EULIII12

642 32 28
                                    

-

"Mahal ko, ganito nalang tayo habang buhay ah..."

-

Third Person's POV

"Girl! kailan ka sasama sa paghahanap ulit kay Eul?" Bungad ni Cassey pagsagot ng kaibigan sa kaniyang tawag.

"'Di ko alam Girl... pero baka bukas..." hindi siguradong sagot ni Sheena sabay marahang pumikit. "Grabe... nakakapagod na sobra..." Dagdag pa nito.

"Gusto ko sanang sumama kaso sobrang busy sa office... ilalabas na kasi yung collection tsaka yung magazine this coming week eh..." mahabang segunda ni Cassey. "Ay! Girl... is it okay na ilabas yung magazine kahit na hinahanap pa si Eul?" Biglang tanong ni Cassey sa kaibigan.

"Yun nga rin yung iniisip ko... sinabi ko na 'yan kay Kean kaso magulo utak nun eh kaya di ko alam kung nakarating na 'yan ng maayos sa kaniya..." mahaba namang sagot ni Sheena.

"Anyways... etong si Clive nagiinarte lang pala... nag-reply na rin sa wakas!" Pagiiba ni Cassey sa usapan.

"Oh, anong sabi?" Tanong naman ni Sheena sabay umayos ng higa.

"Eh ayon na nga... susubukan niya daw sumama pag pumunta na rin ako ng Batangas... sama ka ah? Baka pag magkakasama na tayong naghanap kay Eul, magpakita na siya..." Sambit ni Cassey sabay marahang inayos ang buhok. "Sige na girl... kumilos ka na bago ka pa tamarin! See you!" Huling sabi ni Cassey sabay pinatay ang tawag.

-

"Spiro... katatawag lang ng ABC Entertainment..." Panimula ni Kevin pagbukas ni Spiro sa pinto nito. Kalalabas lang nito sa banyo at tanging tapis lamang ang takip sa pangibaba. "Pinapatanong nila kung kailan ire-reschedule yung photoshoot..." dagdag ni Kevin. 

"Tell them, until I know..." Sagot naman ni Spiro sabay tanggal ng tapis at nakatalikod kay Kevin na nagsuot ng salawal. 

"Spi... naka-kontrata 'to eh..." alma naman ni Kevin. Hindi agad nakapagsalita si Spiro sa kadahilanang nagsusuot ito ng pantalon. 

"Then, tell them I quit..." Mariing tugon ni Spiro sabay kinuha ang damit para naman isuot. "Ako na bahala sa termination fee." Segunda pa ni Spiro sabay kuha ng relo at sinuot iyon. 

"Spi... paalala ko lang sa'yo, pang limang contract na tinerminate mo na 'to..." Sabi ni Kevin sabay umupo sa kama ni Spiro.

"Paalala ko rin sa'yo, si Eul 'to... walang kontratang tatapat kay Eul..." Makabuluhang sabi pa ni Spiro sabay tumingin sa salamin at inayos ang buhok.

Tumango nalang si Kevin at muling tumawag sa kaniyang telepono. Tumingin pa muna siya sa kaibigan bago lumabas upang kausapin ang kabilang linya. 

-

Dala ang mga pinamiling pagkain, tumingin muna siya sa kaniyang kaliwa't kanan. Nang masigurong walang nakasunod sa kaniya ay mabilis siyang pumasok sa kinakalawang nang gate at agad na sinarado iyon. Hindi niya rin nakaligtaang ikandado ang naturang gate bago siya maglakad papasok sa abandonadong gusali.

Madilim na tila'y walang buhay. Mga kaluskos lamang ng mga dagang nagtatakbuhan ang maririnig. Tinahak niya ang daan pataas sa mga hagdan hanggang makarating sa paroroonan. Nang matapat sa makapal na pinto ay kinuha niya ang susi sa kaniyang bulsa at binuksan ito.

