=15=

3 0 0
                                    

"Blooming tayo, ah," Bumeso ako kay Czarina.

"Of course! Iba talaga pag may inspiration," Sabi nito.

"Let's go inside na," Aya ni Paula.

They are my bestfriends. Hindi ako palakaibigan dahil medyo masungit ako. Kung hindi dahil sa kakulitan ni Rina, hindi kami magiging magkakaibigan.

Kung sinu-sino ang binabati nila, mostly Paula. Nagmo-modeling s'ya at medyo sikat na rin s'ya ngayon.

"Alenna, you look georgous!" Napataas ang kilay ko ng marinig ko ang isang pamilyar na pangalan.

Czarina was hugging a girl wearing a pink dress. Naka-curl ang buhok n'ya at nakasuot s'ya ng heels.

"Thanks, long time no see, ah!" The girl giggled.

Lumapit ako sa kanila to get a closer look on the girl. Hindi na ako nagulat ng makitang si Val nga iyon.

"Oh, hi, Sariah!" Kumaway sa'kin si Val.

"Magkakilala pala kayo? What a small world!" Gulat na tanong ni Czarina.

"Let's unpack our things first," Aya ni Paula.

Nauna na akong tumalikod at naglakad papunta sa elevator. Sumunod si Paula at nahuli si Czarina.

"Paano kayo nagkakilala?" Tanong ko.

"We were classmates in high school. Sobrang talino n'ya, ang kalaban in academics ay si Caine. They get along naman since they're good friends. Gusto ko ngang sumali sa group nila, eh, it looks fun. Sobrang close nila ng kapatid n'ya na si Al--"

Naputol ang pagke-kwento ni Czarina ng biglang bumukas ang pintuan ng elevator.

Nasa iisang kwarto kami ni Czarina habang nasa kabila si Paula. Solo n'ya 'yung bed! Hindi naman kami magkatabi ni Czarina dahil tig-isa kami ng higaan, pero mas malaki 'yung kay Paula.

Natulog ako pagkatapos mag-ayos ng gamit. I'm so tired!

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. I slightly opened my eyes and saw Czarina looking for something inside her bag.

"Did you lose something again?" I yawned.

Naiiyak n'ya akong tiningnan. Earlier sa airport, naiwan n'ya 'yung bracelet n'ya. Makakalimutin talaga s'ya.

"My sunglasses! Huhuhu! It was brand new pa naman," She stared hopelessly at her bag.

"Baka naman nalaglag mo sa baba. Tara, I'll help you find it," Tumayo ako at tinali ang buhok ko.

Pinunasan n'ya ang mga luha n'ya at sumunod sa'kin. Para s'yang tutang nawawala.

Maraming bumabati kay Czarina pero hindi n'ya sila pinapansin. Masyado s'yang nagaalala para sa sunglasses n'ya.

"Hayy, let's give up nalang--"

"Czarina!"

Sabay kaming napalingon sa tumawag kay Czarina. Val was now wearing a white tank top and high waisted shorts. Naka-messy bun ang buhok n'ya.

Inabot n'ya kay Czarina ang sunglasses na hamak n'ya.

"Nalaglag mo kanina. Hindi ko naman alam kung saan ang room n'yo, kaya hindi ko naibalik," Sabi nito.

"Thank you so much!" Niyakap n'ya ang sunglasses n'ya.

Tumawa si Val at kumaway bilang senyales na aalis na s'ya. I pursed my lips before following her.

"Hey, where are you going?" Tanong ni Czarina.

"May bibilhin lang ako!" Sagot ko.

Dahil lumingon ako ay hindi ko na nasundan pa si Val. Tsk. Nilibot ko ang buong area pero hindi ko s'ya mahanap.

Not My Type (Dream Team Series#2)Where stories live. Discover now