=8=

4 0 0
                                    

Nagfe-facebook ako ng biglang may notifications na nagpop up sa cp ko.

Fb: Sariah Castillo sent you a friend request

Finollow n'ya rin ako sa Twitter at Insta! Luh, stalker much?

Inaccept ko ang request n'ya at finollow back s'ya. Pagkapindot ko noon ay agad syang nagchat.

Sariah Castillo: here's my number: 09*********

Allen Santos: okie!

Sariah Castillo: meet me at Happy Cafè later

Nagsend ako ng thumbs up bago naglog out sa fb.

Binuksan ko ang insta ko para tingnan ang mga posts n'ya. Puro kape lang, o di kaya ay mga quotes. Tiningnan ko ang story n'ya, picture ng isang libro at kape. Grabe naman 'to magpromote.

Pinatay ko na ang cp ko dahil wala naman akong mapapala sa pagiistalk sa kanya.

Tumayo ako at nagbihis. Pupunta na ako sa Happy Cafè. Di naman sa excited ako, wala na talaga akong magawa sa condo ko, eh.

Naisipan kong yayain si Lia. Tinawagan ko ang cp n'ya pero hindi n'ya sinasagot. Tsk.

Pagkarating ko doon ay lumapit kaagad ako sa isang empleyado.

"Hi, miss. I need to speak with the.. owner."

Mukhang kinabahan ang empleyado kaya nagmamadali syang umalis. Lol.

Umupo ako sa isang bakanteng table. Habang naghihintay ay naglaro ako ng piano tiles. Don't judge me.

"Do you really need to scare my employee?" Umupo s'ya sa harap ko.

"What? Hindi ko naman s'ya tinatakot. Kusa syang natakot nung sinabi kong gusto kitang kausapin." Napailing ako.

Napasapo s'ya sa noo n'ya. Pinanood n'ya lang akong maglaro.

"Yes! Three crowns!" Bulong ko.

"Maguusap ba tayo o ano?" Nakataas ang kilay n'ya.

"We are talking." Sabi ko.

"Ang galing mong kausap." Pinagkrus n'ya ang mga braso n'ya at sumandal sa upuan.

"Oo na, titigil na po."

Binaba ko ang cp ko at humarap sa kanya ng maayos.

Binalot ng katahimikan ang paligid namin. Ano ba 'yan! Sobrang awkward.

"Magsa-shopping ako."

Napakunot ang noo ko. Bakit n'ya sinasabi sa'kin na magsa-shopping s'ya? Mukha ba akong ATM?

"Ugh! You're so LG!" Inis n'ya akong tiningnan.

LG? Lugaw?

Bigla syang tumayo at nagwalk-out kaya nataranta ako at sinundan s'ya.

"H-hoy, wait lang--!"

Nagulat ako ng bigla syang tumigil sa paglalakad. Muntik na akong ma-out of balance kaya hinawakan ko ang braso n'ya.

Gulat syang tumingin sa'kin. Tinanggal ko rin naman agad ang hawak ko sa kanya.

Nilahad n'ya ang kamay n'ya sa harap ko.

"Car keys." Tinuro n'ya ang bulsa ko.

"No. Ako na ang magda-drive." Binuksan ko ang kotse ko at sumakay sa driver's seat.

Umiling s'ya at umupo sa shotgun seat.

Sinabi n'ya ang pangalan ng mall. Buti nalang at alam ko kung nasaan 'yon. Pagkarating namin doon ay nagparking ako at inalalayan s'ya sa pagbaba.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now