=1=

5 0 0
                                    

"Mmh! Mukhang masarap, ah!"

"Talaga!" Umirap si Val.

"MUKHANG masarap, wala akong sinabing lasang masarap." Ngumisi ako at umupo sa sofa n'ya.

"Parang ikaw, MUKHANG masarap lang."

"Awts!" Hinawakan ko ang dibdib ko na parang nasasaktan.

Busy sa pagluluto ang kambal ko kaya hinayaan ko nalang s'ya. Baka mabugahan ako ng apoy, nako.

"Kain na." Padabog n'yang nilapag ang mga plato sa mesa.

"Luh, what's the magic word again?" Nilingon ko s'ya.

"Kuya. Kumain ka na po, KUYA." Diniinan n'ya pa 'yung word na 'kuya'.

"Kuya ano?" Kinamot ko ang tenga ko, para inisin s'ya.

"KUYA VAN!" Inis na sigaw n'ya at kumain na.

"Very good, baby Val!" Hinaplos ko ang buhok n'ya na parang tuta.

Tinapik n'ya ng malakas ang kamay ko kaya napatawa ako. Pikon talaga.

Mas matanda ako sa kanya ng isang minuto. Gusto ko talagang inaasar 'tong kapatid ko dahil namumula s'ya pagnaiinis.

Parang si Lia, ang liit n'ya kaya ang sarap nyang asarin. Speaking of..

"Bansot!" Nakangisi ako kahit hindi n'ya naman ako nakikita.

Gabing gabi na at kagagaling lang namin ni Val sa layasan. Alam kong maiinis si Lia sa'kin dahil nga gabi na ng tinawagan ko s'ya.

"Oh?" Pagod na sagot n'ya.

"Luh, di ka nainis?" Nagpout ako at napairap si Val.

"Hindi. Obvious ba?"

"Hin--"

"Luh! Binabaan ako!!" Gulat kong tiningnan ang cp ko.

"Maghugas ka na, Van." Tumayo na si Val at umakyat sa kwarto n'ya.

Makikitulog muna ako ngayon dito sa condo ni Alenna. Naiistress ako sa bahay at lalo na sa condo ko.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at pagkatapos ay naghugas na ng mga pinggan.

Pinunasan ko ang pawis ko at pumasok sa guest room ni Val.

Nagshower ako at sinuot ang asul na oversized hoodie ko. Sinuot ko rin ang grey sweatpants na bigay ni mom kahapon.

Napabuntong hininga ako ng makita ang sangkatutak na emails ng mga sekretarya ko.

"Kate, nasayo na ba 'yung hinihinging papeles ni Mr. Baon kahapon?" Tanong ko sakanya.

Nagvi-video call kami through Skype. Nagjo-jot down ng notes si Faye, habang si Kate ay tinutulungan ako sa mga emails.

"Sir, eto na po ang schedule n'yo for this week." Sinend ni Faye sa email ko 'yon.

Napamasahe ako sa sintido ko. Fully packed ang schedule ko. Puro meetings ang mga iyon. Medyo maluwag ang weekend schedule ko.

Sakto, may paparty si Athena sa Sabado.

"Uhm, sir...?" Tawag sa'kin ni Kate.

"Oh?"

"Nagtext po si Mrs. Santos. May sinet up daw po s'ya na date with Miss Jhana Cortes."

"Okay, kaya pa bang isingit sa schedule ko?" Humikab ako.

"Pwede naman po, mamo-move nga lang po 'yung time ng appointment ni Mr. Baon." Sambit ni Kate.

"Okay lang. Sige, see you at work."

"Bye, sir." Paalam ng dalawa bago magoffline.

"Haaayyyy!!" Bumagsak ako sa kama ko.

Shinut down ko ang laptop ko at humiga na sa kama.

















"Good morning, sir." Bati sa'kin ng mga empleyado namin.

"Morning." Maikling bati ko.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang floor ng opisina ko. Pagkarating doon ay sinalubong ako ni Faye at binigay sa'kin ang kape ko.

Si Kate naman ay lumapit din sa'kin at binigay ang printed copy ng schedule ko para sa araw na 'to.

Pumasok ako sa opisina ko at nakahanda na ang mga papeles na pipirmahan ko. Napabuntong hininga ako at umupo na sa swiveling chair ko.

May kumatok sa pintuan ng opisina ko kaya pinapasok ko ito.

"Good morning!" Bati ni Miya sa'kin.

Sinet up na sa'kin s'ya dati ni mom, kaso hindi ko s'ya type. Masyado syang.. girly.

Tumango lang ako at hinipan ang kape ko. Umupo s'ya sa upuan na nasa harap ko. Nilapag n'ya ang isang lunch box sa desk ko.

Tiningnan ko 'yon. Anong gagawin ko dito?

"I heard na hindi mo naman kinakain ang mga pinapadala ko na food sayo so.. I came here to give it to you personally." Pabebe nyang sabi.

Huminga ako ng malalim. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay kapag may humaharot sa'kin sa trabaho.

"Binigyan na ako ng pagkain ni Val." I turned her down.

Binuksan n'ya ang bibig n'ya na parang may sasabihin s'ya pero sinara n'ya agad. Tumayo s'ya at agad na umalis sa opisina ko.

Napailing ako at in-adjust ang necktie ko. Nagsimula na akong magbasa ng mga papeles at contrata.

Napatingin ako sa relo ko, alas-dos na pala. Itinabi ko ang mga papeles na nasa harap ko. May meeting pa ako ng 4pm.

"Faye, bring me my lunch." Tawag ko sa secretary ko.

Maya maya pa ay kumatok na s'ya at nilapag ang lunch ko. Kinain ko 'yon at nagpatuloy sa pagpipirma.

"Sir, 3:30 na po." Kumatok si Faye.

Tumango ako at kinuha ang coat ko. Sinuot ko 'yon at sumunod kay Faye.

Pagdating ko ay nagsimula na kaagad ang meeting.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay pumunta ako sa office ng kaibigan ko, si Mike.

"Oh? Problemado ka, brad?" Natatawang tanong ni Mike ng makita ang itsura ko.

"Obvious ba?" Sumandal ako sa sofa n'ya.

"Slight lang." Tumawa s'ya.

"Tara inom tayo." Aya ko.

"Pass, pre. May meeting ako bukas ng umaga." Umiling s'ya.

"Sa Sabado nalang. May paparty nanaman si Athena." Sabi ko.

"Sige. Basta pakilala mo ako dun sa maganda mong kaibigan." Tinaas baba n'ya ang kilay n'ya.

"Sino dun?" Kunot noong tanong ko.

Imposibleng si Caine, minsan lang 'yun pumarty tapos di pa umiinom. Si Val, subukan lang n'ya. Siguro ay si Athena o si bansot.

"Yung Liana. Grabe, pare, sikat pala 'yon?"

"Sus, 'wag na! Kano ang gusto nun!" Umiling ako.

"Sige na!" Pagpupumilit ni Mike.

Sa huli ay pumayag ako, bahala s'ya sa buhay n'ya. Masyadong pa-fall ang babaeng 'yun. 'Yung tipong ang bait bait n'ya sayo, kakamustahin ka n'ya araw araw tas ife-friend zone ka lang n'ya.

Sakit nun, brad!

Kumain kami sa labas ni Mike. Nakakatamad magluto. Natrapik tuloy ako pauwi sa condo ko. Hanep.

Pagkauwi ay nagshower ako. Naka-topless ako at sweatpants lang. Hindi makakapag-skype sila Kate at Faye kaya mag-isa akong nagtrabaho.

May date pa pala ako bukas. Tch. Natulog ako ng maaga para mukha akong fresh.

Hayy, buhay.



























♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now