=20=

1 0 0
                                    

I stood in front of my mirror, deciding which dress should I use. I've been like this for the past forty minutes and I haven't decided yet!

"I-I'll just go with the blue.. pero.. maganda din 'yung pink!"

Umupo ako sa kama ko, this is making me exhausted!

"Blue, that's final!" I said out loud and went inside the bathroom to change.

After a few more minutes, I'm finally ready. Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin si Allen na naka-black jacket with a white shirt na pangilalim and then jeans.

Nakahinga ako ng mabuti, good thing I didn't over dress.

"Wow, pink! Bet ko 'yan," He laughed.

"Shut up," I rolled my eyes and then closed the door.

I ended up using the pink dress. Hindi n'ya naman kasi sinabi kung saan kami pupunta ngayon.
"So, is this our first 'official' date?" Tanong ko.

"Siguro," He shrugged before opening the door of the shotgun seat.

Umupo ako sa loob at sinara n'ya ang pintuan. Umikot s'ya at sumakay sa driver's seat. He drove to a mall kaya nagtaka ako. Ano namang gagawin namin dito?

Hinawakan n'ya ang kamay ko at pumasok kami sa loob. Napako ang tingin ko sa magka-intertwine na mga kamay namin kaya hindi ko napansin kung saan kami pumunta.

"We're here!" Masayang anunsyo ni Allen.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Food Court? Really? Of all places inside the mall?

"Alam kong matakaw ka, pero---"

"Kami ata ang may-ari ng mall na 'to," Mayabang na sabi ni Allen.

My jaw dropped in surprise. Wehh?! Biglang may lumapit na staff sa amin at dinala kami sa isang table.

May nakalagay na 'reserved' sign doon. Halatang pinasosyal ang table na iyon dahil may mga designs at mamahaling cutlery.

Sa mga books ko lang nababasa ang mga ito. I never imagined.. na mangyayari 'to sa'kin.

"Bakit hindi nalang tayo sa fine dine?" Tanong ko.

Naghihintay na kami ngayon ni Allen ng mga pagkain. Mukhang alam na nila ang mga pagkain na lulutuin dahil hindi man lang nila kami tinanong.

"Masyadong mahal at tsaka mas entertaining dito," Allen smirked.

I don't like his smirk. At all. Parang may binabalak na masama ang lalaking 'to.

"Okay," I shrugged.

May mga taong tumitingin sa'min paminsan-minsan. Nakakailang! Inis kong tiningnan si Allen dahil mukhang ineenjoy pa n'ya ang mga mapanghusgang tingin ng mga tao.

"Seriously? Masyado ka bang uhaw para sa atensyon?" Umirap ako.

"Grabe ka naman," Madrama n'yang hinawakan ang dibdib n'ya na parang nasasaktan s'ya.

Tumahimik na ako ng dumating ang pagkain namin. Let me rephrase that, MGA pagkain.

"Ba't ang dami? Did you starve yourself for days?"

"Mukbang ang tawag dito, 'wag kang ano," Ginaya n'ya ang tono ng pananalita ko at umirap pa!

Inis ko s'yang tiningnan. Pero napawi ang galit ko ng maamoy ko ang paborito kong cheese cake.

"Waaahhhhh!!!" Natutuwa akong tumayo at pumalakpak.

That caused people to stare at us. Damn, napahiya ko ang sarili ko. Nakangisi si Allen ng umupo ulit ako.

"Is this complete?" Bumaling si Allen sa waiter.

"Yes, sir," Tumango ang waiter.

"Thank you, you may now go."

Nagbow ang waiter at umalis. I stared at all of the foods infront of me. Lahat ng mga ito ay paborito ko!

"I don't like leche flan," Kunot-noong sabi ko ng makita ko ito.

"Akin 'to," Kinuha kaagad ni Allen ang leche flan.

Napairap ulit ako, kala mo naman ay may balak akong kunin 'yon!

"Sa'n mo ba nakuha ang ideyang ito?" Tanong ko.

I'm sure na hindi s'ya ang nakaisip nito. Baka kung s'ya lang ang nagpre-pare ay nagfine dine lang kami.

"Si Athena. Alam mo naman na vlogger s'ya, tapos sabi n'ya maganda daw magmukbang nalang tayo dahil matakaw naman ak---"

"Basta. Sakanya galing ang idea," Tumikhim s'ya.

Pinigilan ko ang tawa ko.

"And what about the.. food court?"

"Ah, si Lia. Ang boring naman daw kasi ng fine dine kaya sa food court nalang."

"Sineryoso mo naman," Natatawang sabi ko.

"Bakit naman hindi? Atleast, may edge ako sa mga past boyfriends mo," Proud na sabi nito.

Umirap ako at kumain na. Natanong ko na ang mga kailangan kong tanungin. Baka masapak ko lang 'to kapag nagpatuloy pa ang paguusap namin.

"Okay, mister weirdo na nakipagdate sa food court, sa'n na tayo pupunta?" I asked him.

Nasa gitna kami ng mall ngayon. Our hands are intertwined again. I didn't mind now.

"Sasamahan kita magshopping, madam sunget na kasama ngayon si mister weirdo dahil nagdate sila sa food court."

I sighed in defeat and dragged him inside 'H&M'.

"Maglilibot lang ako," Pagpapaalam ni Allen.

Tumango ako at nagpatuloy sa pagpili ng mga damit. Sinukat ko ang mga ito at may nagustuhan akong tatlo.

I looked around the shop para hanapin si Allen.

"Bakit mo kasama si Fernando?"

I heard a familiar voice kaya hinanap ko iyon.

"A-ah.. nagkasalubong kami ni F-fernando sa labas.."

My brows furrowed when I saw Allen talking to another girl. I don't know why, but there was suddenly a lump in my throat.

Kinuyom ko ang kamao ko ng makita ang paglapit ni Allen sa babae. He whispered something to her before walking away. The girl's lips were shaking.

Hindi ako alam kung ano ang dapat kong maramdaman. I was curious, angry and jealous.

Padabog akong pumunta sa counter at binili ang tatlong damit na napili ko.

Nakita ko si Allen na nakasandal sa pader sa labas ng store. Nakapamulsa s'ya at malalim ang iniisip.

I sighed. Maybe she's just an office mate...

I shouldn't over think things. Doon nagsisimula ang mga problema.

Alam kong stressed si Allen sa trabaho dahil parati s'yang puyat at parati ko s'yang naririning na kausap ang kaibigan n'yang si 'Mike'.

I smiled at him at saka kinuha ang kamay n'ya. Gulat n'ya akong tiningnan ngunit hinatak ko lang s'ya papunta sa 'Bench'.

After buying everything I needed, umuwi na kami kaagad.

He was joking about eating at the food court again, masama ko s'yang tiningnan kaya tumawa s'ya.

We silently ate dinner, dumaan kami kanina sa drive thru ng isang food chain at bumili ng pagkain.

"Allen?"

"Hmm?" Tumingin s'ya sa'kin.

"You won't break my heart, right?" I looked at him hopefully.

"Never."

I smiled and nodded my head.






























♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now