=38=

1 0 0
                                    

"Only one of them survived. I'm sorry for your loss."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa doktor. If can't be real, right?

"A-allen.. hindi 'to t-totoo, diba? B-buhay ang m-mga a-anak ko.. diba? Hindi pwede...." I was having a hard time breathing.

I cried all day. Wala akong ganang kumain.

"Sariah naman, may bata pa sa loob ng sinapupunan mo! A-alam kong mahirap mawalan ng isang anak, pero paano naman ang baby girl mo na buhay pa? Sariah, please..."

I stared at Paula when she started crying. Nakatulala lang ako. I didn't even understand what she said.

"Allen.."

Nakita ko s'yang pumasok. Bumuntong hininga ito ng makita ang pagkain sa harapan ko.

"P-paula, ako na ang bahala dito. Magpahinga ka muna," Tinapik nito ang braso ng kaibigan ko.

Kinagat ni Paula ang ibabang labi n'ya para pigilan ang mga hikbi n'ya at tsaka tumayo. Kinuha n'ya ang bag n'ya at lumabas na sa kwarto.

"Ahhh, here comes the airplane~!"

Tiningnan ko s'ya at nginitian n'ya naman ako.

"Paano mo nagagawang ngumiti?"

Natahimik s'ya sa tanong ko. Iniwas n'ya ang kanyang tingin. Pumikit ako at isinandal ang likod ko.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang hawak n'ya saka kumain. Sa hindi ko malamang dahilan, nabibigyan n'ya ako ng lakas.

"H-hindi madaling.. magpanggap na masaya. H-hindi rin madali para sa'kin na tanggapin na.. nawalan ako ng anak. Walang madali, pero pipilitin kong maging masaya para sayo. Kailangan kong maging matatag. Noong mga panahon na nahihirapan ako, na naguguluhan ako.. nandoon ka para suportahan ako. Kaya.. ginagawa ko ito para suportahan ka dahil mahal kita."

Tinititigan n'ya ako habang binibitawan ang mga salitang iyon. Ako naman ang umiwas ng tingin.

"T-tss.. baka nakakalimutan mong b-break na tayo?"

"Tss. Pwede pa rin naman kitang mahalin, ah?" Ani Allen.

"Mahal ba kita?"

Nanlaki ang mga mata ko. Tinakpan ko ang bibig ko at naiilang na tiningnan s'ya. Hindi ko na mabasa ngayon ang ekspresyon n'ya.

Dinalian ko ang pagkain habang nakatuon lang ang tingin ko sa kinakain ko. Sunod sunod ang subo ko.

Napatili ako ng mabilis n'yang inagaw ang pagkain ko at ki-norner sa pagitan ng dalawa n'yang braso.

Nilapit n'ya ang mukha n'ya sa mukha ko. Sobrannggggg lapit.

Napalunok ako. Ano bang ginagawa n'ya.

"Ngayon mo sabihin sa'king hindi mo na ako mahal," Hamon n'ya.

Matalas ang tingin n'ya sa'kin. Akala ko sa mga libro lang ito nangyayari!

Hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa sobrang lapit n'ya sa'kin.

Bigla akong nagkahiccups. Natawa si Allen ng malakas. Napangiti ako dahil ang sarap sa pakiramdam na makita s'yang masaya.

"Ayan kasii! Sunod sunod ang subo mo, hindi ka man lang uminom ng tubig, nako," Umiiling na sabi nito.

Nilayo na n'ya sa wakas ang mukha n'ya sa'kin. Nakahinga ako ng maluwag.

"Whoo!" I fanned my face.

"Mahal mo pa ako. I'm sure of it, babe," Nginisian n'ya ako.

"Grabe, ang hangin naman dito! Nilaksan mo ba 'yung aircon?" Natatawang sabi ko.

"SALAMAT NAMAN AT BUMALIK KA NA SA NORMAL! THANK YOU, LORD! MWAHHH!!"

