=22=

1 0 0
                                    

"Thank you po," Nagbow ako sa mga magulang ni Sariah.

"Your welcome, Allen. Feel free to comeback anytime," Ngumiti sa'kin ang nanay ni Sariah.

"We'll get going now," Bumeso si Sariah sa mga magulang at pinsan n'ya.

"Byee!!" Sigaw ng pinsan ni Sariah.

"Focus on your studies, okay?"

Nag-thumbs up si Kail bago kami pumasok sa sasakyan ni Sariah. Ako na ang magda-drive ngayon.
"Matulog ka na, mukhang napagod ka," Sabi ko.

"Okay lang ako," Ngumiti s'ya sa'kin.

Tumango ako at nagpatugtog nalang ng mga kanta. Buti nalang at dinala ko ang usb ko. Sawa na ako sa k-pop.

Nakatingin lang si Sariah sa labas, mukhang malalim ang iniisip n'ya. Tumikhim ako bago magsalita.

"A-ayos lang ba kayo ng t-tatay mo?"

Napatingin kaagad si Sariah. Binuksan n'ya ang bibig n'ya pero walang salating lumabas.

"My father and I had an argument about the company not too long ago. I wanted to close it.. for good. Pero, my dad insisted to keep the company. We... didn't talk to each other for a few months after that. Binusy ko ang sarili ko sa cafè."

Tumango ako, naiintindihan ko s'ya. Atleast, medyo okay na sila ngayon.

"Ikaw? You never mentioned your father," Tumingin s'ya sa'kin.

Ngumiti ako ng mapait. Hinawakan n'ya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at pinisil ito. Tumingin ako sa kamay mga kamay namin at ngumiti.

"Matagal na kaming hindi naguusap ni dad. Alam n'ya na ayokong magtrabaho sa kompanya. Parating mainit ang tingin n'ya sa'kin, parang lahat ng ginagawa ko ay mali," Bumuntong hininga ako.

"Your father loves you, remember that, Allen. Nagaalala lang s'ya para sayo. Walang magulang na naghahangad ng masama para sa kanyang anak. You're his SON. Tell him kung ano ang gusto mo sa buhay. If you want to leave the company, tell him! Wala namang masama sa pagpapahayag ng sarili mo."

Kinagat ko ang ibabang parte labi ko at pinigilan ang mga luha ko.

Hindi ko na napigilan at tuloy tuloy na itong tumulo.

"Ang pangit mo umiyak, kaya tahan na," Pinigilan ni Sariah ang tawa n'ya.

"Okay na sana, eh," Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Hehe, mas cute ka kasi kapag nakasmile. Promise me na hindi ka na iiyak ulit, okay?"

Nagpinky swear kami at nagpatuloy na ako sa pagda-drive. Nalilibang na ako masyado.

Binuhat ko si Sariah papunta sa kwarto n'ya pagkauwi namin. Nakatulog s'ya sa byahe, mukhang pagod na pagod s'ya.

"Sleep well, Iyah," Hinalikan ko ang noo n'ya.





























Maaga akong nagising kaya naligo na ako kaagad. Pagkatapos noon ay nagbihis ako ng pambahay dahil walang pasok ngayon.

Holiday ngayon kaya libre ako buong araw.

Pinagluto ko ang aking prinsesa ng umagahan. Mabuti nalang at tinuruan ako ni Valerie na magluto, kahit papaano ay nakatulonh ito.

Nilagay ko sa isang tray ang mga pagkain at dinala ito sa kwarto n'ya. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at tahimik ko itong sinara upang hindi s'ya magising.

Mahirap na, baka bugahan ako ng apoy nito.

"Love~ Gising na," Hinawi ko ang mga buhok na nakaharang sa mukha n'ya.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now