=13=

4 0 0
                                    

Unti-onti kong iminulat ang mga mata ko. Napahawak ako sa noo ko dahil masakit ang ulo ko. Tsk.

Inilibot ko ang piningin ko. Teka... hindi naman ito ang kwarto ko, ah?

Agad akong napatayo. Hindi kaya.. narape ako?!

Tiningnan ko ang damit ko. Ito pa rin naman ang suot ko. Nakahinga ako ng maluwag.

Lumabas ako at inilibot ang tingin sa sala. Puro pastel colors ang pintura. Naamoy ko ang kape mula sa kusina.

"Good morning." Bati sa'kin ng babaeng nakatalikod.

Naka-messy bun ang buhok n'ya at nagluluto s'ya ng pancakes. Napalingon ako sa mga frames sa wall.

"Alam mo? Ang cute mo nung bata ka pa." Kinuha ko ang isang maliit na frame.

Humarap si Sariah at tinaasan ako ng kilay.

"At ngayon?"

"Hindi na." Sagot ko.

"Wag kang kakain." Binawi n'ya ang platong para sa'kin.

"Joke lang naman, eh!" Binawi ko ang plato at hinalikan pa 'yon.

Nandidiri n'ya akong tiningnan bago nilapag ang platong punong-puno ng pancakes.

Tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos noon ay umalis na rin ako kaagad. Hindi pa ako nakakapagligo at late na ako.

Napatingin sa'kin ang lahat ng bigla akong pumasok sa meeting room.

"Sorry, I'm late." Umupo kaagad ako sa upuang naka-assign sa'kin.

"Are you okay? Bakit ka nalate?" Nagaalalang tanong ni Miya.

"Na-traffic lang." Tinuon ko ang atensyon ko sa harapan.

She slowly nodded. Hindi na n'ya ako kinausap pagkatapos noon.

Mabilis lang na natapos ang meeting, pagkatapos noon ay dumiretso ako sa opisina ko. Maghahanda na ko para sa report ko.

Monthly akong nagrereport sa kuya ako, it's a part of my job.

"Yes, Mr. Cortes. I'll update you next week. Bye."

Napamasahe ako sa sintido ko. Uminom ako ng tubig bago nagpatuloy sa pagbabasa ng mga e-mail.

"Sir, the department meeting starts at 2 o' clock." Pagpapaalala ni Kate sa'kin.

"Okay, thanks." Tumango ako.

Mabilis lumipas ang oras, late na akong umuwi. Pagod akong humiga sa kama ko. Hayst.

Nagpost ng pictures sa gc ang ilang mga ka-tropa ko.

Liana: Another succesful event! Cheerrssszz!!

Sinend n'ya ang mga pictures ng mga damit na dinesign n'ya.

Alenna: Naol, hehe. I made brownies! Bibigyan ko kayong lahat bukas. Yumm!

Sinend n'ya rin ang pictures ng mga ito. Natawa tuloy ako.

Tom: Flex ko lang 'yung gwapo kong mukha

Nagsend s'ya ng picture n'ya habang kumakanta.

Athena P: luh, san banda? sa butas ng pwet?

Caine: lol.

Tom: Ang bastos talaga ni @Athena P!!!

Athena P: sml?

Allen: sanaol

Athena P: huh?

Sanaol masaya sa trabaho nila.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now