=3=

6 0 0
                                    

Masakit ang ulo ko pagkagising ko. Sinasabi ko na nga ba. Inabot ko ang cp ko sa side table.

Baby ko :3

"Hello?" Sambit ni Val.

"Dalhan mo ako ng hang over soup. Pleaseeee???" Naka-pout pa ako kahit hindi n'ya naman ako nakikita.

"Papadala ko nalang kay Liana." Binaba n'ya kaagad ang tawag.

Humiga ulit ako sa kama ko at nagpahinga. Ayokong gumalaw dahil masusuka lang ako.

Maya maya pa ay nagring na ang doorbell ng condo ko. Pagewang gewang pa akong maglakad papuntan sa pinto.

"Ay, palaka!" Gulat na sabi ni Lia.

Nasubsob kasi ako kaya muntik ko na syang madaganan. Umiwas s'ya agad kaya ang ending, nakadapa ako sa sahig.

"Anak ng tinapay, Allen. Tumayo ka nga d'yan! Iinom inom ka tas 'di mo naman pala kaya." Binaba n'ya ang mga dala n'ya at tinulungan akong tumayo.

"Yabang, ah." Naglakad ako papunta sa sofa at humilatay doon.

Nilapag n'ya sa kusina ang dala nyang hang over soup. Lumapit s'ya sa'kin at may dala s'yang bowl ng soup at bottled water.

Pinausog n'ya ako at tumabi s'ya sa'kin.

"Say 'ahh'." Binuka n'ya ang bibig n'ya para gayahin ko.

Sinunod ko naman s'ya na parang bata at nilunok ang sopas. Sobrang lapit ng mga mukha namin kaya agad na naginit ang mukha ko.

"A-ako na! Kaya kong kumain ng mag-isa." Kinuha ko ang bowl at kumain ng mabilis.

"Pag ikaw nabulunan, bahala ka d'yan." Umirap s'ya at tumayo na.

"Kepeg ikaw, nabulunan." Ginaya ko ang boses n'ya.

Ewan ko kung bakit parang may accent ang tono ng pananalita nito. Gusto n'ya kasi ay cute ang pananalita n'ya.

"Pacute!" Asar ko sa kanya.

"Pakyu!"

Tumawa ako at bumalik na sa kwarto ko. Naligo ako at nagsuot ng hoodie at black jogging pants. Tinutuyo ko pa ang buhok ko ng lumabas ako.

"Hanep." Bulong ni Lia sa sarili n'ya.

Nakatalikod s'ya sa'kin kaya hindi n'ya ako napansin. May pinapanood s'ya sa cp n'ya.

Natawa ako ng malakas ng makit ko iyon. Pinapanood n'ya 'yung birthday surprise namin sa kanya.

Inis syang humarap sa'kin. Naalala pa rin n'ya 'yung binasag ko na itlog sa ulo n'ya. Lima ata 'yon. I lost count. Binasagan ko kasi s'ya ulit doon sa paparty sa kanya ni Athena sa bahay nila.

"Tapos ka na pala. Aalis na ako." Tumayo s'ya at kinuha ang bag n'ya.

"See you later, babe!" Pangaasar ko.

Padabog nyang sinara ang pintuan. I chuckled. Magtitinapay nalang ako para sa lunch.

Kinuha ko ang wallet ko at pumunta sa 'Happy Cafè'. Mahihilo lang ako kapag lumayo pa ako kaya no choice ako.

Pumila ako at nagisip na ng ioorder ko. Pagkaorder at bayad ko ay humanap na ako ng bakanteng mauupuan.

Umupo ako sa table na nasa pinakadulo na. Nagcha-chat kami ni Tom ng biglang may naramdaman akong kakaiba.

"Oh, shit!"

Tumayo ako para iwasan ang natapon na kape. Natabig ko ata ito kaya natapon.

"Omg!"

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now