=25=

2 0 0
                                    

"Someone tried to get into my office?" Takang tanong ko kay Mike.

Tumango ito at kinuwento sa'kin ang nangyari. May isang hindi kilalang lalaki ang pumasok sa building at tinangkang pumasok sa opisina ko.

Mabuti nalang daw at nakita ito ni Kate, hindi nahabol ng mga guards ang lalaki ngunit may ebidensya na silang nakuha mula sa cctv.

That bastard.

"Nakakatakot naman ang nangyari sa'yo, Santos."

Kinuyom ko ang kamao ko at humarap sa head ng finance. Nakakaloko ang ngiti nito at naglakad papunta sa aming pwesto.

"Mag-iingat na ako kung ako sayo," Bulong nito.

Nakangisi itong naglakad papaalis.

"Aba'y gago 'yun, ah--"

"Mike," Saway ko sa kaibigan ko.

"Bakit kaya n'ya iyon ginawa?" Tanong ko.

"Malay ko. Ang alam ko lang ay nahihibang na s'ya," Inis na sagot ni Mike.

Money and power.. it can make anyone go crazy. Just like my dad.

Umiling ako at pumasok na sa opisina ko. Kate is busy checking other cctv footages.

Hindi ako mapakali kaiisip kung sino ang may pakana nito. Maaaring hindi ang kumag na head of finance ang may kagagawan nito.

Hindi na rin naman ito masyadong nakakagulat dahil marami na ang nagtangkang pabagsakin ang aming kompanya.

Pucha, kapag nalaman ko kung sino ka, ingungudngod ko 'yang mukha mo sa tae ng kalabaw.

Kunga anu-anong plano na ang naiisip ko ng makarinig ako ng ingay mula sa labas.

"Ano na naman 'to?" Pagod na tanong ko sa sarili.

Kunot-noo kong binuksan ang pintuan. Nalaglag ang panga ko ng makita ang nagsikalatang mga papeles, mga nagbubulungang empleyado at si Miya na sinasabunutan ang isang babaeng empleyado.

"Ma'am, tama na po!" Pagmamakaawa ni Kate kay Miya.

"NO! Ilabas n'yo na ang phone ko! Ipapakulong ko kayong lahat for robbery!!" Gigil na sigaw ni Miya.

"MIYA!"

Natahimik ang lahat at napabitaw s'ya sa babae ng marinig nila ang boses ko.

"A-allen.."

Nakatungo silang lahat o di kaya naman ay nakaiwas ang tingin.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko.

Tahimik na umiiyak ang babaeng sinabunutan ni Miya, sinenyasan ko si Kate na tulungan ito.

"M-my phone.. it went missing.." Pagpapaliwanag ni Miya.

Napangiti ako sa inis, "Dahil lang do'n?"

"May important documents doon! I can't afford to loose it!"

"Hindi ba't dapat ay nilagay mo nalang iyon sa laptop mo? Ganoon ba iyon kaimportante para magwala ka ng gan'yan at mangdamay ng inosente?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"I-It's really important kaya nagawa ko iyon!" Giit nito.

"Baka naman natatakot kalang? Natatakot ka lang na baka may makaalam ng mga.. sekreto mo?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

Nanlaki kaagad ang mga mata n'ya at mabilis na umiling. Nakikita ko ang namumuong luha sa mga mata n'ya.

Bumuntong hininga ako, "Humingi ka ng tawad sa babaeng iyon." Tumingin ako sa empleyadong sinabunutan n'ya.

Not My Type (Dream Team Series#2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora