=36=

2 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim at nilibot ang paningin ko.

"Palawan.."

Ngumiti ako at hinanap ang magsusundo sa'kin mula sa hotel na tutuluyan ko.

Agad ko namang nakita ang taong 'yon. Binati n'ya ako at kinuha ang mga bitbit ko.

Pagkarating sa hotel ay sinabitan nila ako ng bulaklak na kwintas. Ngumiti ako at nagpasalamat.

Jetlag ako kaya natulog lang ako pagkadating ko. Nung gabi na ay tsaka lang ako naligo at nagbihis.
Naka-blue button down shirt ako at brown na shorts. Nakabukas ang dalawang butones sa polo ko.

Nakita ko ang paminsan-minsang pagsulyap sa'kin ng mga babae. Tss.

Pumunta ako sa resto nila at nagorder ng makakakain. Mukha namang masarap ang mga ito.

"Thank you," Sabi ko sa waiter.

Nagulat ako ng biglang may umupo sa harapan ko. Isang magandang babae. Hindi ko naman itatanggi na maganda s'ya, hindi naman ako ganoon kasama.

"May girlfriend ako," Diretsahang sabi ko.

"I wasn't asking. Plus, wala akong pake kung taken ka or not," Ngumisi s'ya at inabot n'ya sa'kin ang kamay n'ya.

"I'm Ashley, nice to meet you."

"Allen," Sabi ko at tinaggap ang kanyang kamay.

Tumawag s'ya ng waiter at nag-order din. Nakatitig lang s'ya sa'kin kaya medyo nailang ako.

Tumikhim ako at inabala ang sarili ko sa pagse-selpon. Share lang ako ng share ng memes.

React before you share, mga pare ko. Hehe.

Tumaas ang lahat ng balahibo ko ng maramdaman ko ang kamay n'ya sa mga hita ko. Anong ginagawa ng babaeng 'to?

Kunot noo ko s'yang tiningnan at inilayo ang mga hita ko sa kanyang mga kamay. Hinahawakan n'ya ako sa ilalim ng lamesa.

Tsk.

Hindi ko nagugustuhan ang ginagawa ng babaeng ito.

Buti nalang at dumating na ang waiter at sinerve ang mga inorder ko. Wala pa ang pagkain ni 'Ashley'.

Habang kumain ay naramdaman kong nakatingin sa'kin si Ashley kaya naman tiningnan ko s'ya.

Kagat kagat n'ya ang ibabang labi n'ya habang pinapanood ako. Tch. Nakakailang!

Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi na s'ya pinansin. Ng matapos ako ay kasisimula palang n'yang kumain.

Agad akong tumayo. Nagulat ako ng hilahin n'ya ang polo ko.

"My room number is---"

"Hindi ako interesado sayo o sa room number mo," Malamig ang tono ng aking boses.

Naglakad ako papaalis roon. Tsk.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay pumunta ako sa balkonahe nito. Kita mo rito ang pool area, marami rami ang mga tao roon.

Pinikit ko ang mga mata ko at nilanghap ang hangin.

'Where could you possibly be, Sariah?'

Ako siguro 'yung tinatawag ng mga tao na tanga sa pag-ibig. Hiniwalayan n'ya ako. Ngunit, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap. S'ya pa rin ang sinisigaw ng aking puso't isipan.

Gusto ko s'yang makita. Kahit masulyapan lang ay masaya na ako.

Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan na nakalagay doon. Nakatingin lang ako sa malayo ng may makita akong nakakuha ng atensyon ko.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now