=6=

4 0 0
                                    

"I found your date, sweetie! She's the daughter of my old classmate. I feel like she's really the one!" Excited na sabi ni mom.

Lumulundag s'ya dito sa opisina ko. Parang bata.

"Mom, I have work to do." Minasahe ko ang sintido ko.

"Next week, okay? Don't forget it!!" Agad na lumabas si mom.

She didn't even tell me her name! Well, hindi naman ako interesado.

Hindi pa rin nakakalimutan ni mom ang deal namin. It means I REALLY have to date that girl for one month.

Napabuntong hininga ako.

Pagkagaling sa trabaho ay umuwi na ako sa condo ko. Life was always this boring. Wake up, eat, work, sleep late. The cycle always repeats.

"Should I really start being serious about love?"

Tinitigan ko ang kisame. Napa-english pa ako dahil sa lalim ng iniisip ko.

Napatingin ako sa mga picture frame na nasa kwarto ko. Si mom ang naglagay no'n dito dahil wala nang space sa bahay.

Mukhang sobrang.. saya nila mom at dad. Alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa.

Hindi ko nga alam kung ano ba ang gusto ko. Hindi ako masaya sa trabaho ko. Buti pa si Val, gusto n'ya ang pagiging chef. Ganoon din sila Tom, masaya sila sa pagtutugtog.

Sa sobrang dami ng iniisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Agad akong nagising ng marinig ko ang alarm clock ko.

"Good morning, handsome." Kinindatan ko ang sarili ko sa salamin.

Bumaba ako at kumain ng umagahan. Nagce-crave ako ng kape kaya dumiretso ako sa Happy Cafè.

"Iced Americano."

Favorite 'to ni Val. Paminsan minsan ay ito ang binibili ko.

"You're here... again."

Napalingon ako sa nagsasalita. Si sunget. Nakataas ang kilay n'ya sa'kin at parang naiinip.

"Are you just going to stand over there?" Mas tumaas pa ang kilay n'ya.

Tinuro n'ya ang mga taong nakapila sa likod ko.

Tumikhim ako at tumabi. Hindi ako pwedeng magtagal dito. Naglakad agad ako palabas.

Pagkarating ko sa opisina ay naghanda na ako para sa meeting ng department namin. Ako ang head kaya dapat ay nandoon ako.

Dala dala ko ang kape sa meeting. Nang matapos ito ay kinausap ko ang ilang empleyado namin. Naglilibot libot ako paminsan minsan para tingnan ang mga ginagawa nila.

"O-oh my gosh!" Natatarantang sabi ng babae.

Nalalaglag n'ya ang mga papeles na hawak n'ya. Tinulungan ko syang damputin ang mga ito.

"T-Thank you, sir." Nahihiyang sabi ng babae.

"Hala! Sir, pasensya na po, intern po kasi s'ya kaya medyo--"

"It's fine." Kinalma ko ang isa pang empleyado.

Tumungo ang dalawa ay huminga ng tawad. I gave them a small smile. Paniguradong takot na takot ang intern.

Natawa ako ng maalala ko ang sarili ko, nadapa ako sa harap ng kuya ko. Tawa s'ya ng tawa sa itsura ko no'n. Napangiti ako ng mapait. Hindi ko na masyadong nakakahalubilo si kuya kahit nasa iisa kaming kumpanya.

Lalo na si Val, masyado syang iyakin. Sobrang close nila ni kuya kaya paniguradong nami-miss na n'ya 'yon.

Si kuya lang ang eager na magpatakbo ng kumpanya sa aming tatlo. Napilitan lang ako habang si Val ay nagpumilit sa gusto n'ya.

"Allen!"

Lumingon ako at nakita si Miya na kumakaway. Napatingin ako sa relo ko, magtatanghali na pala. Wala naman syang dalang pagkain.

"Oh?" Tanong ko.

"Let's have lunch together." Nakangiting aya nito.

"No, thanks." Umiling ako.

"Sige na, please??" Hinatak n'ya ang braso ko.

Tiningnan ko 'yon kaya binitawan n'ya ako kaagad.

"I'm a busy man." Seryosong sabi ko.

"Pero may time kang makipag-date?" She scoffed.

Napataas ang kilay ko. Hinarap ko s'ya, naiinis na ako.

"I don't DATE co-wokers." Diniinan ko ang salitang 'date'.

"But you already did!" Inis nyang sabi.

"Mom setted us up. Hindi ko 'yon kagustuhan."

"W-what?!"

"I only DATE women that I like. In your case, it was just a plain business dinner." Inayos ko ang coat ko na medyo nalukot na.

Napaawang ang labi n'ya. Umiling ako at iniwan s'ya doon. Bakit ba hindi n'ya matanggap na hindi ko s'ya gusto? Mas lalo lang syang nasasaktan sa ginagawa n'ya.

Pumunta ako sa opisina ko at ni-lock 'yon. Sinabihan ko si Faye na orderan nalang ako ng lunch. Wala akong ganang lumabas.

Maya maya pa ay kumatok si Faye kaya binuksan ko 'yon. Pagkatapos ay sinara ko ulit 'yon para walang makaistorbo sa'kin.

Kumain ako ng tahimik. Ang boring!

Tinawagan ko si Mike at agad n'ya naman iyong sinagot. Nasa Cebu s'ya kaya ilang araw na kaming hindi nagkikita.

"Sabi ko na nga ba at mamimiss mo ako." Naiimagine ko ang ngisi n'ya.

"Wag kang assuming, bakla. Nabo-bored lang ako." Pinagpatuloy ko ang pagkakain.

"Padalhan kita d'yan ng sexy dancers, usto mo?"

Muntik ko nang madura ang kinakain ko. Hanep.

"Umayos ka nga! Napakagago mo!" Inis na sigaw ko sa selpon.

"Thanks for the compliment, sweetheart." Mas lalo lang naginit ang ulo ko kaya binabaan ko s'ya.

Alam na alam n'ya talaga kung paano ako inisin. Tsk.

Nawalan na ako ng gana kumain. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ng isang 'yon!

Para namang mapapa-stag party ako dito! Napapikit ako ng mariin, nanggigil ako!!

"Pasalamat ka talaga Mike at wala ka dito kung hindi..."

Naputol ang sinasabi ko ng biglang kumatok ulit si Faye. Andito na ata 'yung kakausap sa'kin.

Pagkatapos noon ay pinapunta ako sa bahay. Magfa-family dinner ata kami. Pagkarating ko ay nagluluto palang sila.

Pumunta ako sa kwarto ko para magpalit. May mga natira pa akong mga damit dito. Naabutan ko si Val na papalabas palang ng kwarto.

"Oh, nandito ka na pala, Van!" Gulat na sabi ni Val.

"Ay hindi, nandoon ako." Turo ko sa pintuan ng terrace.

Umirap lang s'ya at bumaba. Ako naman ay pumasok at nagsuot ng turtle neck na sweater. Malamig, eh.

Pagkababa ko ay naabutan ko si mom at Val na busy sa pagpe-prepare ng pagkain.

Naaamoy ko na ang famous macaroons ni Valerie. Tataba nanaman ako neto.

Sigurado akong manghihingi si Lia nito. Speaking of.. nakausap ko si Lia. Naaawa s'ya kay Caine dahil kailangan nitong sumama sa ex n'ya papunta sa Paris.

Tadhana nga naman.

Nagkausap na kaming lahat. Sana lang ay okay si Caine.

"Let's eat, Vance." Tawag sa'kin ni Valerie.

Ngumiti ako at sumama sa kanila.







































♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now