=33=

2 0 0
                                    

"Ramon's been imprisoned. Good job, son! And about Miya, the trial is still ongoing."

Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sinasabi ng aking ama. Wala nang silbi pa.

"How about a dinner with the board director, son? You'll soon be promoted as the Co-CEO! My two sons, running the company I have protected and cherished, nothing makes me prouder!" He patted my back.

My mom is looking at me with a smile on her face. I smiled at her forcefully.

Mahigit dalawang buwan na rin pala. Sariah.

Nagtago si Ramon ng malaman n'yang hinahanap na s'ya ng mga pulis. Nang mahanap na s'ya ay tsaka lang nagsalita si Miya. Ngayong nakulong na s'ya ay medyo napayapa na ako.

Ngumiti ako ng mapait. Naalala n'ya pa kaya ako? Mahal n'ya pa ba ako?

Naalala ko ang mga pinagsamahan namin. Hindi ko s'ya kayang pakawalan. Hindi ko iyon magagawa. Mali, hindi ko gagawin. Hindi ako susuko sayo. Sa atin.

Hindi kita iiwan. Hindi kita papabayaan. Mamahalin kita hanggang dulo. Iyon ang pangako ko sa iyo.

"Allen, are you listening?"

Napatingin ako sa aking mga magulang. "S-sorry, I was--"

"You need to focus on work, Allen Vance. As I said earlier--"

"I'm tired, dad. Can we talk next time?" Magalang na sabi ko.

"Su-sure, sweetie," Ani mom.

"Thanks, mom. I'll get going now."
Tumayo ako at hindi na hinintay pa ang sasabihin nila. Huminga ako ng malalim bago naglakad papalabas ng opisina.

Pagkaupo ko sa driver's seat ay pinatong ko ang noo ko sa manibela. Pumikit ako ng mariin at nanatili sa ganoong posisyon ng ilang minuto.

"Ngayon na ba.. ang tamang panahon?"

Tumingin ako sa building ng kompanya namin. Kitang-kita ko ang mukha at pangalan ko sa screen nito.

"Tss. Wala naman talagang tamang panahon."

Inistart ko na ang makina ng kotse ko at nagmaneho papaalis.

Pagkapasok ko sa condo ko ay agad kong hinubad ang aking damit at naglakad ng top less sa loob.

Nakasanayan ko na ito dahil mag-isa na ako.. ngayon.

Bumuntong hininga ako at kumain mag-isa ng dinner. Nakakabagot.

Nagulat ako ng biglang tumunog ang door bell.

Sapilitan akong tumayo at naglakad papunta sa pintuan. Nagulat ako ng makita kung sino ito.

"Caine, napadalaw ka?" Gulat na usal ko.

"Tss. Magdamit ka," Hindi n'ya ako tiningnan at dire-diretsong pumasok.

Hindi man lang nagbago ang babaeng 'to. Sinara ko ang pintuan at pumunta sa kwarto ko. Sinuot ko ang hoodie ko na kulay puti bago lumabas.

Nakaupo s'ya sa sofa, prenteng prente pa!

"Gabi na ah, hindi ka ba hinihintay ni Lucas?" Tanong ko.

"Nagover time s'ya kaya mag-isa lang ako. Naging busy na rin kasi sa ospital. I came here to tell you that... I'm engaged." Ani Caine.

Ngumiti ako sakanya, "Congrats! Magiging ninong na ba ako?"

"Tss. Ni-magdate nga ay hindi namin magawa, bata pa kaya?" Umirap ito.

Hala, s'ya! HAHAHAHAHA!

"Chill lang, eto naman," Natatawang sabi ko.

"Napatawa rin kita sa wakas. Wala ka parin bang balita kay Sariah?" Tanong ni Caine.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now