EULIII31

592 32 38
                                    

-

"But I don't know what happened... you've changed... a lot... and it's not good for us..."

-

Third Person's POV

"Live mula dito sa Batangas kung saan inilapag na ng dalawang malalaking cranes ng PCG ang pribadong eroplanong sinakyan ng negosyanteng si Eul Justine Espinosa na halos isang buwang hinanap."

"Makikita sa likod ko ang lasog-lasog na eroplano at bahagya nitong nasunog na mga parte. Kasalukuyan paring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad at pinagbabawalan parin ang media na pumasok sa loob ng dilaw na tali."

"Ngunit ayon sa panayam kay General Menardo Guevarra---actually, the bodies of the pilot and two crew of the aircraft were easily identified... they will now be transferred to their families respectively... hence, the suspected body of ME Group's chairman is really unrecognizable... we really need to conduct number of tests to confirm---dagdag pa niya kahit na kinumpirma ng CAAP ang identidad ng mga taong lulan ng sasakyang panghimpapawid, kinakailangan paring matiyak ang mga pagkakakilanlan nito. Samantala ang mga nasabing tests ay posible umanong magtagal ng isa hanggang tatlong araw."

"Sinubukan naming alamin ang panig ni Mr. Kean Josh Pangilinan na asawa ng namayapang negosyante ngunit tumanggi ito sa aming panayam. Nanatili namang tikom ang bibig ng nasabing kompanya sa pagkakahanap ng mayari nito."

-

Tanging tunog lamang ng orasan ang naghahari sa silid. Binuksan niya nang dahan-dahan ang kaniyang mga mata. Nanlalabo ito ngunit sigurado siya na galing sa ilaw ang liwanag na nakikita

Nilalamig at bahagyang nanginginig ang kaniyang inaapoy ng lagnat na katawan. Unti-unti pang luminaw ang kaniyang mga mata at sumasakit ang ulong nagsalita.

"Eul?" Takang tanong nito sa bulto ng taong nasa kaniyang harapan. Lumapit pa ito sa kaniya at hinawakan ang balikat upang ibalik sa pagkakahiga.

"Guys... si Spiro..." paggising ni Kevin sa mga kaibigang kanina pa nagpaubaya sa antok ng pagkapagod.

Kinukusot ang mga matang bumangon ang mga ito. Taka pa silang tumingin kay Kevin at nagulat nang sumigaw ang sapo-sapo nito sa higaan.

"Asan si Eul?!" Bulyaw ni Spiro. Mabilis na tumungo sina Kit at Jigs upang tulungan si Kevin na maihiga si Spiro sa higaan nito.

Inaapoy ng lagnat at tila'y nagdedelihiryo ang kaibigan. Hindi na nila alam ang gagawin kaya't si Sheena ay lumabas ng silid upang tumawag ng doktor o nars.

Si Cassey naman ay napako sa kaniyang kinatatayuan habang pinanonood ang nakaaawang kaibigan.

"Bakit ba?!" Muli nitong bulyaw sa mga nakapalibot sa kaniya. Ngayon ay mas luminaw na ang pangingin at nagtataka siyang bumaling sa tatlong kaibigang pinipigilan siyang tumayo.

"Ano bang ginagawa niyo?! Asan si Eul?!" Malakas na tanong nitong muli ngunit hindi nagtagumpay na makakuha ng sagot sa mga kaibigan. Masama man ang pakiramdam ay buong lakas nitong sinusubukang kumawala sa pagkakasapo sa kaniya nina Kit, Jigs at Kevin.

Ilang beses pang sinubukan nitong kumawala ngunit napatigil nang tuluyang maglakas-loob na magsalita si Cassey. "Wala na si Eul!" Malakas nitong pagkakasabi.

Saglit na napatitig si Spiro dito at takang nagtanong.

"Huh?! Nakita ko siya!" Bwelta ni Spiro at mas lalong pumiglas. "Magkasama kami kanina! Yakap niya ako kanina!" At sa isang iglap ay naitulak niya na si Kevin at inagaw ang sarili kina Kit at Jigs.

