=30=

1 0 0
                                    

Napaangat ang tingin ko sa pumasok sa aking opisina.

"Masie!" Gulat na sabi ko.

Agad s'yang lumapit sa'kin at lumuhod. Tuloy tuloy nang tumulo ang mga luha nito.

Anong nangyari? Bakit s'ya umiiyak?

"Tu-tulungan n'yo po a-ako.. at ang a-anak ko, sir!"

Kumunot ang noo ko. Mas lalong dumami ang mga lumalabas na luha sa mga mata ni Masie.

"M-Masie, anong nangyari?" Tanong ko.

Binilinan ko si Kate na kapag bumalik dito si Masie ay papasukin n'ya ito. May appointment man o wala.

"Si R-ramon.. 'yung b-bata.. w-wala na..."

Parang may kung sinong nagsimula ng apoy sa loob ko. Nararamdaman ko ang galit sa buong katawan ko.

"Anong ginawa n'ya?" Mahinahon kong tanong.

Hinihimas ko ang likod n'ya, medyo huminahon na s'ya at nakakapagsalita na ng maayos.

"Nang malaman n'yang lunapit ako s-sayo.. b-binugbog--"

"ANO?!" Galit akong sumigaw.

"Binugbog n'ya a-ako.. dahil doon.."

Nagsimula na namang mamuo ang mga luha sa mata n'ya. Naaawa ako sa kanya. Hindi n'ya ito dapat nararasan.

"Na-namatay ang baby ko... ang baby na-namin..."

Pumikit ako ng mariin. Umiyak s'ya ng umiyak hanggang sa napagod s'ya.

Pinangako kong bibigyan ko s'ya ng tulong. Lahat ng kinakailangan n'ya.

"S-salamat po," Nagbow pa ito sa harapan ko.

"Walang anuman. Feel free to come to me when you need help," Ngumiti ako sa kanya.

Pagkaalis n'ya ay napamasahe ako sa sintido ko. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti ang mga hakbang na gagawin ko.

Tinawagan ko ang kakilala kong abogado.

Pagkatapos noon ay hindi na ako mapakali sa inuupuan ko.

"Oh?" Bungad ni Mike pagkapasok sa opisina ko.

Ni-lock n'ya ang pintuan at umupo sa sofa. "Anong chika mo, girl?"

"Umayos ka nga. Ramon commited a crime."

Agad napaayos ng upo si Mike. Magkasalubong ang mga kilay n'ya.

"Ano?! Paano?"

"Sinaktan n'ya ang girlfriend n'ya, resulting to their baby's death. Kinausap ko na si Atty. Sy, I need to inform mom about this. This is getting out of hand," Umiling ako.

"Hindi ko alam na makakaya n'ya iyong gawin. Unbelievable. Gano'n na ba s'ya kadesperadong makakuha ng pera na kinaya n'yang saktan ang nobya n'ya and worse, namatay ang anak n'ya!" Hindi makapaniwalang tugon ni Mike.

Napabuntong hininga ako, I'm as shocked and angry as he is. Sumosobra na si Ramon.

Ramon Cruz, wait and see.. your downfall is near.
































Dad is back.

Papunta na ako ngayon sa opisina n'ya. Sobrang laki nito, siguro ay triple ito ng size ng aking opisina.

CEO SANTOS

"Good afternoon, CEO Santos," Pormal na bati ko sa aking ama.

Tiningnan n'ya ako at tinanggal ang kanyang salamin. Ngumiti s'ya at pinaupo ako sa upuan sa harap n'ya.

Not My Type (Dream Team Series#2)Onde histórias criam vida. Descubra agora