=12=

3 0 0
                                    

"Ma'am, andito na po si Sir Pogi." Bulong sa'kin ng empleyado ko.

Napairap kaagad ako. Pogi? Sa'n banda? Tss.

Sumilip ako sa mga tables. Nakita ko si Allen na naghihintay habang sumisipsip ng kape. I suddenly felt the urge to spill coffee on him kaso sayang ang suot n'ya.

Ilang araw na kaming hindi naguusap. Parati ko syang iniiwasan. Aalis din naman 'yan mayamaya.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa bewang ko.

"Andy!" Niyakap ko s'ya kaagad.

"Namiss mo ba ako?" He ruffled my hair.

"Oo naman!" I giggled.

Simula pagkabata ay magkakilala na kami. He's three years older than me. First crush ko rin s'ya, it's totally impossible not to fall for him. He's handsome, kind, caring, smart and rich.

He's more like a big bro for me now.

Hinatak ko s'ya papalabas ng kusina. Nakita ko si Allen na busy sa phone, buti naman. Pumunta ako sa isang kanto para hindi n'ya kami makita.

"Parang may pinagtataguan, ah." Sinundan ni Andy ang tingin ko.

"W-wala, ah!" Tanggi ko agad.

"Crush mo?" Mapangasar na tanong n'ya.

"Tss! 'Di, ah! Hindi ko naman 'yun type." Umiling ako ng mabilis.

Natawa si Andy kaya nakita ko 'yung maliit nyang dimple. Aww, cute!

Ewan ko ba dito kung bakit hindi pa rin ikanakasal! Tatanda syang binata, tsk tsk.

"Reto kita sa kakilala ko!" I suddenly thought about ate Zephrine.

They used to be really close. Hindi na ata sila mapaghihiwalay. Ate Zephrine had a boyfriend before kaya hindi na sila masyadong naguusap ni ate. After ate's breakup, hindi na talaga sila nagusap.

Ayaw naman nilang pagusapan kaya I'm clueless.

Ang alam ko, kababalik lang din ni ate Zeph sa Philippines.

"Wag na. Mas magandang maging single." Tanggi ni Andy.

I nodded. Hindi ko na ipu-push pa. He looks kind of bothered.

Nakahingga ako ng maluwag ng makita kong lumabas na sa pintuan si Allen. Nagusap pa kami ni Andy bago s'ya umalis. May aasikasuhin lang daw s'ya.

Umalis ako ng cafè ng lunch time. May pupuntahan akong party sa isang linggo. Mga tatlong araw siguro ako doon, isasagad ko na. Out of town s'ya kaya masaya.

"Should I get a bikini?"

Pumunta ako sa fitting room at triny ang lahat ng kinuha ko. I chose the red two piece swimswuit. Wala akong balak magparasi-swimming kaya okay na 'to.

"Damn, it's so hot." Pinunasan ko ang noo ko.

Tumigil ako sa paglalakad para magpahinga. Bakit ba kasi ako nagheels? So stupid!

May nakita akong ice cream parlor. Pumasok ako doon at umupo sa isang upuan. Onti lang ang tao.

Umorder ako ng 'vanilla' ice cream. Hinubad ko rin ang heels ko para makapagpahinga ng panandalian ang mga paa ko.

Pagkatapos noon ay nagpatuloy na ako sa paglilibot.

"Oh my gosh!" Agad akong tumago sa likod ng isang pader.

I just saw ate Zephrine with another guy! Naguusap sila sa labas ng restroom, may hinihintay yata sila.

Lumabas ang isang magandang babae mula sa restroom. She's kind of smaller than ate Zeph.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now