EULIII1

2.3K 56 21
                                    

-

"Eul... you're impossible... you can't be dead."

-

Third Person's POV

"Sinusubukan naming hingin ang panig ng ME Group ngunit wala pa silang tugon---" matapos marinig ang nakagigimbal na balita ay nanginginig na umupo si Sheena sa couch ng opisina ni Eul sa ME Center Building. Ilang sandali lang ay sunod-sunod na ang tawag sa telepono sa lamesa ni Eul.

Hindi niya na napigilan ang mga masasaganang luha na pumatak mula sa kaniyang mga mata. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Skyrus na hinahabol ang hininga at pawis na pawis. Pumasok siya sa opisina ni Eul at mabilis na sinarado iyon. Narinig pa ni Sheena ang walang tigil na tunog ng sangkatutak na telepono sa labas ng opisina ni Eul.

Mariing napasabunot si Sheena sa kaniyang buhok at humagulgol na. "What happened?!" Pigil ng luha at hikbi ni Skyrus. Kita pa sa kaniyang mga mata ang pamumula maski na rin ang kaniyang buong mukha.

"Hindi ko alam..." wasak na pagkakasabi ni Sheena at mas lalong humagulgol.

"This can't be happening..." Sabi ni Skyrus na nakatitig sa kawalan. Sa pagkakataong ito, unti-unti nang rumerehistro sa kaniyang utak ang balitang ayaw niyang tanggapin.

"No... this can't be happening..." sabi pa muli nito at umiling-iling na. Tuluyan na ring pumatak ang kaniyang mga luha at nawalan ng balanse kaya't sumandal siya sa lamesa ni Eul.

"Sheena... it's impossible... magkasama sila ni Kean diba?" Mahina ngunit punong-puno ng bigat na pagkakasambit ni Skyrus.

"No..." sagot ni Sheena habang umiiling. "Pinauna niya si Kean kanina..." dagdag pa nito. Pumikit siya ng madiin at muling nagsalita. "Kinuha niya yung kotse niya tapos umalis na... binalak pa namin siyang samahan at sundan pero pinagbawalan niya kami..." hindi buong paliwanag nito.

"Fuck! Ang tigas talaga ng ulo!" Biglang bulyaw ni Skyrus sabay bagsak ng kaniyang kamay sa lamesa. "Alam na ba 'to ni Kean?" Dagdag pa niyang tanong.

Kumibit balikat na lamang si Sheena dahil na rin sa bigat na nararamdaman. Hindi niya mapigilang hindi sisihin ang sarili dahil sa nangyari. Inaako niyang isa siya sa may kasalanan kung bakit nangyari ang ganoong kapangit na kapalaran.

Ayaw niyang tanggapin ang sinapit ng kaibigan. Ayaw niyang maniwala. Ayaw niyang paniwalaan ang balitang narinig. Saglit pa siyang natulala habang humihikbi nang biglang magsalita si Skyrus.

"Sheena, stay here... don't say anything to the press..."

-

"---Kasalukuyan pang hinahanap ng coast guard ang labi ng nasabing negosyante kasama ng isang piloto at dalawang crew ng nasabing eroplano---" matapos marinig ang balita ay mabilis niya itong sinapawan ng malalakas na halakhak.

"Hindi ako nagkamaling sayo ako nagtiwala..." dugtong nito sa kaniyang tawa. Tinignan lamang siya ng misteryosong lalaki.

"Everything happens according to our plan..." dugtong pa nito. Maya-maya'y sumenyas siya kay Paulo at naintindihan naman ito ng huli. Binigay ni Paulo ang cheke kay Miles.

Kinuha iyon ni Miles at pumirma. Tinitigan niya pa ang misteryosong lalaki bago pinunit iyon. "And for the last payment..." sabi niya pa sabay lahad ng papel. "Nilagyan ko na ng tip... para sa maayos mong pagtatrabaho..." huling sabi pa nito bago kunin ng misteryosong lalaki ang kapiraso ng papel at mabilis na kumilos bago lumabas.

"I like that boy... malinis kumilos..." Si Miles sabay baling kay Paulo. "Job well done... abot-kamay ko na ang ME Group..." turan pa niya sabay umiiling-iling na tumawa.

-

"Babe..." pagtawag ni Cassey sa ngayon ay naglulutong si Kit habang siya ay bumababa ng hagdan. Kinukusot niya pa ang kaniyang mga mata. "Anong niluluto mo?" Malambing niyang tanong sa nobyo sabay yakap dito patalikod. Naaamoy niya pa ang masarap na niluluto nito.

