=32=

1 0 0
                                    

"Wow! Para kanino 'yan, madam?" Tanong ni Jay.

"Para kay Allen," Nakangiting sabi ko at tinakpan na ang lunchbox.

Ginawan ko ng lunch si Allen. Ang sabi n'ya ay hindi s'ya nakapag-lunch dahil dumiretso s'ya sa opisina pagkagaling sa ospital.

"Ang swerte naman ng boyfie ni madam! Hayy, willing naman akong gumawa ng ganyan araw-araw, boyfriend na nga lang ang kulang," Ani Sasha.

Si Sasha ang manager dito.

"Andito naman ako, mahal," Hirit ni Jay.

"Ay nako, sinabi ko na sayo, Jay, hindi kita type," Umirap si Sasha.

"Awts naman! Kahit na hindi mo ako type, liligawan pa rin kita!" Sabi ni Jay.

"Tss. Bahala ka nga d'yan!" Inis na umalis si Sasha.

"Yes! See you laters, beyb!" Nakangising sabi ni Jay.

Hay nako, napakaharot ng lalaking ito. "Magtrabaho ka muna, Jay. Puro ka landi."

"Ma'am, yes, ma'am!" Sumaludo pa ang mokong.

Sinukbit ko ang slingbag ko sa aking balikat at nagpaalam na. Baka matrapik pa ako.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa opisina ni Allen. Dito nagi-internship si Kail kaya tinanong ko s'ya kung saang floor ang opisina ni Allen.

Mas lumawak ang ngiti ko ng matanaw ko na ito. May naririnig akong sigaw mula sa loob, tss, ang sungit naman palang boss ng boyfriend ko!

"DAHIL BUNTIS AKO! BUNTIS AKO, ALLEN!!"

Napatigil ako sa paglalakad.

"Kailan pa?" Narinig ko ang boses ni Allen.

"KAILAN PA, MIYA?! ANAK NG PUCHA, BAKIT MO ITINAGO?!! NAG-IISIP KA PA BA?! HA?! MIYA NAMAN!"

M-may anak na si Allen?

Napatakip ako sa bibig ko at agad na tumakbo papaalis doon. Wala akong pake kung marami na akong nababangaan sa daan.

Parang nilulukot ang puso ko. Sobrang sakit.

Mahal n'ya ako. Alam ko 'yon. Nararamdaman ko iyon.

Pero... hindi ko kayang manira ng pamilya.

Tatapusin ko na ito habang maaga pa. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng aking kotse bago kinuha ang phone ko.

To: Allen

I'm sorry.

Let's end this.

Hindi ko kakayaning harapin s'ya ngayon. Not now, maybe not ever.

Mabilis akong nagmaneho papunta sa condo ko at kinuha ang mga gamit ko. Iniwan ko na ang ilan, katulad ng utensils at mga kawali.

I need to go away, as far away as possible. I turned on the airplane mode on my phone. But, before I did that, I left a message to my family and friends.

I told them that I needed space to think. Kailangan kong mapag-isa at magpahinga.

I went to the province and stayed at a motel. I know that this is stupid, pero may anak na si Allen.

Ayokong lumaki ang bata sa isang broken family. If giving that child a happy family means leaving Allen, I would do it.

I left him. I left the man I love. And I always will love him.

But, this is for the best. Hindi dapat ako maging selfish.

For weeks, I switched from hotels to motels, from one province to another. I never contacted anyone since then. The money I had was enough.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now