Mula sa lumang imahe ng gusali ay tunay na nalalayo ito sa hitsura ng makapal na pinto. Ito ay bago at kung susumahin ay hindi basta-bastang matitibag. May pinindot pa siya sa gilid nito at otomatikong lumabas ang susian. 

Ilang pihit pa ang ginawa niya bago tuluyang magbukas ang nasabing pinto. Malamig na usok ang sumunggab sa kaniya at ilang saglit lang ay bumukas na ang mga ilaw. Bumungad sa kaniya ang maliit na remote at may pinindot dito.

Mabilis niyang narinig ang nakaririnding tunog at naghintay na lamang na matapos ito. Limang minuto ang lumipas ay namatay ang nasabing tunog na naging hudyat sa kaniya upang umakyat sa panibagong hagdan.

Tinahak niya iyon hanggang makarating sa dulo ng putol na hadgan. May inabot siyang tali sa itaas at hinila iyon. Mabilis na lumatag mula roon ang hagdang magtatawid sa kaniya sa paroroonan. 

Nang makatungtong doon ay sinarado niya ang lagusan pababa at tinakpan ng carpet. Binuksan ang ilaw at iginala ang paningin sa buong silid. Nakita niya pa si Eul na nakahiga at mahimbing na natutulog kung saan parin niya ito iniwan. Nakahubad at nakalantad ang maputi at ubod ng kinis nitong balat. Ngumiti siya ng matamis sabay nilapag ang mga dalang pinamili sa lamesa. 

Tinulak niya ang kama sa ibabaw ng carpet at tumungo kay Eul upang buhatin at ihiga ito sa kama. Hinubad niya pa ang lahat ng kaniyang kasuotan sabay tumabi kay Eul. Ihinilig niya ang ulo nito sa kaniyang dibdib at marahang pinaglaruan ang malambot nitong buhok.

Hinimas niya pa ang makinis nitong dibdib sabay halik sa ulo. "Gising na... mahal ko..." Pagbati niya sabay titig sa kisame. "I can't believe na nandito ka na sakin... It's just perfect..." Sabay bumuntong hininga.

Ilang saglit lang ay naramdaman niya ang pagkislot nito at dahan-dahang pagbukas ng mga mapupungay na mata. Mabilis siyang nagbago ng pwesto at pumatong kay Eul upang bungaran ito ng ngiti. 

Nakita siya ni Eul ngunit di pa ito makagalaw. Naririnig siya ni Eul ngunit di pa ito makapagsalita. "Mahal ko... Good morning!" Nakangising bati ni Itchan kay Eul sabay halik sa labi nito. "I made our breakfast, mahal ko..." muli pang sabi nito sabay halik sa leeg ni Eul na tila'y pinagsasawaan niya. 

Matagal. Malalim. Sinisipsip at nagiiwan ng mga markang halik ni Itchan sa kabuohan ni Eul. Dahan-dahan at unti-unti nang nakakagalaw si Eul kaya't marahan siyang umaalma sa bawat halik na pinakakawalan ni Itchan.

Nang tuluyang magsawa sa kabuohan ni Eul ay tumayo na si Itchan at inayos ang mga pagkain sa lamesa. "You know... I'm really happy..." Panimula ni Itchan. Blangko siyang tinignan ni Eul.

"---In the end, tayo talaga ang nagkatuluyan..." Dagdag ni Itchan sabay tingin kay Eul. Ang huli naman ay mabilis na naglihis ng tingin na tila'y walang naririnig. 

Lumapit pa si Itchan kay Eul upang alalayan itong makatayo. Hindi pa maramdaman ni Eul ang kaniyang mga paa kaya't binuhat siya ni Itchan at inupo sa tabi niya. Nang blangko siyang tinitigan ni Eul ay ngumiti lang siya sabay kumuha ng pagkain para isubo kay Eul. 

Saglit pang tumitig sa kaniya si Eul bago tanggapin ang isinusubo. Nang tuluyan itong nguyain ni Eul ay mabilis siyang hinalikan ni Itchan sa pisngi sabay malambing na nagsalita.

"Mahal ko, ganito nalang tayo habang buhay ah..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon