=39=

2 0 0
                                    

"Hoo!" Hinawakan ko ang lumalaki kong tyan.

Napagod ako agad sa pagbaba sa hagdanan ng bahay namin. I decided to visit my parents last night. Dito na nila kami pinatulog last night.

I'm six months pregnant with a healthy baby girl.

"Good morning, love," Naramdaman ko ang pagyakap n'ya sa'kin mula sa likod.

"Ang aga aga, ganyan agad ang bubunga sa'kin?"

Sabay kaming napalingon kay Kail na humahakay pa. Natawa ako sa kanya.

"Good morning to you too, missy."

Ngumiti lang s'ya sa'min at umalis na. Inakbayan naman ako ni Allen at sabay kaming pumunta sa sala.

Nakita ko si mom na busy sa paghahain ng umagahan habang si dad ay nakaupo sa sofa, may hawak na kape sa isang kamay.

Hawak n'ya ang tablet n'ya sa kabilang kamay. Hanep, ang high-tech naman ng dyaryo n'ya.

"Good morning!" Bati ko sa kanila.

"Good morning, anak," Ani mom.

"Morning, sunshine," Ani dad.

"Magandang umaga po, madam!" Bumati rin ang mga kasambahay namin.

Bumati rin si Allen, pagkatapos noon ay tinawag na kami ni mom dahil handa na raw ang pagkain.

Naguusap usap sila, pero hindi ako nakisali. I'm not in the mood.

"Right, so are you back together na?"

Napatingin ako kay mom. Nilunok ko ang pagkain na nginunguya ko.

"Yes." Sagot ko.

"Yieeeeeeeeee!! Ang sweet naman no'n, diba hon?!" Natutuwang niyugyog ni mom si dad kaya natawa kaming tatlo nila Kail.

"Y-yes," Naiinis na sagot ni dad.

Mas lalo kaming natawa sa kanila. My dad never gets angry at my mom. Pero, naiinis s'ya paminsan minsan. Well, that's common for couples.

"Magpapababy shower ka ba, Mae?" Pagiiba ng topic ni mom.

"Hmm.. maybe next week? Hindi naman kailangang engrande. A simple gathering will do. I'll invite some of my friends and if it fits your schedule, you could come." Sabi ko.

"I will go, of course! Unang apo ko 'yan, hindi ko pwedeng mamiss ang pangyayaring iyon," My mom said.

Tumingin ako kay dad and he just shrugged, "I'll do something about my schedule, just send me the exact date and time."

Napangiti ako ng malawak. Everything's set--

"Psst. Baka nakakalimutan mo ako, cuz? Ako ata ang tita ng batang iyan?" Tinaasan ako ng kilay ni Kail.

"Of course, you're invited too," Natatawang sabi ko.

Nag-thumbs up s'ya sa'kin at nagpatuloy na sa pagkain.

Everything's set now.

Umuwi kami ni Allen sa condo n'ya pagkatapos no'n. Mas malapit ito sa ospital at coffee shop n'ya kaya dito nalang ako nagstay.

Mas napapanatag daw ang loob n'ya kapag kasama ko s'ya. Tss.

Pumayag naman ako dahil masyadong risky kapag mag-isa lang ako. Isa pa, ayoko na ring abalahin pa sina Czarina at Paula. He's the father after all, kaya dapat lang na s'ya ang magalaga sa'min ng anak ko.

"Gusto mo ba sumama sa shop? 'Dun nalang kayo nila Czarina magkita kita," Suhestiyon ni Allen.

Tumango ako at kinontact na ang mga kaibigan ko. Naligo ako at nagbihis. We went straight to his shop after that.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now