Napalingon ako sa bumangit ng pangalan ko. "Caine! Alam mo ba kung nasaan si M-Mike?"

"He's still undergoing operation, nasa ER na ang mga kapamilya n'ya," Ani Caine.

Nagpasalamat ako sa kanya at sabay sabay kaming pumunta sa OR. Nakita ko ang nanay ni Mike na humahagulhol. Ang tatay naman ni Mike ay pilit na pinapatahan ang kanyang asawa kahit umiiyak rin s'ya.

Nakita ko ang pinsan ni Mike na nakayuko, gulat pa rin ito.

"Pa-paano nangyari ito?! M-Mike.. isn't a re-reckless driver!! My poor son!" Hikbi ng nanay ni Mike.

Kinuyom ko ang kamao ko, nagulat ako ng may kamay na kinuha ito at hinaplos ito.

"S-Sariah.."

"Mike is strong, Allen. Alam kong lalaban s'ya. I may not know what really happened, but I am sure na hindi kayo iiwan ni Mike. We need to pray and hope that he'll survive. He WILL survive."

"Sariah--"

"Shh! 'Wag kang iiyak, maiiyak din ako!" Pagbabanta n'ya.

Natawa ako, "I was about to say thank you."

"Oh. You're welcome," Ngumiti s'ya.

Naghinatay pa kami sa labas ng biglang may doctor na lumabas mula sa loob ng OR.

"The operation was succesful. He will be immediately moved to the ICU...."

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang detalye. Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko. Mabuti naman at ligtas s'ya.

"I told you, he's strong."

Napangiti ako at niyakap ng mahigpit ang aking pinakamamahal na babae sa mundo, maliban kay Mom at Valerie, syempre.

Kung wala s'ya sa tabi ko ay hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang balitang iyon. I am lucky to have her.

Umuwi muna kami ni Sariah dahil may pasok pa s'ya bukas. Ako naman ay magha-half day, balak kong dalawin bukas si Mike.

Pagkagising ko ay nakahanda ang umagahan. Nakangisi akong umupo sa hapagkainan at pinagmasdan ang girlfriend ko.

Naka shorts at sando lamang ito--

Agad kong inalis sa isipan ko ang mga imahinasyon ko. Maya-maya pa ay sinamahan na n'ya ako sa lamesa at kumain na kami.

"Hatid na kita sa trabaho, malapit naman doon ang ospital nila Caine," sabi ko.

"Okay," Tumango s'ya.

Pagkatapos kumain ng umagahan ay naligo na ako at nagbihis. Pagkalabas ko ay saktong kalalabas lang din ni Sariah.

Naka-shorts s'ya kaya sinamaan ko s'ya ng tingin.

"What? Tss. Eto na magpapalit na, seloso masyado. Maryosep!"

Tumawa ako at umiling. Wala naman akong sinabi, eh. Hindi naman ako against sa pagsuot n'ya ng shorts, marami na kasing manyakis ngayon kaya naman gusto ko lang s'yang protektahan.

Ang mga babae ay prinoprotektahan at inaalagan, hindi inaabuso at sinasaktan.

Napangisi ako kaagad dahil weekend na bukas. Babe time!

"Nginingiti ngiti mo d'yan? Tara na," Ani Sariah.

Sumunod naman ako kaagad sa kanya. Pagkahatid kay Sariah ay dumiretso ako kaagad sa ospital.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now