=23=

1 0 0
                                    

"Ha?! Wala na bang ibang pwedeng maghatid sayo?" Kunot-noong tanong ko.

"Tatawagan ba kita kung meron?" Sarkastikong tanong ng kakambal ko.

"Si Chri--"

"DON'T.SAY.THE.DEVIL'S.NAME." Mariing sabi nito.

Napakamot ako sa ulo ko. Pa'no ba 'to?

"Oh, sige. Malapit lang naman 'yan, diba?" Tanong ko.

"Yup! Thank you talaga, VANCEsot!" Hindi ko alam kung dapat ba akong mainis o matuwa.

"Anytime, VALak!"

Binaba ko na ang tawag bago pa n'ya ako awayin. Saktong kalalabas lang ni Sariah ng kwarto n'ya ng ibaba ko iyon.

"Who was that?" Tanong nito.

"Si Valerie. Sasabay s'ya sa'tin," Sabi ko.

Tumango lamang s'ya at hindi na nagsalita pa. Nakabihis na ako at s'ya na lamang ang hinihintay ko.

Lumipat ng pagta-trabahuhan si Val sa hindi ko malamang dahilan. Bigla-bigla nalang lumipat, amp.

To: VALak/ VALot

Pagdating ko dapat ready ka na, sorry nalang kapag naiwan ka.

Sinend ko iyon kaagad. Nakakainis! Dapat ay magde-date kami ngayon ni Sariah, panira ng trip!

Ngayon na kasi ang kasal ng bff ni Sariah, syempre deretso date na 'yun. Hindi ko papalampasin ang pagkakataong ito. Lalo na at good mood ang baby ko.

"How do I look?"

Automatic akong napangiti ng makita ang girlfriend ko. My sunget.

"Beautiful," Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang noo n'ya.

"Simple, but sweet. Lumelevel up ka na, Allen Vance," Pabiro n'ya akong tinulak papalayo.

Naka-pink s'ya na dress, hindi ko alam kung anong klase 'yon, basta dress.

Inalalayan ko s'ya papalabas kaya natawa ito. Gano'n din sa pagpasok n'ya sa elevator at kotse.

"Allen being nice.. Should I be worried?" Tinaasan n'ya ako ng kilay pagkasakay ko sa driver's seat.

Natawa ako at umiling. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.

Nagmaneho na ako papunta sa condo ni Val, hindi naman iyon ganoon kalayo.

"Hi, Sariah!" Bati ni Val ng makasakay na sa kotse ko.

"Hello," Bati pabalik ni Sariah.

"Paki sara na 'yong pin--"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang may sumigaw mula sa hindi kalayuan.

"ALENNA!!"

"Shoot! U-umalis na tayo dito!" Nagmamadali n'yang sinara ang pintuan.

"Huh?" Nagtatakang tanong ko.

"Just shut up and drive! Bilis!!!"

Nagulat ako sa biglaan n'yang pagsigaw pero sinunod ko pa rin ang sinabi n'ya.

Tiningnan ko kung sino iyon mula sa side mirror. Hindi ko s'ya masyadong nakita dahil pati si Sariah ay sinabihan na rin akong umalis na.

Mahigpit ang kapit ni Valerie sa bag n'ya, parang kinakabahan pa ito.

Napailing ako at tinututok ko nalang ang atensyon ko sa pagmamaneho.

"Thank you," Ani Valerie ng marating namin ang bago n'yang pagta-trabahuhan.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now