=2=

6 0 0
                                    

"Hi.. sorry, I'm late." Umupo ako sa harap ng babaeng sinet up sa'kin.

"It's okay. I'm Pat." Inabot ng babae ang kamay n'ya.

"Allen." Tinaggap ko iyon.

Sinerve na ng babae ang pagkain. Lunch na kami nagkita dahil busy s'ya kaninang umaga. Anak s'ya ng kumare ni mom.

"So, I heard na may twin sister ka." Pinaglaruan n'ya ang straw ng milkshake n'ya.

"Yes." Tumango ako.

"My brother wants to have a dinner date with her. Kung okay lang naman sa kanya."

Tumikhim ako. Wala ako sa tamang posisyon para magdesisyon. Baka magalit pa sa'kin si Val.

"I think you should ask HER." Sabi ko.

Ngumiti lang s'ya at kumain na. I don't like this girl. Ekis na s'ya agad. Tss.

Naghiwalay na rin kami pagkatapos kumain. Mas makabuluhan pa ang trabaho ko kesa ang makipagusap sa babaeng 'yun. She kept on asking about our money!

"How did the date go, sweetie?" Tanong ni mom.

Nakaupo ako sa upuan habang s'ya naman ay busy sa pago-online shopping.

"Should I buy Valerie a new set of make up?" Tanong n'ya.

"Mom, alam mo namang hindi n'ya 'yun ginagamit. Tss. Mas matutuwa pa 'yun kung K-POP Merch ang ibibigay mo. Better yet, concert ticket."

I knew my twin well. Syempre, sa iisang kwarto kami natulog hanggang magtwenty na kami. Tss.

"Hayy, ewan ko ba d'yan sa kapatid mo, ayaw man lang magdress!" Mataray na sabi ni mom.

Girly, amp.

"Hayaan mo na, mom. Let her be herself." Sabi ko.

"Ano pa bang magagawa ko? Sige na nga, I'll buy her a concert ticket." Parang ayaw pang gawin ni mom 'yun.

"Naks naman! Ako rin mom, bagong rubber shoes---"

"NO! Humiram ka nalang sa kuya Anthony mo." Mom said firmly.

Napailing ako. I smell favoritism.
Nagisip ako ng mga bagay na pwedeng magpabago ng isip ni mom. New perfume? New dress? Kaso parati namang may bagong dress si mom galing kay Lia.

Aha!

"Mom, let's make a deal. Diba 'yung susunod ko na date ay 'yung Jina--"

"JHANA! JHANA CORTES!" Singit ni mom.

"Right, Jhana. Kapag naging kami, officially, bibigyan mo ako ng bagong shoes."

"What if hindi maging kayo?" Siningkitan ako ng mga mata ni mom.

"Pakakasalan ko ang babaeng gusto mo para sa'kin." I shrugged.

"Deal!" Tumango agad si mom.

Nyemas, dapat pala ay pinagisipan ko munang mabuti! Pinalo ko ang bibig ko habang naglalakad palabas.

Wala na akong magagawa pa. Alam kong hindi magpapatalo si mom.

"Sir! M-meeting po." Hinihingal na sabi ni Kate ng makita n'ya ako.

Bumuntong hininga ako bago pumunta sa room kung saan sila nagmi-meeting.

Hindi ako masyadong nakinig sa meeting na iyon. Hindi naman masyadong importante. Si Kate ay abala sa pagjo-jot down ng notes. Patago n'ya na ring nirecord para sa'kin.

Humakay ako pagkalabas. Grabe, natulog na nga ako ng maaga, inaantok pa rin ako.

"Sir, nagpadala po si ma'am Miya ng invitation para sa birthday party n'ya sa Sabado." Sabi ni Faye.

Salit-salitan sila ni Kate, para naman nakakapagpaghinga silang dalawa.

"May iba akong party na pupuntahan. Monday na 'yung breakfast date with Jina, right?" Inayos ko ang necktie ko.

"Jhana, sir." Paco-correct ni Faye.

"Right. Ano ba ang magandang iregalo sa babae?" Binuksan ko ang pintuan ng opisina ko.

"Perfume or bag, sir. Pwede rin pong jewelry." Sagot ni Faye.

May nilapag syang envelope kaya binuksan ko ito. Papers. Napabuntong hininga ako at binasa ko ang mga 'yon.

"Okay, thanks." Sabi ko.

Nagbow s'ya bago umalis. Pinirmahan ko na isa-isa ang mga papeles.

One month.. kayang kaya ko 'to. Hindi naman kami masyadong magkikita dahil may trabaho ako.

Na-curious ako kaya sinearch ko 'yung Jin-- Jhana.

Anak mayaman. Maputi, matangkad, matangos ang ilong-- kaso panget.

No offense or anything pero isang tingin mo palang hindi mo na s'ya magugustuhan. Mukha syang mataray. I can't imagine myself with this woman, baka magkauban ako!

I massaged my head to lessen the stress. Ang daldal kasi ng bibig ko, eh!

Okay na rin sigurong maging 'girlfriend' ko 'tong babaeng 'to for one month kesa naman ikasal ako sa babaeng hindi ko kilala.

Umuwi ako ng pagod. I slept late again dahil marami pa akong kailangang tapusin na trabaho.





















"Iinom mo nalang 'yan, pre!" Tumatawang sabi ni Tom.

"Tss." Tinungga ko ang laman ng bote ng alak.

"Ba't di nalang kasi si Lia ang i-date mo?" Tanong ni Tom.

"Di kami talo nun!" Umiling ako kaagad.

Baka mamatay ako ng maaga sa stress. Ang kulit pa naman ng babaeng 'yon.

"Kunwari ka pa! First kiss mo kaya 'yun." Ngumisi si Tom.

"Napilit lang ako! Lintek kasi na roleplay na 'yan." Inis kong sabi.

Dahil nga magkahiwalay ang mga babae at lalaki sa school namin, may mga pagkakataon na pinagsasama kami para sa isang project. Batchmates naman kami, afterall.

"Uy, inaalala n'ya! Yiee!" Pangaasar ni Tom.

"Ikaw? Naaalala mo pa ba nung frinend zone ka ni Athena?" Bawi ko.

Agad na nagiba ang timpla ng mukha n'ya. Ako naman ngayon ang naka-ngisi. Torpe talaga nito.
Iniwan na n'ya ako sa table namin kaya ako nalang ang natira doon. Pikon!

Uminom ako ng gin dahil 'yun nalang ang natira sa table namin. Nagpapakalasing na sila Lia doon.

"Oh! Allen! Long time no see, ah!" Lumapit ang isang lasing na babae sa puwesto ko.

"Yeah.. uh.." Hindi ko na maalala ang pangalan nito.

Sa dinami dami ng mga dinate ko, ni isa wala akong naalala.

"Cherry! Hayy, you still don't remember my name." Humiga s'ya sa couch.

Sobrang lasing na ng babaeng 'to. Napailing ako.

"Pre-- hala! Umalis lang ako ng panandalian, may nadali ka na." Tumawa si Tom.

Lakas ng mood swings neto. Inupakan ko s'ya. Alam n'ya namang hindi ako nananamantala ng mga babae, lalo na kapag lasing.

"Obobs! Uuwi na 'ko, sabihin mo nalang kina Lia." Kumaway ako at lumabas na.

Medyo lasing na ako pero kaya ko pa naman magdrive.

"Pucha." Bulong ko sa sarili ko.

Sumuka ako at nagshower. Magpapadala nalang ako ng hang over soup kay Val.

"Good night, selp."




























♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now