Natawa ako sa biglaang pagsulpot ni Czarina. Si Paula naman ay nakangiti rin.

Agad na lumapit sa akin si Czarina at pinisil ang pisngi ko, "Pinaiyak mo ng todo ang kaibigan mong bruhita. Hahahaha! Nice one!!"

"Nice one ka d'yan? Alis nga! Ako naman," Tinulak ni Paula si Czarina papaalis.

Niyakap ako ni Paula ng mahigpit. Naiiyak nanaman s'ya.

Kahit sinabi na sa'kin ni Allen nung nakaraang araw na w-wala na ang isa naming anak, hindi iyon masyadong nagsink in sa utak ko. Ngayong araw ay pumunta sa room ko ang doktor na naka-assign sa'kin at sinabi ang tungkol sa pagkamatay ng anak ko. Ngayon lang nagsink in. Hindi ko matanggap, pero time will heal all the wounds.

Nagpapasalamat ako kay Allen dahil kahit panandalian lang ay napasaya n'ya ako.

Binisita rin ako ng mga kaibigan ni Allen. Nagkukulitan si Allen at si Lia, she's pretty talkative. Napansin kong expressive s'ya sa mga nararamdaman n'ya. She smiles brightly.

Si Caine at Alenna naman ay may pinaguusapan. They are both calm and collected. Mukhang silang dalawa lang ang 'normal' sa grupo. I laughed inside my head because of the term I used.

Medyo palabiro si Alenna, while Caine is totally chill. Pero she seems very happy when she's with a particular handsome doctor. I think he's her boyfriend or something.

Si Athena at Tom.. they really is something in between them. May chemistry, eh. May sparks, basta gano'n.

"Hmp! Hindi ka pwedeng matulog sa bahay ko!!" Biglang tumayo si Athena at lumabas.

"H-hoy! Grabe naman 'to, Pheobe!!" Hinabol ni Tom ang bestfriend n'ya.

"Ang drama drama, tsk," Umirap si Lia.

"Wow, ah. Sino ba 'yung---"

"Don't. Me." Pinigilan ni Lia si Caine.

Natawa ako sa kakulitan nila. Paula is like Athena, while Czarina is kinda like Liana.

Nakangiti si Alenna sa'kin habang papalapit s'ya.

"Kamusta? Sorry, ah? Super ingay ng mga kaibigan namin," She laughed.

"It's okay. Atleast, I don't feel alone," Ngumiti ako.

Nagkwentuhan pa kami, nakisali sila Caine at Lia sa kalagitnaan ng usapan namin. I felt comfortable around them.

"Love, tawag ka na," A handsome doctor peeked inside the room.

"I'll be right there," Tumayo kaagad si Caine.

Napangiti ako. Ang sweet sweet naman! Napapanood ko lang ang mga ganyan sa mga medical drama, hehehe.

"I'll get going now, see you around," Paalam ni Caine.

Tumango kami at tuluyan na s'yang umalis. Biglang may tumawag kay Lia kaya umalis na rin s'ya. Allen went outside to het some foods kaya naiwan kami ni Alenna dito sa loob.

"Sariah?" Tawag n'ya sa'kin.

"Hmm?" Humarap ako sa kanya.

"P-please take care of my brother. I know that you love each other. Please... take very good care of him."

"I promise to take care of him. I will never leave his side again. I promise you. I love your brother so, so much."

"I know that I can trust you, thank you." Niyakap n'ya ako.

"Thank you for trusting me.. again." Sabi ko.

Ngumiti s'ya at tumayo na ng dumating si Allen. Tinulungan n'ya ang kapatid n'ya sa mga bitbit nito.

The doctors has to run tests on me kaya hindi pa ako pwedeng umalis.

Czarina arrived shortly after that. May kailangang asikasuhin si Paula kaya wala s'ya rito.

I stared at the people around me.
I'm lucky to have them by my side.















































♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now