=10=

4 0 0
                                    

Dahil bored ako, naisipan kong bisitahin si Caine sa ospital. Hehe. At syempre sinama ko ang side kick kong si Lia.

"Ay pusa!" Gulat na sabi ni Lia.

Tinuro n'ya si Peter at Caine na naghahalikan. Kadiri! Lumapit kami ng konti at hinanap ni Lia ang camera sa phone n'ya.

"Obobs! Bakit naka-on yung flash?!" Galit na sigaw ko.

Ang talino naman talaga ng side kick kong 'to!

"Whatever." Masungit na sabi ni Lia.

Hanep!

Napatingin kami kina Caine ng may tumikhim. Ngumiti ng alanganin si Lia habang ako ay tumingin sa kisame. Baka may mahanap akong ipis o butik. Tapos itatapon ko kay Lia :>

Tumawa si Peter. Natawa rin ako kaya siniko ako ni Lia. Mashaket 'yun, ah! Nagmartial arts kasi 'tong babaeng 'to dati. Tsk.

"T-tara, bansot. Gutom na ako." Hinatak ko ang side kick ko paalis.

Tawa kami ng tawa nang makalabas kami. Tiningnan namin ang picture. Nakakainggit amp! Nababakla ako.

"Sanaolllll!!!" Sigaw ni Lia.

"Baka lapitan tayo ng guard! Tara na!" Nakangising sabi ko.

Nagpaunahan kami papunta sa kotse ko. Iniwan n'ya ang kotse n'ya dahil ako na daw ang maghahatid sa kanya pabalik.

Pumunta kami sa isang fast food. Umorder ako habang si Lia ang naghanap ng mauupuan.

"Ow shit!" Bulong ko.

Nakita ko ang mga kaibigan ni Sariah na pumasok. At ang masama pa ay kasama rin s'ya!

Buti nalang at nasa dulo dulo na kami pumwesto. Pumunta sila sa second floor dahil marami sila. Mga pito o walo ata sila.

"Sino 'yun?" Tanong ni Lia.

"Crush ko."

"Oy! Narinig ko 'yon!! Yieeee!! Naoolll!!!" Bulong ni Lia.

Umiling ako at hindi na s'ya pinansin.

Pagkahatid ko kay Lia ay dumiretso na ako sa kumpanya namin. Nagresign na si Faye.

Nabuntis daw s'ya ng nobya n'ya. Mas lalo akong mahihirapan. Okay na 'to, atleast mas marami na akong time para sa trabaho. Since nagde-date na kami ni Sariah, hindi na ako kukulitin pa ni mom.

Hindi pa nga pala kami official. Napaisip tuloy ako kung papaano ko 'yon gagawin. Ang deal namin ni mom ay kapag naging KAMI at tumagal kami ng one month. Ibig sabihin, kailangan ko nang gawing official asap.

Nako naman. Ang dami kong iniisip.

"Sir, may meeting po kayo ng 3pm." Sabi ni Kate.

"Okay. Thanks." Sabi ko.

Tumayo ako at sinuot ang coat ko.

Pagkatapos noon ay puro appointments, reports, at papeles ang inatupag ko.

To: Sunget

Busy ka ba?

Pinaglaruan ko ang ballpen ko habang naghihintay ng reply.

From: Sunget

Oo

Pinikturan ko ang sarili kong naka-pout. Sinend ko ito sa kanya habang nakangisi. Ang gwapo ko kaya!

From: Sunget

ampanget.

Nawala kaagad ang ngisi ko. Kinuha ko ang laptop ko at mga papeles na hindi pa nasisimulan.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now