=7=

5 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa airport. Wala ang magbff kaya kaming apat lang ang naghihintay sa pa-special na ex ni Caine.

Halatang kabado si Caine kaya naisipan kong inisin s'ya.

"Baka magkaihi ka sa shorts mo, ah." Biro ko.

Inirapan n'ya ako. Hahaha! Sabi na at maiinis 'to.

"Sige, purket lang nakabingwit ka ng babae, ah." Pangaasar ng kapatid ko sa'kin.

Aksidente kong nakwento ang mga encounter namin ni sunget. Akala tuloy nila mom ay crush ko 'yon. Yaks!

"Tss. Tigilan mo ko. Hindi ko naman type yun. Ang sungit." Sumimangot ako.

Tinawanan lang nila ako! Teka, baka naman akala nila si Jhana 'yun?

Hay, nako.

Marami namang sine-set up si mom sa'kin. It could be anyone of them. Hindi ko nalang pinansin. Bahala sila sa kung ano ang paniwalaan nila.

"Oh, here comes trouble~!" Pagkanta ni Val.

Nilingon ko ang tinitingan nila. Nandyan sa s'ya. Dan, dan, dan!!

"K-pop pa." Bulong ko sa kapatid ko.

Babatukan na sana ako ni Val nang tumikhim si Lucas.

"Let's go." Sabi nito at sinuot ang shades.

"Taray, mas sosyal pa kay Allen." Biro ni Lia.

"Di kaya!" Sumimangot ako.

"Ikaw, ah.. may love life ka na!" Pangaasar ni Lia.

Kanina pa umalis sila Caine. Naiwan tuloy ako sa dalawang 'to. Tch.

"Natatawa ako sainyo. Hindi naman kasi 'yun 'yung sinet up kay Vance. Buntis 'yun, eh!" Umiiling na sabi ni Val.

"Huh?!" Silang dalawa na ang nagchikahan dun.

Hindi ko sila masisisi kung mali ang pagkakaintindi nila. Minsan lang namin makasama si Caine, kaya ang iisipin n'ya talaga ay yon. Si Lia... masyado ring focused sa trabaho. Ginagawa na nyang bahay yung opisina n'ya.

"Allen Vance! Aba, kakain na tayo, oy!" Tawag sa'kin ni Lia.

"Andito na nga, oh." Tumakbo ako papalapit sa kanila.

Sumakay kami sa kotse ko at pumunta sa pinakamalapit na resto sa airport.

Ako ang nagorder habang naghahanap sila Lia ng mauupuan. Pagkatapos kong magorder ay pinuntahan ko na ang table na pinili nila.

"Kuma-crush ka na Allen, ah! Nagbibinata na ang baby namin!" Nakangising sabi ni Lia.

"Baka ikaw ang baby." Umupo ako sa tabi ng kambal ko.

"Sa height lang!" Taas noong sabi ni Lia.

"Sure ka?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

"Oo!"

Tumawa ako ng mapikon s'ya. Ang cute cute n'ya! Ang sarap nyang asarin.

Pagnangaasar s'ya, parating bumaback fire sa kanya 'yon.

Pagkatapos ay dumating na ang inorder naming pagkain. Kumain kami ng tahimik dahil wala na rin naman kaming paguusapan.

Nagpahatid ang dalawa sa pinagta-trabahuhan nila. Dumiretso ako sa kumpanya namin pagkatapos.

"Sir, hinahanap na po ni Ms. Olivares ang mga papeles na pinapirmahan n'ya po sayo kahapon." Bungad sa'kin ni Kate.

"Nasa desk ko 'yon. The one beside the brown folder." Sabi ko.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now