=17=

2 0 0
                                    

"P-party?!"

Munti ko nang madura ang kinakain ko.

"Kadiri ka!" Umirap si Val.

"Why are you so shocked? Hindi pa ba kayo ni Sariah?" Naguguluhang tanong ni mom.

"N-no.." Nahihiyang sabi ko.

"Hina mo naman," Bulong ni Val pero narinig ko pa rin.

"Wow, ah? Hiyang hiya ako sayo," Sarkastikong sabi ko.

"Nagaayaw nanaman kayong dalawa?"

Sabay sabay kaming napatingin sa nagsalita.

"Kuyaaaaaa!!" Agad na tumakbo si Val at niyakap ang panganay naming kapatid.

Anthony Von Santos, Anton for short. Four years ang age gap namin kaya hindi ako masyadong close sa kanya. Pero sobrang close sila ni Valerie.

"Anthony! It's so nice to see you again! Na-miss ka ng kambal," Hinalikan ni mom ang pisngi ni kuya.

Tumango lang ako sa kanya. Pinaupo s'ya ni mom at sabay sabay na kaming kumain.

Sila sila lang ang naguusap dahil wala akong balak magsalita. Masyado akong pagod. Sinundan ko si Miya ngayong araw ngunit wala naman akong nakuhang mahalagang impormasyon.

Hindi ko alam na hahantong s'ya sa ganito.

Napabuntong hininga ako. Tumayo ako kahit hindi ko pa tapos ang kinakain ko.

"Where are you going? May dessert pa, ah?" Kunot-noong tanong ni Valerie.

"Busog na ako," Madiing sabi ko.

"Anong klaseng kalokohan---"

"Alenna, let him be," Pagpigil ni kuya kay Val.

"Okay," Mahinang sabi nito.

Dire-diretso akong lumabas ng bahay namin. Nagmaneho ako papunta sa...

Condo ni Sariah.

Kailangan kong magisip isip. Kumakalma ako kapag nasa tabi ko s'ya.

Pinindot ko ang door bell at naghintay sa labas. Medyo malamig na kaya niyakap ko ang sarili ko.

"Sino ba 'tong gagong 'to? Gabing gabi na, nambubulabog pa--- ALLEN?!"

"Ang dami mong sinasabi," Dire-diretso akong pumasok sa loob.

"N-narining mo lahat?!" Gulat na tanong nito.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ko pabalik.

Umirap s'ya at pumasok sa kwarto n'ya. Maya maya ay lumabas s'ya ng may dalang kumot. Binigay n'ya ito sa akin at saka binuksan ang tv.

"Thanks," Bulong ko.

Tumango lang s'ya at ipinatong ang paa n'ya sa coffee table. Imbis na ibalot sa sarili ko ang kumot ay ibinalot ko ito sa kanya.

Mas nilalamig pa s'ya sa'kin. Eh, nakajacket na nga s'ya.

Nagulat ako ng bigla n'yang ibinalot sa'kin ang kumot. Parehas na kaming balot. Buti nalang at kasya kami doon.

"Ilabas mo na 'yang nasa dibdib mo," Sabi n'ya habang nakatingin sa tv.

"Bakit? Gusto mo bang kunin ang puso ko?"

Gulat n'ya akong tiningnan. Nakita ko ang onting pamumula ng pisngi n'ya.

Napangisi ako, gumana nanaman ang pagpapakilig ko. Three points!

"Basket player ka dati, diba?" Tanong n'ya.

"Oo, ako kaya ang pinakamagaling magshoot!" Pagmamalaki ko.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now