Maxx: Bro, may gig kami mamaya, malapit sa condo mo
Allen: oh, tapos?
Maxx: Sama mo bebe mo ;)
Napailing ako. Magpapareto nanaman 'to. Mas malala pa 'to sa'kin sa landian.
Allen: bakit?
Maxx: Birthday ni kenneth, maraming puds
Allen: g
Dapat nilinaw n'ya agad. Susunduin ko na si Sa-- teka..
Allen: pa'no mo nalaman ang tungkol kay sariah?
Maxx: AHAAAA!! Sariah pala, ah? Nakita ko kayo nung isang araw sa bar sjsjsjsj
Napailing ako, kung saan-saan napapadpad ang taong 'to.
Nagbihis ako ng mas komportableng damit bago sinundo si Sariah. Ayos na kami ngayon.
"Good afternoon, sir. Nasa kusina pa po si ma'am," Bati sa'kin nung cashier.
"Okay, thanks," I gave her a small smile.
Tumabi ako sa gilid ng counter para hindi maistorbo ang mga bumibili. Maya-maya pa ay lumabas na si Sariah, naka-off shoulder s'ya at high waisted jeans.
"Oh, nandito ka pala," Lumapit s'ya sa'kin.
"May pupuntahan tayo," Sabi ko.
"Sa'n naman?" Kunot-noong tanong n'ya.
"Sa Jollytown," Sarkastikong sagot ko.
Binatukan n'ya ako at tinaboy, may gagawin pa daw s'ya. Umupo ako sa isang bakanteng table. Tamang scroll lang sa fb tas share ng memes.
"I'm done, let's go?"
Napaangat ang tingin ko kay Sariah. Tss, nagre-touch pa ng make-up.
Tumayo ako at sabay kaming naglakad papalabas. Pagkarating sa kotse ko ay pinagbuksan ko s'ya ng pintuan.
"Naks, duma-damoves," Tumawa s'ya ng mahina.
"Pilingera ka lang," Nakangising sabi ko.
Masama n'ya akong tiningnan bago malakas na sinara ang pintuan ng kotse ko.
Pumunta ako sa driver's seat at ini-start ang makina. Nakatingin lang si Sariah sa labas. Ang sama pa ng tingin n'ya sa mga tao sa labas, akala mo naman ay may ginawang masama sa kanya.
Napansin kong nakapatong sa binti n'ya ang isa n'yang kamay kaya kinuha ko 'yon. Gulat n'ya akong tiningnan.
"H-hoy, anong g-ginagawa mo?" Naiilang n'yang tiningnan ang mga kamay namin.
"Holding your hand?" Sagot ko.
Pilit n'yang hinihila ang kamay n'ya pero hindi ko 'to pinapakawalan.
"N-namamawis na ang kamay ko, oh!" Pilit pa rin n'yang binabawi ang kamay n'ya.
"Ah, okay," Walang pakeng sagot ko.
"Alleeennnnn," Inis na sabi ni Sariah.
I chuckled at her actions, para s'yang bata. Hindi ko binitawan ang kamay n'ya hanggang sa makarating kami sa birthday party ni Ken.
Bumaba ako at pinagbuksan s'ya ulit ng pintuan. Inirapan n'ya ako at naunang naglakad papasok.
Natawa ako ng onti sa inaasta n'ya. Sinundan ko s'ya papasok.
"Oy, Allen! Pakilala mo naman ako d'yan sa chick mo," Inakbayan ako ni Kenneth.
"Off-limits 'yan, p're," Nakangising sabi ni Max.
![](https://img.wattpad.com/cover/230513404-288-k149521.jpg)
YOU ARE READING
Not My Type (Dream Team Series#2)
RomanceAllen bumps into a cafe owner while he was on his way to a date that was set up by his mom. Little did he know, that girl would change his life. Welcome to the Book 2, peeps!♡ Have fun!