EULIII15

640 31 13
                                    

-

"Masarap 'yan mahal... mage-enjoy tayo pareho..."

-

Third Person's POV

"Men, huling araw na ngayon..." pagkuway na sabi ni Kit sabay umakbay kay Spiro. Naglalakad sila ngayon palapit sa kinalalagyan ng mga bangka upang sumampa.

Hindi sumagot si Spiro kaya't muli siyang nagsalita. "Sabi ni Kap Montes, pag di parin nakita si Eul ngayon, titigil na yung search..." dagdag pa nito.

Naririnig siya ni Spiro ngunit di na ito kumibo. Walang emosyon siyang sumampa sa bangka at tumungo sa unahan nito upang titigan ang napakalawak na karagatan.

Huminga pa siya nang malalim at marahang pumikit. Ito na ang huling araw ng operasyon para hanapin si Eul.

Huli na ngunit hanggang ngayon ay wala parin silang nakikitang bakas ni Eul o ng nawawalang eroplano at iba pang mga tauhang lulan nito.

Hindi niya mapigilang hindi malungkot dahil sa dalawang linggong paghahanap ay bigo parin silang makita si Eul. Ayaw niyang mawalan ng pagasa na mahanap ang huli dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, malakas ang kutob niyang buhay parin ito.

"Tumigil man sila, hindi ako susuko sa'yo... Eul..."

-

Nakatitig sa kawalan, pilit niyang iniisip ang nangyari isang linggo na ang lumipas.

"Welcome to Deep 16, Mr. Miles Espinosa..."

Iginala niya ang kaniyang paningin sa buong elevator habang dinarama ang paggalaw nito. Hindi niya mawari kung ito ay dinadala siya pataas o pababa.

Ilang saglit lang ay bumukas na ang elevator at bumungad sa kaniya ang madilim at malawak na espasyo. Dahan-dahan siyang lumabas at naglakad upang kilatisin ang palapag.

May kung anong tunog na hindi pamilyar siyang naririnig. Hinanap niya ang pinanggagalingan noon. Hindi man makita ang dinaraanan, sinundan niya ang kaniyang pandinig.

Palakas nang palakas. Palapit siya nang palapit at sa wakas ay nakita niya ang tila pulang tuldok na matingkad na ilaw. Mas mabilis niya itong tinakbo at wala sa wisyong hinawakan.

Ang kaninang dilim ay mabilis na nagliwanag. Tumambad sa kaniya ang sangkatutak na mga makinarya na pinagtaka niya.

Tatlong katok mula sa pinto ng opisina ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan.

"Mr. Chair..." sabay pasok ni Paulo. Si Miles ay muling tumitig sa kawalan at puno ng takang nagtanong.

"Sigurado ka bang nasa ME Special Security Agency Headquartes ang Deep 16?" Sabay umupo sa kaniyang upuan.

"Parang may mali eh..." dagdag pa niya sabay tumingin kay Paulo at sinserong nagsalita.

"Kung ano man yung napasukan ko, hindi 'yon ang Deep 16..."

-
"---ganap nang natapos ang search and rescue operation ng PCG upang hanapin ang mga taong lulan ng sumabog at lumubog na pribadong eroplano ng ME Group of Companies."

"Idineklarang missing persons ang mga taong sakay nito kabilang na ang mayari ng nasabing kompanya na si Eul Justine Espinosa---"

Napako ang kaniyang atensyon sa telebisyon at napatitig na lamang habang hinahatak ng malalalim na kaisipan.

"Sige, ipasok niyo nalang dito..." Rinig pang sabi ni Sheena pagpasok sa opisina ni Eul. Bumungad sa kaniya si Kean na ngayon ay nakaupo sa couch at marahang nagiisip.

Nakasunod kay Sheena ang dalawang lalaking buhat ang kwadradong balot na balot ng makapal na papel. "Mr. Pangilinan..." pagtawag ni Sheena kay Kean na pumukaw sa atensyon nito.

"Kararating lang ng wedding portrait niyo ni Eul..." dagdag pa ni Sheena. Si Kean naman ay tumayo at naglakad palapit dito at mabilis na tinanggal ang balot nito.

Bumungad sa kaniya ang litrato nila ni Eul na parehong masayang nakatitig sa kamera. Kinapa niya pa ang bandang mukha ng asawa at hindi napigilang hindi humikbi.

Nakita iyon ni Sheena kaya't agad niyang niyaya ang mga lalaking lumabas na ng silid.

Naiwan muli sa loob si Kean na puno ng lungkot ang puso. "Eul..." mahina at durog niyang pagkakabigkas.

Lumapit pa siya lalo sa litrato at marahang hinalikan ang labi ng asawa mula rito sabay nagpakawala ng saloobin sa hangin.

"I'm sorry... I'm really sorry..."

-

"Mr. Villafuerte... we're sorry but this is where it ends..." sabi ng isang otoridad sabay kinamayan nang mahigpit si Spiro.

Tinanggap nalang ito ng huli at walang emosyong tumango. Sumulyap pa siyang muli sa madilim nang dagat sabay dinama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa kaniyang balat.

Bagsak ang balikat na naglakad si Spiro patungo sa sasakyan. Sinusundan lamang siya ng nga kaibigang sina Jigs, Kit at Kevin na hindi na tinangkang kausapin siya.

Pagpasok sa kotse ay doon niya pinakawalan ang galit ng pagkadismaya. Bahagya niya pang nasuntok ang manibela na nagsanhi ng sunod-sunod na busina nito.

"Fuck!" Sigaw niya pa. Ang mga kaibigan naman ay nanatiling tahimik at pinakikiramdaman si Spiro.

Hindi rin nila masisisi ang kaibigan sa nararamdaman nito dahil narin sa panahong nilaan niya para mahanap si Eul. Masasabing walang kapantay ang ginawa niya para lang sa huli.

Marami ring nagbago sa kanilang kaibigan magmula nang nawala si Eul. Lumalim ang mga mata dahil sa walang maayos na tulog, nangitim pa ang balat dahil sa sobrang tirik na sinag ng araw at maski ang marahang pagpayat nito dahil sa walang maayos na oras ng pagkain.

Matapos ng ilang minutong pananahimik, sa wakas ay pinaandar na nito ang sasakyan at minaneho patungong resort.

-

Nagising muli si Eul sa parehong sitwasyon. Nahihilo, mabigat ang ulo at nanlalabo ang paningin. Unti-unti niyang nararamdaman ang paligid.

Hindi niya man agad na maigalaw ang kaniyang ulo upang makita ang taong nakayakap sa kaniya ngayon, sapat na ang sama ng loob upang matukoy na si Itchan ito.

Parehas silang walang saplot at nagkakaniig ang parehas nilang maiinit na mga balat. Ilang saglit pa siyang napatitig sa kawalan nang biglang kumislot si Itchan.

Napansin nitong gising na si Eul kaya't agad na umayos ng dapa upang patungan si Eul at halikan ito sa labi.

"Mahal... may regalo ako sa'yo..." sabi pa niya sabay masayang tumayo para kuhain iyon sa sariling bag na nakapatong sa lamesa.

Nang makabalik ay muli siyang pumatong kay Eul sabay hinalikan ito. Binuka niya pa ang panga ng una upang ipasok ang sariling dila.

Naramdaman ni Eul na may kung anong nilagay si Itchan sa kaniyang bibig. Hindi niya ito mailuwa dahil narin sa kawalang kontrol sa sariling katawan.

"Masarap 'yan mahal... mage-enjoy tayo pareho..." huling sabi ni Itchan sabay dinuraan ang bibig ni Eul at pinalunok ang pinainom dito.

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon