=28=

1 0 0
                                    

Tinitigan ko ang kisame.

Inangat ko ang katawan ko at tiningnan ang relo ko. Magte-twelve na pala.

Dumiretso ako sa bahay nila Athena.

"Condolence, Tom."

"Nakakaawa naman s'ya..."

"Tara, let's console him.."

Dahan-dahan akong lumapit kay Tom at inakbayan ito. Nakatulala lang ito.

Napabuntong hininga ako. Lumapit si Athena na namumugtugo na ang mga mata.

"H-hi, Allen," Ngumiti ng pilit ang kaibigan ko.

Tumango ako sa kanya at ngumiti rin. Inilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Liana at Alenna na inaasikaso ang mga dumalo sa burol.

Burol ng ama ni Tom.

Napabuntong hininga ako. Hindi namin ma-contact si Caine. Alam kong hindi n'ya kakayanin na pumunta dito.

Lahat kami ay nagulat at nagluluksa sa pagpanaw ni tito.

"Timothy!"

Napalingon ako sa babaeng sumigaw. Agad nitong niyakap si Tom.

"M-ma.."

Ah, 'yun pala ang nanay n'ya. Ang alam ko ay sa ibang bansa na ito nakatira. Nakapangasawa ito ng Americano at may anak na sila.

Nakita ko ang isang batang babae na nakasilip kay Tom at sa nanay n'ya.

"Tiffany Deane, come here," Malambing na tawag ng nanay ni Tom sa bata.

"Tiff, this is your brother, Tom. You can call him kuya Tom," Ani nanay ni Tom.

"Ku-kuya.. Tom..?" Nahihirapan pang magtagalog ang bata.

Napangiti ako at nagdesisyong tulungan nalang sila Val.

Tahimik lang ang dalawa, hindi ako umimik at kinuha sa kamay ni Lia ang hawak n'yang mga inumin.

"Nanginginig masyado ang ga kamay mo," Sabi ko.

Umiwas s'ya ng tingin at nakita ko ang mga luhang pumapatak sa sahig. Malungkot akong ngumiti at hinimas ang likod n'ya.

She had once suffered a loss too.

Inaya ko s'ya sa labas para magpahangin. Sumandal s'ya sa puno na garden nila Athena at yumuko.

Umiyak s'ya ng umiyak sa harapan ko. Ako naman ay hinihimas lang ang likod n'ya, nakayuko na s'ya ngayon at nakatakip ang mga kamay n'ya sa kanyang mukha.

Masakit na makitang gan'to ang mga kaibigan ko.

Nakita ko si Valerie na nakatingin sa'kin. Ngumiti s'ya at tumango bago pumasok ulit sa loob.

"A-ang sakit, Allen. N-apaka--"

Muli s'yang humikbi at umiyak nang umiyak.

"Sshhh.. time will heal all the wounds, Tori," Mahinang sabi ko.

"Hindi pa rin nawawala ang sakit, eh. Nandito pa r-rin.." Tinuro n'ya ang dibdib n'ya.

Bumuntong hininga ako at niyakap s'ya. Ng mahigpit. Everyone needs a helping hand. Someone to rely on.

Gusto kong malaman n'ya na nandito lang kami, ako, sa tabi n'ya. That's what friends are for.

They will be with you through thick and thin. Through every achievement and milestones. Friends are your second family. When you feel helpless and unworthy, when you feel guilt and pain, when you feel lonely and scared, when you feel joy and contentment, your friends will be there. True friends, will always be there.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now