=9=

4 0 0
                                    

"Pfft! Siomai?!" Pinigilan ni Lia ang tawa n'ya.

"Hindi nga kasi alam ng nanay n'ya kung ano ang favorite dessert n'ya dahil hindi naman n'ya gusto ng sweets. Kaya ang sabi n'ya ay siomai nalang daw dahil paborito n'ya 'yon!" Mahabang paliwanag ko.

Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi ni Lia.

"Dadating na si Caine kaya ayusin mo na 'yung guest room." Utos ni Lia.

Tumayo ako at pumunta sa guest room n'ya. Nagulo kanina dahil naglaro kami kanina dito ni Tom.

"Wag kang magiiwan ng gamit dyan!" Sigaw ni Lia.

Natawa ako. Parati akong nagiiwan ng mga damit sa mga condo ng mga kaibigan ko. Para may nakahanda na sa susunod kong balik. Hehe.

Pagkalabas ko ay umupo ako sa sofa ni Lia.

Bumukas ang pinto at niluwa nito si Caine. Dala dala n'ya ang maleta n'ya.

"Welcome back, Doktora!" Bati ko sa kanya.

Nag-ring bigla ang cp ko.

Sunget

"Come here, right now!" Sigaw ni Sariah.

Lasing ba 'to?

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Tsaka, anong 'come here'? Hindi ko nga alam kung nasaan s'ya. Gulo naman neto.

"Stupid! I'm at a party! Kailangang nandito ka!!" Inis na sabi nito.

"P-party?! Aba, hindi naman ako nainform." Sabi ko.

"Where the eff are you ba?"

"Nasa condo ng friend ko." Naiinis na ako ngayon.

Bakit ba galit na galit s'ya? Hindi ko naman alam na dapat nandoon ako.

"Magsama kayo ng babae mo! Bwiset!!" Sa sobrang lakas ng sigaw n'ya ay nilayo ko pa ang cp ko mula sa tenga ko.

"H-hoy! Sunget! Argh!!!" Tinapon ko sa sofa ang cp ko.

"Lq AHAHAHA!" Tumawa si Lia mula sa kusina.

"Shut up. Aalis na ako." Dali-dali akong tumayo.

Kinuha ko ang cp ko at dire-diretsong pumunta sa pintuan.

"Geh, have fun, lover boy!!" Pangaasar pa ni Lia.

Miniddle finger ko si Lia at saka malakas na sinara ang pinto. Binuksan ko ang cp ko at napaawang ang bibig ng makita ang missed calls at texts ni Sariah.

15 missed calls from Sunget

22 unread messages from Sunget

Nagtext yata s'ya nung naglalaro kami ni Tom. Hanep.

Tiningnan ko ang messages n'ya.

Sunget: I need to attend a party. Come with me.

Sunget: hey, where are u? why aren't you anwering my calls?

Sunget: wag mo akong ipahiya sa friends ko!

Sunget: what the fvck, Allen Vance?! ANSWER MY CALLS!

Sunget: hey, i'm getting worried! where are you?

Sunget: are u with the girl you mentioned the other day?

Sunget: this isn't funny anymore!

Napasapo ako sa noo ko. Nagsayang pa talaga s'ya ng load para itext ako. At tsaka 15 calls! Nako.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now