"Caldereta babe... favorite mo..." malambing ding tugon ni Kit sabay marahang halik kay Cassey. Kababangon lang nito mula sa mahimbing na pagkakatulog. Sa pagod ay tanghali na siya nagising. Masaya siya na ngayon ay nagising siya at binungaran siya ng mahal niyang si Kit---na bihira mangyari dahil sa trabaho niya. Kumuha siya ng baso at pinuno iyon ng tubig.

"Upo ka muna babe... hayaan mo 'kong pagsilbihan ka..." huling sabi pa ni Kit bago mapukaw ang atensyon nila sa tunog ng telepono ni Kit.

"Babe, di ko masagot... ikaw na..." pakiusap niya sa nobya at tumalima naman ito. "Jigs." Basa niya sa tumatawag. Nang masagot ay nilagay niya sa loud speaker ang tawag.

"Kit! Kit! Panoorin niyo yung balita! Now!" Malakas na bungad ng nasa kabilang linya at mabilis itong pinatay. Nagtinginan pa ang magkasintahan at nagkibit-balikat.

Dala ang basong puno ng tubig, binuksan ni Cassey ang telebisyon at bumungad sa kaniya ang balitang gumulantang at sumira sa kaniyang napakaganda sanang araw. Narinig pa ni Kit ang pagkabasag ng basong nabitawan ni Cassey na pumukaw sa kaniyang atensyon.

"---Ayon sa coast guard, binabaybay ng eroplano ang karagatan ng Mindoro nang ito ay biglang sumabog, nag-crash at mabilis na nilamon ng tubig---"

-

"Miss, bakit parang ang hina ng signal ko dito?" Tanong ni Kean sa babaeng nasa counter pagbaba niya mula sa kaniyang kwarto patungo sa lounge ng Sicogon Private Island Resort na pagmamayari ng ME Group.

"Ah... sir, sorry for the inconvenience, under maintenance po kasi yung tower..." paliwanag nito. Tumango-tango nalang si Kean sabay ikot ng paningin sa napakagandang resort. Tinignan niya pa ang kaniyang relo. Pasado alas dose na, wala parin ang kaniyang asawa.

"Sige... thank you!" Sabi niya nalang at naglakad na. Di pa nakakalayo sa pwesto nang mapatigil siya dahil sa kasalukuyang naririnig sa radyo.

"---Isang araw matapos ang kaniyang kontrobersyal na kasal, ang negosyante ay nakatakdang lumipad patungo sa ME Group's Sicogon Private Island sa probinsya ng Iloilo, kung saan kasama niya dapat ang kaniyang asawa na si Kean Pangilinan upang ipagdiwang ang kanilang honeymoon---"

-

Huminga siya nang malalim bago tuluyang umapak sa labas ng paliparan ng Pilipinas. Bakas parin sa kaniya ang mugtong mga mata mula sa walang tigil na hagulgol.

Hinihintay niya si Kevin na kinukuha ang kaniyang kotse mula sa pagkakaparke nito.

Nakita niya pa ang mga titig sa kaniya ng mga taong sa tingin niya ay bahagyang nakilala siya bilang sikat na modelo. Ilang saglit pa ay dumating na si Kevin. Lumabas pa iyon para tulungan siyang maipasok lahat ng kanilang mga bagahe sa kotse.

Nang makapasok sa kotse ay agad na tinanggal ni Spiro ang kaniyang salamin at sinandal ang ulo sa upuan. Pinilit niya pang magpaubaya sa antok ngunit ilang minuto palang mula nang siya ay pumikit, binuhay nanaman siya ng nakagigimbal na balita sa radyo.

"---Nagbabagang balita, patay si ME Group of Companies Chairman Eul Justine Espinosa matapos sumabog ang private jet na sinakyan niya patungo sa pagmamayaring resort ngayon lamang tanghali---"

"WTF?!" Sigaw niya sa narinig. Maski si Kevin ay hindi makapaniwala sa hindi nakatutuwang balita.

"Tangina! Bilisan mo!" Baling na sigaw ni Spiro sa kaibigan dahil sa hindi alam na gagawin.

Kung titignan ay pagod na ang sariling mga mata kalalabas ng luha ngunit sa panibagong kamalasan ay hindi ito nagatubiling magpigil.

Lumuluha pa siyang bumulong sa hangin.

"Eul... you're impossible... you can't be dead."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon