=34=

1 0 0
                                    

Kinusot kusot ko ang mga mata ko bago bumangon mula sa pagkakahiga.

Sinigurado kong ang lahat ng mga kailangan ko ay nasa bag ko na bago nagmaneho papuntang opisina.

"Good Morning, sir!"

Bati sa'kin ng mga empleyado. Binati ko sila pabalik. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ko.

Nakasalubong ko si Kate na may bitbit na mga box, "Good-- umph! Morning, sir." Hirap s'yang magsalita dahil sa bigat ng mga dala n'ya.

"Tulungan na kita," Sabi ko.

Nilapag ko sa tabi ang bag ko at tinulungan s'ya. Ipinasok namin ito sa mini office n'ya. Organized ang mga box at mga papeles sa kanyang shelves.

"Thank you, sir! You have a meeting with Mr.---"

"Alam ko, Kate. Maupo ka muna at magpahinga. Hinihingal ka ng masyado," Ngumiti ako sa kanya at masaya naman s'yang tumango.

Pumasok ako sa loob ng opisina ko at nakita ang mga nakatambak na mga papeles sa desk ko. Nilagay ni Kate ang mga ito kanina, siguro.

Uupo na sana ako ng maalala kong naiwan ko sa labas ang bag ko. Shit!

Agad akong lumabas at nakita ang bag ko kung saan s'ya nakapatong kanina. Nakahinga ako ng maluwag at bumalik na sa loob ng opisina ko kasama ng aking bag.

Umupo ako sa swiveling chair ko at binuklat ang bag ko.

"Hell, no.."

Napasapo ako sa noo ko ng makitang wala roon ang puting envelope.

Nako, naman! Ngayon pa talaga iyon nawala? Puchaaaa!!

Hindi ako nakapagpokus ng maigi sa trabaho dahil nasa nawawalang envelope ang utak ko. Huhuhu!! Importante pa naman 'yon.

Kinamot ko ang ulo ko sa inis.

Bumalik ulit ako sa lugar kung saan ko iyon huling nakita. Sana naman ay walang nakapulot no'n. Kung meron man ay sana nasa mabuting kamay iyon.

Mababaliw na ata ako!!

"Looking for this?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"K-kuya.."

Tiningnan n'ya ako ng seryoso at nakita ko ang envelope na hawak n'ya. Sinenyasan n'ya ako na sundan ko s'ya.

Pumasok s'ya sa opisina ko kaya sumunod ako sa kanya. Pagkapasok ko ay ni-lock n'ya kaagad ang pintuan.

"Are you sure?"

"Huh?" Maang-maangang tanong ko.

"About.. this. Are you sure about THIS?" Itinaas n'ya ang envelope para makita ko ito.

Lumunok ako ng tatlong beses bago tumango. Narinig ko ang pagbuntong ng hininga n'ya.

"I'll support you."

Napaangat ang tingin ko. Nagtama ang mga paningin namin.

"Having the courage to.. do this is.. admirable. I'm proud of you, lil' bro."

Natawa ako at lumapit naman s'ya sa'kin at ginulo ang buhok ko. "Thanks."

"You're welcome. Plus, alam kong hindi matutuwa ang baby Alenna kapag hindi kita sinoportahan."

Natawa ako sa huling linya n'ya. Pagkatapos noon ay bumalik na rin s'ya sa opisina n'ya.

Huminga ako ng malalim bago maglakad patunggo sa elevator. Mabuti nalang at mag-isa lang ako.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now