"Anong sinasabi mo?! Nakita ko na si Eul!" Sabay lakad palapit kay Cassey. Tumayo naman agad si Kevin at muling sinapo ang kaibigan.

"Wala na siya Spi... Patay na si Eul!" Sigaw muli ni Cassey at tila'y nawala ang buong lakas na napaupo. Saglit siyang tinitigan ni Spiro at napailing.

"Hindi! Imposible! Magkasama kami kanina..." baling niya pa kay Kevin.

"Spi... upo ka muna..." sagot naman nito.

"Hindi... magkayakap kami kanina... buhay si Eul---" Muli niya pang sabi ngunit hindi naituloy nang malakas na hilain nina Kit at Jigs pabalik sa higaan.

"Ano bang ginagawa niyo?!" Pagpiglas niyang muli ngunit natatalo na sa mga kaibigan.

Biglang pumasok si Sheena kasama ng dalawang mga nurses na mabilis na pumwesto sa magkabilang gilid ni Spiro.

"Sir... pakihawakan nalang po siya nang mahigpit..." sabi pa ng isa dito. Si Sheena naman ay dumiretso kay Cassey at niyakap ito nang mahigpit habang pinapanood ang kaibigan na nagwawala.

"Anong katangahan 'to Kevin?!" Sinubukan pa niyang pumiglas ngunit napahiyaw sa sakit nang maramdaman ang pagtusok ng karayom sa kaniyang braso. "Aw! Fuck!"

Inikot niya pa ang paningin sa mga kaibigang nakapalibot at nanghihinang naglitanya.

"Guys... bakit di niyo ako pinapakinggan... Nakita ko si Eul... hinalikan niya 'ko---"

-

"Mr. Pangilinan... you need to confirm..." pagkuway na sabi ng heneral sa kaniyang tabi. Kasalukuyan na silang nasa loob ng saradong silid. Kita niya pa sa kaniyang harapan si Skyrus na ngayon ay pinipigilan na ang emosyon nito.

"I can't do this..." at wala sa wisyong naglakad si Skyrus palabas ng silid. Malakas niya pang binagsak ang pinto.

Pumikit nang mariin si Kean at huminga nang malalim. "General... I can't say..." panimula ni Kean at naglakad paikot sa bangkay na nasa kaniyang harapan.

"Wala ka bang kahit na anong palatandaan kay Mr. Espinosa?" Marahang tanong pa nito na nakatitig kay Kean.

Tinitigan niya ang bawat parte nito. Mula sa buhok na natupok na ng apoy, sa buong mukha nitong hindi na makilala dahil nasunog at bahagyang nalasog, ang katawan nitong natuklap ang balat dahil sa pagsabog.

Lumunok siya nang ilang beses at umiling. "Wala... I can't say..."

"Mr. Pangilinan, CAAP already sent its report... if you don't want a DNA test or an autopsy, you'll be the last one to confirm his identity..." marahang paalala nito at naglakad na palabas ng silid.

"Order those tests... and please mark it urgent..." sabi pa ni Kean bago tuluyang makalabas ang heneral.

Naiwang nakatitig si Kean sa bangkay. Mabigat. Nakakasuka. Nakakadiri ngunit wala siyang nagawa kundi piliting sikmurahin ito.

"Eul..." marahang sabi niya at hinawakan ang sunog nitong kamay. Matigas na at malamig.

"I am sorry... babe..." dagdag pa niya at umupo sa upuang katabi ng higaan ng bangkay. Kinapa niya ang bawat detalye sa kamay na hawak at tinitigan ito.

"You've been so good to me... sobrang perfect mo para sa akin..." at nangilid ang mga luha. Muli siyang tumingala upang pigilan sana ito ngunit huli na.

Mapait siyang tumingin dito at lumuluhang nagsalita.

"But I don't know what happened... you've changed... a lot... and it's not good for us..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon