=24=

1 0 0
                                    

'Uwwwaaaaaaaaaaa!!!!'

'Mommyyyyyyyyy!!!!! No! Wahhh!!!!'

'Fuck, layo! Layo sabi, eh!!'

'I'm calling the police na talaga! AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!'

Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sarili ko na tumawa.

AHAHAHAHAHAH! Laptrip talaga si Sariah!

"Nakakatawa? Ha? Nakakatawa?! Muntik na akong atakihin sa horror house na 'yan!"

Someone's mad. Kinagat ko ulit ang ibabang labi ko at pinigilan ang sarili kong tumawa habang pinapanood ang video n'ya.

Sobrang higpit ng hawak n'ya sa'kin, wala s'yang planong pakawalan ang damit ko. Nalukot tuloy ng todo.

"Sorry na, babyyyy!! Atleast alam ko na ngayon na takot na takot ka sa mga multo," Sabi ko.

"Tse!" Sinungitan n'ya ako.

Ngumiti ako ng nakakaloko at lumapit sa kanya. Naka-pajama s'ya na kulay blue at amoy na amoy ko pa rin ang pabango n'ya.

Kinalikan ko ang neek n'ya mula sa likod kaya agad n'ya akong hinarap.

"No kisses, mister."

"Isa lang naman, eh," Hinalikan ko kaagad ang kanyang mga labi.

Hindi s'ya tumanggi at sinuklian n'ya lamang ang mga halik ko.

After our little kissing session, naghiwalay rin kami. Hindi ako pwedeng madistract sa trabaho ko.

Kinaumagahan, hinatid ko s'ya sa cafè as usual pagkatapos ay diretso na ako sa opisina.

"Good morning, sir. You have an appointment with the finance head today," Bati sa'kin ng aking sekretarya.

Napakuyom ang aking kamao. Tumango ako at hindi na nagsalita pa.

Pumasok s'ya ng may nakalololokong ngiti. Nakita ko silang magkasama ni Miya sa mall nung nakaraan.

"Good morning, Santos. Mukhang maganda ang umaga mo," Ngumisi ito at umupo sa upuan sa aking harapan.

"Walang maganda sa umaga ko dahil isang kumag ang una kong makakaharap," Sarkastiko akong ngumiti.

"Hindi ka pa rin pala nagbabago. Dapat ay turuan ka ng leksyon, hindi ba naituro sa'yo sa eskwelahan ang pagbibigay galang sa nakakatanda?" Ngumiti ng pilit sa'kin ang kumag.

"Kagalang-galang ka ba?" Tinaasan ko s'ya ng kilay.

Naramdaman ko ang namunuong galit n'ya. Tumawa ako at medyo nilapit ang mukha ko sa kanya.

"Tsaka, hindi ba't dapat ikaw ang bigyan ng leksyon? Siguro naman ay alam mo na nasa sampung utos ang bawal mangnakaw?"

Tumayo ako at tinapon sa harapan n'ya ang isang envelope, "Nand'yan na ang lahat ng kinakailangan mo."

Kinuha ko ang coat ko at lumabas.

Nagmartsa ako papalabas at pumunta sa kwarto kung saan gaganapin ang meeting ngayong araw.

Na-late ang head ng finance, matalas akong tiningnan nito. S'ya na ang susunod na magpe-present kaya hinanda ko na ang aking sarili.

Nang matapos s'ya ay nagsimula nang magsitanungan ang mga dumalo.

"How about the funds for next year?"

"Since we've been doing well this year, tumaas ang funds natin. Nasa mahigit 50 million ito," Sagot nito.

"I need an exact number."

Kunot-noo akong tiningnan ni kuya. S'ya ang nag-lead ng meeting ngayong araw.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now