=5=

8 0 0
                                    

"Dalian mo!" Sigaw ko mula sa sala.

"Wait a minute, kapeng mainit!" Sigaw pabalik ni Val.

Papunta na kami sa party ni Athena ngayon. Grabe, mata-trapik nanaman kami neto. Inis kong tiningnan ang orasan.

"Eto na, eto na!" Nagmamadaling bumaba si Val.

Agad ding kaming umalis sa condo n'ya. Pagkarating namin sa bahay nila ay puno na agad ito ng tao. Iba talaga pag-famous.

"Andito na pala ang kambal!" Niyakap kami ni Athena at inalalayan papasok.

Naging purple-ish na ang ilaw sa loob ng bahay ni Athena. Hanep.

"Pare!" Inakbayan ako ni Tom habang si Val ay kumuha na ng beer.

"Dito tayo sa sofa, syempre." Naunang umupo doon si Tom.

Sumunod ako. Nakakailang shots palang kami ng dumating si Val. Alam nyang hihingi ako ng maraming beer mamaya kaya inunahan na n'ya ako.

"Password." Inabot ni Val ang cp n'ya kay Tom.

"Speed ka, ah." Natatawang sabi ni Tom.

Parating wifi password ang habol nyan. Puro games lang din naman ang gagawin.

"Hello!" Sobrang pamilyar ng boses na 'yan.

Umupo sa tabi ni Val si Lia. Uminom agad ito ng dalawang shot. So amazing!

Nagpalakpakan kami ni Tom. Para kaming mga sira. Si Lia naman ay kumakaway at nagfa-flying kiss pa. Kala mo ay nanalo sa Miss U.

"Lodi!" Sumaludo si Tom kay Lia.

Nagtawanan kami. Maya maya ay sumasayaw na si Lia kasama ang ibang mga kaibigan n'ya.

Napakunot ang noo ko ng biglang tumawag si mom. Sinagot ko 'yon. Hindi naman masyadong malakas ang music kaya magkakarinigan pa rin kami ni mom.

"Sweetie! I have a bad news. Jhana's pregnant and the father is her ex. Hindi papayag ang father mo sa gano'n. I'll set you up another date nalang!"

Napasapo ako sa noo ko. Nako, naman.

"I'll find you another date, I promise! Love ya!" Binaba n'ya agad ang tawag.

"What?! Ma, ayoko. No. Argh!" Napasabunot ako sa sarili ko.

"May blind date ka nanaman, 'no?" Tanong ni Val.

"Yes." Pinikit ko ang mga mata ko.

Pagkamulat ko ay nagulat ako sa nakita ko.

"Caine! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Pinapunta ako ni Athena." Umupo s'ya sa tabi ni Val.

Ang tipid tipppiiiiddddd talagang sumagot!

"Wow, ang haba ng sagot." Tinungga ko yung bote ng alak.

Biglang dumating si Athena at nilapag ang isang bote sa table namin. Sumigaw pa ito ng 'tequila'.

"Dalhin mo na nga 'yan sa kuwarto n'ya. Baka kung ano pa magawa n'yan." Stressed na sabi ni Lia na kababalik lang.

"Kamusta? Sarap ba nung Amerikano?" Nagaasar na tanong ng kapatid ko.

"Tsk. Di ko 'yun type. May asawa na 'yun, 'no? Sa'kin nagpagawa ng gown 'yung asawa nya." Pagtanggi n'ya.

"Reto kita sa kakilala ko. Half-american." Singit ko.

Tinaas baba ko pa ang mga kilay ko. Nagde-date din naman s'ya ng Pinoy pero mas attracted s'ya sa mga ibang lahi. Weird.

"No, thanks." Sabi ni Lia at tumungga ng alak.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now