=35=

1 0 0
                                    

"Cafè? You want a freakin' cafè?!"
Tinakpan ko ang tenga ko sa lakas ng sigaw ni Kate. Simula nang umalis kaming tatlo sa kompanya ay biglang naging amazona ang babaeng 'to. Tss.

"Ano namang problema kung magtatayo si Allen ng sarili n'yang cafè? Abno," Sumipsip sa shake n'ya si Mike.

"Tsk. I-I just thought na.. mas gugustuhin n'yang tumayo ng sarili n'yang kumpanya, 'no? Nagulat lang ako!"

"Pa'no 'yung gulat?"

"YOU are so annoying! Nakakainis kang kausap, you know?" Umirap si Kate.

"Tumigil na nga kayong dalawa," Saway ko sa kanila.

Agad naman silang tumahimik kaya nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng inorder ko.

Inaya kami ni Mike na kumain sa bagong resto na ito. Masarap naman ang pagkain kaya oks na ako dito.

Si Kate lang ang dada ng dada dahil gusto n'ya raw sa Korean Grill. Daming alam.

Umayaw naman si Mike dahil hindi daw s'ya marunong mag-chopsticks.

Napailing ako doon dahil marunong naman talaga s'yang magchopsticks. Gusto n'ya lang talagang asarin ng asarin si Kate.

Inaya pa kami ni Mike na mag-arcade kaso ay tumanggi ako. May kailangan pa akong gawin. Kaya silang dalawa nalang ang pupunta roon.

Pagsila nagkatuluyan, tatawa talaga ako ng pagkalakas lakas.

Napangisi ako sa naiisip ko at saka nagmaneho. Pagkarating sa pararoroonan ko ay pinark ko ang kotse ko.

Pinindot ko ang door bell at bumukas naman kaagad ang gate.

"Good afternoon, sir. Welcome back!"

Ngumiti lang ako at dire-diretsong pumasok sa loob.

"ANAAAAKKKKKK!!!"

Akala ko ay inatake ako ng isang malaking elepante. Si mom lang pala.

"M-ma.. hindi ako m-makahinga.." Nanghihinang sabi ko.

"Oh, I'm so sorry! Namiss kasi kita ng sobra, baby Allennnnn!!" Pinsil pisil n'ya ang pisngi ko.

Jusme. Tulungan n'yo ako.

Nang matapos na si mom sa kayayakap at pisil sa mga pisngi ko ay pinaupo na n'ya ako sa sofa.

Napangiti ako at dinausdos ang katawan ko sa sofa. Ang lambot!

"Allen, hindi ka na bata. Ayusin mo ang upo mo," Saway ni kuya.

Napatingin ako agad sa kanya. Bakit s'ya nandito?

"Parang nakakita ka ng multo? Gulat na gulat? Bawal na ba akong mag-day off?" Sunod-sunod na tanong n'ya.

Wala naman akong sinabi, ang dami n'ya nang sinabi. Tss. Manang-mana sa kanya si Valerie.

"Anthony, Allen, I made dessert!" Anunsyo ni mom.

Nagkatinginan kami ni kuya bago kami nagunahan papunta sa dining area. Nauna ako kaya malawak ang aking ngisi.

Kumuha ako ng isang malaking serving ng banana sundae. Hehe.

May kompetisyon kasi kami. Nung mga bata pa kami ay nagpustahan kami, kung sino ang mauuna sa hapagkainan ay makakakuha ng pinakamaraming serving.

Salitan lang kami ni kuya ng panalo dahil mabagal si Val tumakbo. Hindi naman talaga kailangang tumakbo, dahil napapagalitan kami.

Madalas kasi ay hindi namin naririnig na tinatawag na pala kami kaya naman ang unang makarinig ang parating nananalo.

Iyakin ang kakambal ko kaya kapag nananalo ako ay kailangan ko s'yang hatian parati. Lalo na si kuya, kailangan n'ya kaming bigay dahil pareho kaming iiyak ni Valerie. Hahahahah!!

Nung medyo mature na kami ay tsaka lang naging patas ang laban. Bawal ang umiyak. Dapat may sportsmanship ka, syempre. Pagnatalo, edi natalo. Pwede pa namang bumawi next time, eh!

Natawa ako habang inaalala ang mga masasayang alala sa aking isipan. Parang kahapon lang nung very first day of school ko. Hahahah, naihi pa ako sa shorts ko noon sa kaba. Buti nalang may diaper ako noon dahil alam na ni mom na baka nga may mangyari.

"Kumpleto sana tayo kaso.. masyadong busy ang bunso," Tumawa si kuya.

Natatawa akong sumangayon.

Pagkatapos kumain ay naglaro kami ni kuya sa playstation n'ya. Hindi naman ako mahilig sa ganoon kaya parati akong natatalo ni kuya.

"Lose streak tayo, ah?" Mayabang na komento ni kuya.

"Tss. Akala mo lang!" Ngumisi ako.

Oha! Nanalo ako!!

"Sinwerte ka lang! HAHAHAHA!" Pangaasar ni kuya.

"Hindi kaya! Maglaro tayo ulit, para mapatunayan ko sayo," Aya ko.

"Sige ba," Ani kuya.

Matapos naming maglaro ay nagpahinga na si kuya. Kailangan n'ya na daw matulog.

Bumaba ako at nakita si mom na nagbabasa ng magazine. Lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya. Agad n'ya namang binalik ang yakap.

"Bakit, baby?" Tanong ni mom.

"Uh.. k-kailangan ko po kasi ng tulong n'yo.." Kabadong sabi ko.

Ngumiti si mom at tumango kaagad, "What is it ba?"

"M-may alam po ba kayo na lugar kung saan magandang tumayo ng coffee shop?"

Nilagay ni mom ang kamay n'ya sa baba n'ya at nag-isip.

"Ah, I remember now! I know a place!! It's perfect for a small cafè," Ngumiti ng malapad si mom.

Napangiti rin ako. Agad na ikwenento sa'kin ni mom ang tungkol dito.

May kaibigan daw s'ya na may maliit na bakery sa BGC dati. Ngayon ay may nakuha na silang mas malaki at magandang pwesto kaya nilipat na daw nila iyon doon. Medyo matagal na rin daw at binebenta na nila ang pwestong iyon.

Pinakita sa'kin ni mom ang itsura ng lugar na iyon. Mukha s'yang maliit na bahay, ang cute. Ang cute rin ng designs at bright ang kulay. Kakailanganin lang naming medyo baguhin ang disenyo at itsura nito. Glass ang walls kaya hindi na kami masyadong mahihirapang magpinta.

Kinontak agad ni mom ang kaibigan n'ya. Buti nalang at wala pang nakakakuha ng pwestong iyon. Ayos.

Kinabukasan ay nakipagmeet ako kina Mike at pinuntahan namin ang lugar na iyon. Mas malaki ang loob n'ya kesa sa inaakala ko. Mukhang onting pagbabago lang ang kailangan naming gawin.

Pinapunta ko ang kakilala kong engineer at architect, pinagusapan namin ang mga gusto naming pagbabago sa lugar, mga gusto naming tanggalin at idagdag.

Ang napagkasunduan naming kulay sa loob ay white at light brown.

Sa labas naman ay si Kate na ang nagdecide. Pagkatapos noon ay nahiwa-hiwalay na kami ng mga daan.

Pagod akong umuwi sa condo ko. Napangiwi ako at umupo sa sofa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay na wala na s'ya sa tabi ko.

Hindi matanggap ng puso't isipan ko. Bumuntong hininga ako.

Bukas na...














Happy fourth-monthsary.





































♡♡♡

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now